Kabanata 52

1.4K 92 71
                                    

Pagiging magkalaban

Isang Linggo na ang nakakaraan matapos ang nangyari kay Gregor at maging sa mga nasawi naming kasamahan. Sa loob ng ilang araw na lumipas, mas lalong tumindi ang galit ng gobyerno sa mga rebelde lalo na sa aming dalawa ni Acong na ayon sa mga kasamahan namin ay may patong  na daw na malaking halaga ang ulo  namin upang mas mapadali ang paghahanap sa amin ni Tiyo Ferdinand.

"Aalis na muna ulit kami at kayo na ulit muna ang bahala dito" paalam sa amin ni Senor Rafael bago lumabas na ng kubo.

Pasado alas-5 palang ng umaga at kasalukuyang nagsisi-tilaukan pa lamang ang mga tandang ngunit kailangan na nilang umalis sapagkat malayo din itong kuta namin sa bayan.

Dito kasi napadpad sa dulong bahagi ng Bundok Saklolo upang magtago at kasalukuyang kasama namin ang mga kaanib na rebelde.

"Mag-iingat po kayo Señor" sabay naming tugon ni Acong dito bago sabay na sila ni Simon na sumakay ng kabayo. Tinanawan na lamang naming sila hanggang sa tuluyan na silang nakaalis papalayo.

Si Señor Rafael ay kasalukuyang opisyal pa rin sa munisipyo kung kayat siya rin ang nagbabalita sa amin kung ano ang nangyayari sa bayan. Habang si Simon ay nagtra-trabaho dito bilang kutsero. 

"Tutulong lamang ako sa mga kababaihan na naglalaba sa ilog" paalam ko kay Acong at aalis na sana nang mapansin kong tilay malungkot itong nakatulala lamang sa kawalan.

"Iniisip mo parin sila" wika ko. Naisipan kong kausapin muna ito bago magtungo sa ilog.

"Hindi ko pa rin maiwasan ang hindi mag-alala lalo na sa mag-ina ko. Alam mo naman kung gaano kasensitibo si Raquelita nitong mga nagdaang araw at minsan hindi rin ito nakakatulog hanggat hindi ako nakakasama" malungkot na wika nito.

Simula nung ikinuwento  ko sa kaniya na nakaalis na ng bansa ang pamilya ni Raquelita kasama sina Don Victor at Tala, imbes na mapanatag ang loob  tilay mas lalo lamang itong nag-alalala.

"Acong aking nasisiguro na hindi siya pababayaan nina Don Mauricio at Luis" pagtitiyak  ko pa dito.

Kumsabagay hindi ko rin naman siya  masisisi kung makadama siya ng pangungulila sa  kaniyang mag-ina.

"Acong patawad, nang dahil sa akin nagkagulo-gulo ang buhay ninyo" malungkot kong saad.

"Tinang ilang beses ko ba sa iyong sasabihin na wala kang kasalanan"  sagot nito at bakas sa boses nito na naiirita na dahil sa paulit-ulitn lamang ganito ang aking sinasabi sa kaniya.

Ngunit  hanggang ngayon ay sinisisi ko parin ang aking sarili dahil nadamay siya sa aking kamalasan. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sabakin kung ano ang nangyari nung gabing iyon na humantong sa ganoon si Tiya Flora. Ang natatandaan ko lamang ay naiwan sila sa salas nung gabing iyon at nagkakasiyahan pa habang akoy nauna nang magpahinga sa aking silid. Tinanong ko na rin si  Acong kung ano ang nangyari pero maging siya ay walang maisagot  sapagkat matapos ko daw magpaalam na magpapahinga na ay napagpasiyahan na rin daw niyang ihatid si Raquelita sa hacienda Gonzales. Doon na daw sana siya magpapalipas ng gabi subalit napagtanto niya na wala pala siyang gamit doon kaya napagpashayan niyang umuwi upang kumuha ng gamit. At nung nakauwi na siya sa  amin, nagtaka siya kung bakit ang dilim ng buong paligid at kung bakit nakakandado ang lahat ng pintuan na  kung hindi pa siya dumaan sa may binata sa kusina ay hindi pa siya  makakapasok sa loob.

"Sa iyong palagay, pinlano ba ni Tiya ang lahat?" lakas  loob na tanong ko habang pinagmamasdan ang labas ng bahay kung saan masayang naglalaro ang ilang kabataan na anak ng aming mga kasamahan.

"Maaaring oo, dahil bakit kailangang ganoon ang paligid at maging ang pagkakandado ng pintuan sa loob at labas ng bahay ay nagpapatunay na ayaw ka niyang palabasin" tugon nito.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon