Chapter 20: Favor

Start from the beginning
                                    

Dahil hindi kalayuan ang sala sa kusina ay naririnig niya pa rin ang pinag-uusapan ng mag-ina habang naghahanda siya ng meryenda.

“Kailan ka pa dumating, Um?” narinig niyang tanong ni Uriah kay Lucinda. “Bakit 'di mo man lang ako sinabihang uuwi ka pala rito sa Pilipinas?”

“Nang isang araw pa 'ko dumating, abnay,” narinig niyang sagot ni Lucinda kay Uriah. “Sinadya ko talagang 'di sabihin sa 'yo ang tungkol sa pagluwas ko rito sa Pilipinas dahil gusto kong malaman ang totoong kalagayan mo. At mukhang tama nga ang sinabi sa ‘kin ni Lea – na may nag-aalaga sa 'yo rito.”

Mas lalo tuloy siyang na-curious na pakinggan ang pinag-uusapan ng mga ito dahil parang may ibig ipakahulugan si Lucinda sa huling sinabi nito kay Uriah.

“Kasambahay ko si Sandy, Um,” pahayag ni Uriah sa sariling ina. Sinasabi na nga ba niyang siya ang tinutukoy ni Lucinda na nag-aalaga kay Uriah.

“Bakit defensive ka?” mistulang sarkastikong tanong naman ni Lucinda sa sariling anak. “May sinabi ba 'kong masama?”

Hindi naman na niyang narinig na muling kumibo si Uriah.

“S’ya nga pala,” pagpapatuloy ni Lucinda. “Bukod do'n. Kaya 'ko nagpunta rito e dahil gusto ng tatay mong kumbinsihin kitang pumunta sa nalalapit na birthday n'ya.”

“’Di ba sabi ko'y pag-iisipan ko?” paalala ni Uriah sa kaniyang ina.

“Hanggang kailan mo pag-iisipan, abnay?!” ubos-pasensyang tanong nito sa anak. “’Pag wala na ang ama mo?! Alalahanin mo sana 'yong sinabi ko sa ‘yo nang tinawagan kita nang nakaraang araw na matanda't may sakit na ang tatay mo. Gusto ka n'yang makitang muli kahit sa huling pagkakataon. ‘Wag mo sanang pairalin ang sama ng loob mo sa kan'ya. Pagbigyan mo na ang kagustuhan n'ya.”

“Bakit? Ipapakilala n'ya na ba 'ko bilang anak n'ya?” mapang-uyam na usisa ni Uriah kay Lucinda.

“’Di ko alam, abnay,” tugon ni Lucinda kay Uriah. “Pero, alam mo naman kung bakit 'di n’ya pwedeng gawin 'yon, 'di ba? Para rin naman sa kaligtasan mo ang ginagawa n'ya.”

Nang makagawa na siya ng isang sandwich at makapagasalin ng fresh orange juice na may yelo sa isang baso ay lumabas siya sa kusina at nagtungo sa living room para ibigay ang meryenda ni Lucinda.

“Thank you,” pasalamat nito sa kaniya nang ilapag niya sa center table ang tray na naglalaman ng pagkaing hinanda niya para rito. Una nitong kinuha ang isang basong orange juice at sumimsim mula roon.

“Sige po, ḥamāh. Maghahanda lang po 'ko ng hapunan natin,” paalam niya rito. Tumango naman ito sa kaniya at saka siya bumalik sa kusina.

🏠🏠🏠

BITBIT ang isang balde ng carrots ay lumabas si Sandy ng bahay.

“Where are you going to bring those?” usisa ni Lucinda sa kaniya, ang tinutukoy nito ay ang dala niyang carrots, nang madatnan niya ito sa porch. Nagpunta kasi ito roon matapos nitong maghapunan para raw lumanghap ng sariwang hangin. “May alaga ka bang rabbit?”

“Wala po,” magalang niyang tugon dito. “Ibibigay ko lang po ang mga 'to kay Unicorn. 'Yong alaga ko pong kabayo.”

“You’ve got a horse here?” manghang tanong nito sa kaniya. “Where?”

“Nasa kuwadra po,” sagot niya rito.

“Pwede ko ba s'yang makita?” pagpapaalam nito sa kaniya.

“Sige po,” pagpayag naman niya rito.

🏠🏠🏠

SANDY was busy feeding Unicorn when Lucinda told her something she already knew. “Do you know that Uriah also has a pet horse when he was still young?”

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Where stories live. Discover now