Kabanata 49

1.6K 93 53
                                    

Inagurasyon at Kasalan

Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay napupuno na ng panauhin ang aming malawak na bakuran. Wala pa kaming sapat na tulog pero heto kami't kailangan nang maghanda upang harapin ang ilang daang taong naghihintay sa labas ng aming tahanan.

Ngayon araw ng pasko, inanyayahan ni Tiya ang lahat ng tao sa Valencia bilang pasasalamat na rin daw niya ito at pamamanata. Pero malakas ang aking pakiramdam na ginagawa niya ito upang mas lumakas si Tiyo Ferdinand sa madla nang sa gayon matupad ang pagnanais nitong maluklok bilang gobernadorcillo.

"Maligayang pasko sa inyong lahat at sanay masiyahan kayo sa munting pagsasalo-salo na inilaan ng aming pamilya para sa inyong lahat" masayang wika ni Tiya pagkaharap namin sa lahat .

Hindi na lamang ako nagkomento sa sinabi niyang 'munting salo-salo' like the F! Halos sangkaterba ang dami ng pinahanda niya at talagang halos nasa 20 baboy ang kaniyang pinkatay sa araw na ito! Tsk

Walang pagsidlan ang kaligayahan sa mukha ng lahat at talagang kahit papaano ay natuwa ako sa naisip na ideya nila ni Tiyo yun nga lang minus sa kanilang agenda.

Ilang oras pa lamang kamung bumabati sa lahat ay talagang nangangawit na ang aking mukha kakangiti at bukod pa doon nangangalay na rin ako kaya naman naupo muna ako sa isang tabi.

"Grabe ano mabuti na lamang at nakabalik ang mga de la Serna dito sa Valencia. Tingnan mo naman kung gaano sila kagalante" komento ng Ale di kalayuan sa aking pwesto. Nakatalikod ito sa akin habang nakatingin sa kachikahang Ale.

"Oo pero parang gusto kong maging gobernador si Don Ferdinand dahil tingnan mo naman bago pa lang siya dito ngunit ang laki na nang naiitulong nilang mag-asawa sa bayan" tugon dito nung isa pa ring Ale na kachikahan nito. Sus kung maririnig ito ni Tiyo tiyak na magpapalakpakan ang tenga nun sa tuwa.

"Pero balita ko mukhang nagnanais din daw na malukluk sa nasabing posisyon si Heneral Orlando. Para sa akin mas nais ko siyang maging gobernadorcillo dahil mas matagal siyang nanirahan dito at subok na natin ang kaniyang ugali at isa pa simula una palang tumutulong na rin ang Villafuerte sa bayan" aniya ulit nung Ale na nakapagpataas ng aking kilay.

Kung ganoon mukhang magiging magkatunggali ang dalawang matalik na kaibigan  para sa pagiging gobernadorcillo ng Valencia. Tiyak na mas lalong magpapantig ang tenga ni Tiya Flora oras na malaman ito.

Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang kasunod na pinagsasabi ng nga Ale at mas pinagbuti ko na lamang na bumalik na sa loob at magpahinga sa aking silid tutal wala rin akong makaka-bonding dito sa labas dahil kagabi matapos himatayin ni Raquelita ay napagpasyahan nina Don Mauricio na iuwi na lamang ito sa kanilang bahay. Kaya naman hindi ko rin nakausap si Luis upang humingi ng tawad sa kaniya gayong batid ko na sa mga malulungkot niyang tingin ay nasaktan ko siya ng tuluyan. Pero naisip ko na kahit anong gawin ko ay masasaktan at masasaktan ko lamang siya kaya mabuti pa'y linawin ko na ang lahat sa una pa lamang sa ganun, hindi na siya umasa pa at mas mailaan na lamang niya ang atensyon sa ibang binibini na kayang suklian ang kaniyang pagtingin.

Sandali pa akong tumango sa mga taong bumabati sa akin, balak ko sanang magpaalam kina Tiya na magpapahinga muna ngunit hanggang sa naabot ko na ang likurang bahagi ng aming hacienda ay hindi ko sila makita maging si Acong na sa palagay koy kasama pa rin nila. Papasok na sana ako sa may kusina nang maulinagan akong isang boses na tumatawag.

"Binibini"

Kunot noo akong lumingon sa pinanggalingan ng boses.

"Binibining Irina"

Teka ngayon ko lang ulit narinig ang ngalang iyan na ginamit ko noon sa Kalilaya ah!

Tuluyan na akong napalingon dito at mula sa di kalayuan napansin ko ang isang lalaking nagtatago sa likuran ng isang puno. Dahan-dahan akong lumapit dito habang kinikilatis ang mukha nitong natatakpan ng sumbrerong buri o gawa sa banig.

Camino de Regreso (Way back 1896)Where stories live. Discover now