Kabanata 7

1.8K 109 38
                                    

Kamusta

Damn! Shit! Fudge! Mierda!

Hindi ko alam kung ilang mura pa ang kailangan kong bigkasin mapakalma lamang ang aking sarili. Halos pabalik-balik akong naglalakad sa maliit na espasyo ng aking silid at nang bahagyang mapagod, naupo na lamang ako sa kama.

Pinilit kong iwaksi sa aking isipan ang nangyari kanina ngunit mahigit 3 oras na ang nakakaraan ay parang sirang plakang nagpapa ulit-ulit sa aking isipan ang katangahan ko sa kaniyang harapan.

Frustrated akong napasabunot sa aking buhok at mas lalo lamang akong nastress nang maalala ang katangahang pagpuputol ko dito. Mabuti't kahit papaano ay hanggang balikat pa rin ito at hindi ako tuluyang nakalbo. Geez.

Kung hindi siguro ako lumingon malamang hindi niya ako makikilala lalo pa't maiksi na ang aking buhok. Arrgghhh. Bakit kasi lumingon ka pa Celestina?! Sanay hindi ka na lamang nagpadala sa kaniyang tawag at tumakbo nalang mabilis.

Napatingin tuloy ako sa maliit na lamesita kung saan nakapatong ang aking sinulat kanina. MAYBE huh! Bakit ba ngayon ko lang narealize na yung lyrics mismo ng kanta na iyon ang aking sinusulat kanina?

"Aisssh leche!" hindi ko naiwasang isatinig. Kung pwede lang iuntog ang aking sarili ng paulit-ulit para makalimot sa kahihiyan ay kanina ko pang ginawa.

Pero mas lalong nakaka-stress sa lahat ay ang katotohanang..

Si Lucio ang bagong heneral na kanilang tinutukoy!!

Damn patiwakal na ghorl! Joke! Aiissshh!

Pano ko pa ngayon siya iiwasan gayong mukhang tinamaan sa kaniya si Amelia? At kung hindi ako nagkakamali siya rin yata ang yung tinutukoy nito na nais iharap sa kaniyang Ama at altar!

Parang akong dedeliryuhin sa rebelasyong ito!

Abala ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pintuan .

"Binibini pinapatawag na po kayo ni Señora Amelia upang magtanghalian" batid kong si Celia ang boses sa likod ng pintuan.

Isa pa ulit na mura DAMN! SHIT! FUDGE! MIERDA! Hindi ako maaaring sumabay sa kanila. Hindi ko pa kaya! Waaahhhh!! Ottoke!

Mabilis akong humiga at nagtulug-tulugan bago nagkunwaring naghihilik. Sinigurado ko na malakas ang pagharok ko upang marinig ni Celia sa labas nang sa gayo'y isipin niyang mahimbing akong natutulog. Packing Tape talaga!

Hindi ko inakalang ang pagtutulug-tulogan ko ay magiging katotohanan. Basta nagising na lamang ako nang mapagtanto kong madilim na sa labas. Akala ko madaling araw na buti't nakita ko yung antigong orasan sa wall na nasa itaas ng bintana. Alas-7 na pala ng gabi.

Biglang may kumatok muli sa pintuan, magtutulug-tulugan sana ulit ako kaso huli na ang lahat. Nakapasok na si Amelia habang may dalang pagkain.

"Hindi ka pa kumakain simula kanina kaya napagpasyahan kong dalhan na lamang kita dito" bungad nito sa akin. Nilagay nya ang pagkain sa ibabaw ng lamiseta pagkay inisod ito at itinapat sa akin.

"Sige na kumain ka na muna pagkatapos mo saka tayo mag-usap" ani nito. Tatanggihan ko sana ito ngunit sariling tiyan ko na ang nagpahamak sa akin. Natatawa naman itong tumingin sa akin.

Nahihiya akong napatingin sa tray ng pagkaing dinala niya. Sa aking palagay afritada ang ulam habang may ube halaya na dessert. Geez my fave.

Hindi na ako nagpabebe pa at nilantakan na ang pagkain. Bahagya naman akong na-conscious nang mapansin ko ang paninitig nito sa akin. O-em hindi ko pala siya naayang kumain! How rude Estiel, siya pa naman nagdala ng pagkain. Dapat ikaw ang magsisilbi sa kaniya pero ang nangyari ay kabaliktaran! Nagu-guilty tuloy ako. Hays.

Camino de Regreso (Way back 1896)Where stories live. Discover now