Chapter Twenty one - (Allyssia and Feti)Part 1

30 5 1
                                    

Chapter 21 - Part 1

"The Forbidden Forest?" tanong ni Dhenver sa kanila. Matagal na rin niyang hindi naririnig ang pangalan na ito na siguradong nakalimutan na ng iba.

"Opo Lolo Dhen, kailangan naming malaman ang tungkol sa lugar na iyon at bakit kami dapat na pumunta doon. Nakasaad din doon na dapat naming buhayin ito ulit."

"Matagal na panahon na rin na walang pumapasok sa Mineryang na tinatawag ngayon na Forbidden Forest at nakakalimutan na ng mga elenian kung nasaan ito at paano ito mapupuntahan. Pero, malinaw parin sa ala-ala ko kung nasaan ito at kung ano ang anyo ng gubat na ito." Huminga siya ng malalim at parang may inaalala. Ang apat ay nakikinig lang sa kanya habang nagkukwento at seryoso na makuha ang impormasyon na ito.

Sa kaharian ng Erosia, sa loob ng espasyo ni Haring Labnog. Isang batang prinsepe ang pumasok at magiliw na tumakbo papunta sa amang hari nito. Nakatanaw lang sa kanila ang isang Eros na kawal na nagsisilbing kanang kamay ng hari. May pang-uuyam at selos sa mga mata nito.

"Jomar bakit hindi mo imbitahin ang iyong mga kaibigan dito mula sa ibang kaharian." Nakangiting sabi ng hari sa anak.

"Talaga ama? Pwede kong imbitahin sina Junhnel, Steve at Ronel dito?" Tuwang-tuwa na tugon ng limang taong gulang na batang Eros na pumapaypay ang mga pakpak dahil sa kagalakan.

"Oo naman, ngayon din ay magpapadala tayo ng imbitasyon sa kanila para bukas. Lahat gagawin ko para sayo mahal na prinsepe." Sinulyapan ng Hari ang kawal at pinalapit ito.

"Tahoba, magpadala ka ng mga sulat sa mga kaibigan ng prinsepe at inaanyayahan ko sila na bumisita sa palasyo para kalaruin ang prinsepe. Gawin mo agad iyon maliwanag?"

"Masusunod mahal na Hari." Saad nito at agad na umalis at ginawa ang sinabi nito.

"Walang silbe, hindi siya karapat-dapat na maging hari. Ako dapat ang nasa posisyon na iyon at hindi siya at laong hindi ang paslit na prinsepe na iyon." Bulong niya sa kanyang isipan. Simula pa man ay gustong-gusto na niyang umupo sa trono dahil para sa kaniya ay siya dapat ang naroon dahil apo din siya ng yumaong lolo niya at isa din siyang prinsepe. Subalit, ang tiyohin niya ang naging sunod na hari at hindi ang kanyang ama kaya nawalan na siya ng pagkakataon na mapasakanya ang trono. Ngayon ay nagagalit siya dito dahil parang hindi kadugo ang turing ng hari sa kanya kundi isang hamak na kawal lamang at taga-utusan. Kaya ngayon ay lubos ang pagkamuhi niya sa kanyang tiyohin.

Kahit labag man sa loob ay ginawa parin niya ang utos ng hari at pinadalhan ng sulat ang ibang prinsepe mula sa tatlong kaharian. Kinabukasan ay dumating ang tatlong mga magagarang prinsepe mula sa ibang kaharian at isa si Tahoba na inatasan na bantayan ang mga ito habang naglalaro.

Napapangiti lamang siya habang pinagmamasdan ang mga ito, napapasulyap siya kay Jomar na naglalaro lamang ng isang bola na gawa sa mga dahon. Kahit na may pagkamuhi siya sa ama nito ay magaan naman ang loob niya sa kanyang pinsan. He is still a kid at katulad niya ay nananalaytay sa kanila ang dugong bughaw at ang batang ito ay wala pang alam sa mga nangyayari. Nabitawan ng prinsepe ang bola at napunta ito sa kanya. Agad na tumakbo ang bata papunta dito. He bend his knees to get the ball at inabot niya ito.

"Who is he?" Tanong ng batang Junhnel na lumapit sa kanila.

"I am his cousin prince Junhnel." Sabi niya at hinawakan sa ulo ang prinsepeng eros.

"Tahoba! Get away from him." Nagulat siya sa pagdating ng hari at iwinaksi nito ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa ulo ng prinsepe.

"Bakit po Mahal na Haring Labnog?" Gulat at nalilito niyang tanong.

"Hindi ko hahayaang saktan mo ang anak ko, alam kong may binabalak kang masama sa prinsepe dahil gusto mong mapapasayo ang trono." Sabi nito na may pagtatagis sa boses.

The Fate of the Royalties: Alexis' DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon