Chapter 20: Favor

Start from the beginning
                                    

“Opo,” she answered. “Nasabi nga po n'ya sa 'kin.”

“Sinabi n'ya sa 'yo?” 'di makapaniwalang tanong nito sa kaniya.

“Opo,” she affirmed. “Mabuti na nga lang po't magaling s'yang mangabayo dahil kung 'di'y siguradong napahamak na 'ko no'n.”

“What do you mean?” usisa nito sa kaniya.

“Muntik na po kasi 'kong maaksidente nang nakaraang linggo dahil sa pangangabayo. Mabuti na lang nga po't niligtas ako ni Uriah.” Pagkatapos ay kinuwento niya rito ang buong pangyayaring naganap nang nakaraang linggo.

“He really did that?” she asked in disbelief.

“Opo,” she replied.

“Alam mo bang naaksidente si Uriah dahil din sa pangangabayo nang bata pa s'ya? Halos ikamatay n’ya ang nangyaring 'yon at dahil do'n ay 'di na s'ya nagtangkang mangabayong muli dahil sa sobrang takot. Bukod pa sa talagang pinagbawalan ko s'ya,” saad nito sa kaniya.

“’Di ko po alam ang tungkol sa pangyayaring 'yon,” nababahalang wika niya rito. “Ang alam ko lang po'y Dash ang pangalan ng kabayo n'ya which was given to him by his father who also taught him how to ride it? Saka sabi po n'ya'y nasa Saudi po si Dash dahil 'di n'ya po madala rito sa Pilipinas.”

“’Di dahil sa 'di n’ya pwedeng dalhin dito sa Pilipinas si Dash kaya iniwan n'ya sa Saudi ‘to,” wika nito. “It’s just that every time he sees his horse, he's reminded of his hatred towards his own father. 'Cause, you see? When that accident happened ay kasama ni Uriah ang tatay n'ya. Kaso, kahit sobrang nag-aalala na ang ama n'ya para sa kan'ya'y 'di nito nagawang dalhin at bantayan s'ya sa ospital dahil… dahil baka…”

“Dahil ang tatay n'ya po ang crown prince ng Saudi't baka malaman ng mga tao ang totoong relasyon nila sa isa’t isa,” pagpapatuloy niya sa sinabi nito.

Natigagal si Lucinda. Her jaw fell na para bang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

“Alam ko po ang tungkol sa tunay na pagkatao ng ama ni Uriah,” pagtatapat niya rito. “Sinabi n’ya po sa 'kin.”

“Well, you're really something, Sandy, para sabihin sa 'yo ni Uriah ang tungkol do'n,” anito. “He must really trust you.”

She just smiled at her. Hindi siya makapagsalita.

“Dahil sa pangyayaring 'yon ay nagtanim ng sama ng loob si Uriah sa sarili n'yang ama,” Lucinda continued. “Pakiramdam n'ya'y inabandona s'ya nito.”

“But I think that he's father’s just protecting him,” she reasoned out. “Pino-protektahan n'ya lang kayo dahil delikado ‘pag nabunyag sa lahat ang tungkol sa anak n'ya sa labas.”

“You’re right,” Lucinda agreed. “Kaso, 'di ko maintindihan kung bakit 'di 'yon naiintindihan ni Uriah.” Then, Lucinda faced her and held her both hands. “That’s why I need you to convince him to attend his father’s birthday next week.”

“Ako po?” she inquired. “Bakit po 'ko? ‘Di po makikinig sa 'kin ang anak n’yo.”

“Trust me,” she reassuringly replied. “I know that he’ll listen to you.”

“Bakit n'yo naman po nasabi 'yon?” nagtatakang tanong niya rito.

“Because, I believe that my son likes you,” diretsong sagot nito.

Unconsciously ay binawi niya ang mga kamay niya mula sa pagkakahawak nito. “H-ha? A-ano po? I-imposible pong mangyari 'yon.”

Kinuha namang muli ni Lucinda ang mga kamay niya and held it firmly. “I know my son inside and out, Sandy. Okay. I’ll give you a simple checklist para malaman mo kung gusto ko ba ng anak ko o hindi. Una, nagseselos ang anak ko sa ibang lalake o mga lalakeng lumalapit sa 'yo?”

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Where stories live. Discover now