Kabanata 32

1.8K 85 67
                                    

Malupit na Heneral

Makalipas ang ilang minuto nanatli lamang akong sa aking kinatatayuan pawang pilit kong iniintindi ang aking sarili at muling inaalala nung mga panahong una kong nakilala si Lucio.

"Hoy Irina ano't tulala ka diyan? Tingan mo kanina ka pa yatang hinahanap ng Heneral mo" singhal sa akin ni Nila sabay tapik ng malakas sa akin, dahil doon nagbalik ang aking atensyon sa kasalukuyang nangyayari.

Dahil sa unti-unti na ring nagsisiuwian ang mga tao kung kayat mas malinaw kong nakikita si Lucio na ngayon ay palinga-linga sa paligid.

"Ano pa bang hinhintay mo? Dali na at puntahan mo na siya!" angil pa ni Nila na walang anu-ano ay ipinagtulakan ako papalapit sa gawi ni Lucio. Agad ko namang nakuha ang atensyon nito at ngayon, nakangiti itong lumapit sa akin.

Diyos ko ang puso kong kanina lamang ay nagdududa sa nararamdaman sa kaniya, ngayon ay muling kumakabog ng pagkabilis-bilis!

"Senyorita" masayang tawag nito sa akin at nang tuluyan na itong makalapit ay walang pagdadalawang isip na niyakap ako sa harapan ng lahat!

Narinig ko ang pagsinghap ng karamihan lalo na ang munting bulungan ng mga binibini di kalayuan ang pwesto sa amin.

Dahil sa hiya na aking nadarama ay tinago ko na lamang ang mukha ko sa leeg niya.

"Ikinakahiya mo ba ako Senyorita?" tanong nito pagkakalas sa pagkakayakap sa akin, kunwaring nagtatampo kahit na natatawa naman.

"Hindi naman sa ganoon, hindi lamang ako sanay na nakakaagaw ng atensyon" pagpapatotoo ko. Tumingin naman siya sa paligid at dahil dun patay malisyang nagsi-iwas ng tingin ang mga taong nanonood lamang sa amin kanina.

"Ehem" isang pagtikhim ng baritonong boses kung kayat agad kaming lumingon sa gawi nito.

"Ama" seryosong bati ni Lucio kay Heneral Orlando.

"Nagagalak ako sa aking nabalitaan kung kayat walang pag-aatubiling nagtungo ako dito upang ikay batiin sa matagumpay mong misyon" nakangiting saad nito.

"Maraming salamat Ama" simpleng tugon ni Lucio ngunit bakas ang tuwa sa paraan ng pagsasalita nito.

"Kung iyong mamarapatin ay nais kitang imbitahan na maghapunan sa tahanan ni Heneral Ferdinand.." paanyaya nito bago tumingin sa aking gawi. "Isama mo na rin si Irina" nakangiting dagdag pa nito at doon ako napakislot.

Halos kusutin ko ng paulit-ulit ang aking mata. Ngumiti ba talaga sya sa amin? Omg!

"Kung gayon, kinalulugod naming paunlakan ang iyong paanyaya Ama" nakangiti na ring tugon ni Lucio sa Ama. Tumango lamang ito sa amin bago nauna nang umalis.

Masaya kaming nagkatinginan sa isa't-isa ni Lucio, subalit agad napawi ang aking ngiti sa labi nang makita ko ang kabuuan nito.

Maduming damit, magulong buhok, kapansin-pansin din ang eyebags sa mata nito marahil dahil sa ilang araw nilang pagbabantay, bahagya ding naging kayumanggi ang mestisuhin niyang balat at higit sa lahat ang ilang sugat at gasgas sa iba't-ibang parte ng katawan nito!

"Mabuti pa'y gamutin muna natin iyang mga sugat mo bago magtungo sa mansyon ni Heneral Ferdinand" nag-aalalang saad ko.

"Hindi na kailangan Senyorita, mga simpleng sugat lamang ito at maaring mamaya na lamang gamutin pagka-uwi natin. Magtungo na muna tayo kina Ama at Ina at baka magbago pa ang isip ng mga ito" natatawang biro nito na kinatawa ko rin ng bahagya. Humalik pa ito sa may sentido ko bago hawak kamay kaming naglakad papaalis. Muli na naman naming naagaw ang atensyon ng lahat kung kayat muli na namang nagpatay malisya ang mga ito.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon