Author's Note

1.3K 90 40
                                    

Mga minamahal kong mambabasa,

Sa muling pagkakataon, akoy taos pusong nagpapasalamat sa inyong lahat na sumubaybay, tumangkilik sa nobelang ito simula una hanggang sa huli. (Hindi ko na kayo maiisa-isa pero batid ko na kilala ninyo ay ramdam sa inyong puso kayong lahat na aking tinutukoy❤️)
Kayong lahat na nakidalamhati, umiyak, kinilig at natuwa sa istorya at kwento ng pag-ibig nina Celestina at Lucio.

Bagamat inabot ng ilang taon bago ko natapos ang istoryang ito ay marami pa rin kayong hindi ito iniwan at sumuko.

Hindi ko akalain na magagawa kong makatapos ng isang nobela. Sa totoo lang wala sa hinuha ko ang magsulat at hindi ko akalain na magagawa kong makagawa ng isang nobelang may dyenrang historical fiction.

Kaya naman bilang pasasalamat hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang katotohanan sa likod at nag-udyok sa akin upang maisulat ang nobelang ito.

All thanks to UndeniablyGorgeous/ Binibining Mia, dahil siya ang naging inspirasyon ko upang maglakas loob na sumulat ng naturang dyenra.

Ang Camino de Regreso 1895 at 1896 ay inspired sa kaniyang nobelang i love you since 1892.

At sa inyong lahat na pawang nagtatanong kung paano nga ba nabuo ang cdr 1895 at 1896 ito ang aking kasagutan...

  Nagsimula ang lahat matapos kong basahin ang ilys1892, biglang pumasok sa isipan ko what if si Carmela..tipong sobrang maprinsipyo at may sariling paniniwala ganundin naman what if si Juanito, cold na ginoo?

Simula nung araw na iyon gabi-gabi na lamang may istoryang pumapasok sa aking isipan na hindi natitigil hanggang isang hapon, aking naisipang isulat na lamang lahat ng ideyang pumapasok sa aking isip. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nag-iisip na ng pamagat at pangalan ng magiging karakter.

Nung una wala akong balak na ipublished ito dito sa wattpad pero bigla ko ring naisip na para saan pa ang aking isinusulat kung hindi ko naman ito maiibahagi sa iba? Kaya naman naglakas loob ako na ipublished ito sa wattpad. Sinabi ko pa na bahala na, may bumasa o wala ay ayos lamang.

Noon basta sulat lang ako and then published pagkatapos kada kabanata. Sinabi ko pa na kapag hindi ko natapos o tinamad ako, ide-delete ko na lang ang istoryang ito.

Subalit wala pa man isang buwan nang aking isulat ang nobela ay may iilan ng taong nagbibigay komento sa istorya. Akin pang natatandaan kung paano ako kiligin tuwing may nagme-message sa akin tungkol sa nobela at kung gaano ako naeenganyong mas pagbutihin ang pagsusulat tuwing may nagsasabing 'please update'.

Ewan ko pero kapag may nako-comment na ganiyan ay halong pressured at tuwa ang aking nadarama. Para kasi sa akin kapag may nagde-demand na ikaw ay mag-update ibig sabihin may mga mambabasang naho-hook sa istorya. Ako kasi bilang reader ay ganun din ang nais icomment sa mga author tuwing nagagandahan ako sa kanilang nobelang isinusulat.




About the title..

Actually noon wala akong maisip na title talaga. As in, like napunta pa nga ako sa punto na dapat 'Celestina' lang ang title nito e. Not until nakita ko sa facebook ang isang old picture tapos nakalagay sa caption 'Way back 80's'

Kaya naisip ko na bakit hindi ko itranslate sa Spanish para naman hindi mukhang status lang sa fb ang peg? So ayun nga at nagresearch ako. Pero hindi rin naging madali dahil walang instant na way back word in spanish kaya naman nagmanu-mano ako.

Camino means way

de means of

Regreso means return

So 'Way of Return' talaga ang title at batid nyo naman siguro kung paano naging ganiyan ang title base sa istorya? So para mas malinaw nilagayan ko na rin ng (Way back 1895).


Panghuling Mensahe ng may-akda:

Nais kong muli kayong pasalamatan at sanay sa aking nobelang inyong nabasa ay mamutawi sa inyong puso't-isipan ang aral na natutunan. At inaasahan ko na muli ninyo akong susuportahan sa muling pagsusulat ng susunod pang istorya.

Bagamat halong lungkot at tuwa ang aking nadarama sa pagtatapos ng istorya nina Celestina at Lucio ngunit kailangan na rin nating tanggapin ang kanilang naging kapalaran. Batid ko rin na may ilang nalungkot at di maiiwasan na may madismayado sa kinahantungan ng kanilang pagmamahalan subalit nais ko ring sa pamamagitan ng akdang ito ay mamulat tayo sa katotohanan sa buhay.

  Tungkol sa susunod na nobela, ito ay pinamagatang 'Rotura de la Luz', ang unang Regreso Serye. Dito unti-unti mabibigyan ng kasagutan ang ilan sa inyong katanungan patungkol dito sa CdR 1896❤️.


Taos pusong pasasalamat din ang nais kong iparating kay MsLegion para sa kaniyang magandang ginawang pabalat sa nobelang ito❤️. Tunay na di magagawaran ang iyong galing sa ganitong uri ng larangan.

Lubos na nagpapasalamat at gumagalang,

Senyoria

Camino de Regreso (Way back 1896)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant