Kabanata 42

1.5K 78 61
                                    

Anak

Unti-unting nagiging maganda ang pagsisimulang muli ng Hacienda de la Serna. Ang dating taniman na nagmukhang patag na damo, ngayon ay napupuno na ng mga bagong tanim na iba't-ibang gulay.

Dumako naman kami sa taniman ng palay at halos lahat ng magsasaka ay abala sa pagtatanim habang si Acong ay game na game tumulong sa kanila.

Nakangiti kong pinagmamasdan siya habang masayang nakikisalamuha sa iba pang magsasaka. Grabe ang laki na nga ng pinagbago ni Acong mas natuto siyang makisama dahil sa naranasan na rin niya ang mamuhay ng simple.

Isang pagtikhim ang nagpabalik sa aking atensyon kay Luis. Seryoso lamang nitong ipinagpatuloy ang mga sinasabi kanina.

"Bukas darating ang mga hayop tulad ng baka, kabayo kambing at baboy. Nakausap ko na ang mga katiwala ninyo na maagang salubungin ang mga ito at kasalukuyang nakahanda na rin ang mga kwadra, kulungan at syempre kumpleto na rin ang pagkain para sa mga ito" pagbibigay alam nito at tumango ako.

Naghintay pa ako ng iba nitong sasabihin ngunit nabigla ako sa biglaang pagtawag nito ng seryoso sa aking ngalan.

"Celestina"

Bahagya akong nakaramdam ng pagka-ilang sa paraan ng paninitig nito sa akin kaya naman lumayo ako ng kaunti bago nagsalita.

"Bakit Luis?"

Napabuntong hininga paito at bakas na nag-aatubili kung sasabihin ba ang dapat sabihin.

"Kayo na ba talaga ni Lucio?"

Hindi ko naiwasan ang mapakunot ng noo dahil akala ko kung ano ng sasabihin niya yun pala ay ito lamang. Pambihira.

"Oo" nakangiting pag-amin ko.

"Kailan pa?" tanong pa nito.

"Isang taon na rin ang nakakaraan nung maging kami dito sa Valencia. Ilang buwan din kaming nagkawalay ngunit talagang pinagtagpo muli kami ng tadhana at ngayon heto't muli kaming nagkabalikang dalawa" masayang kwento ko dito pero ang reaksyon nito ay hindi man lamang napaltan.

"Ikaw, may kasintahan ka na rin ba?" pagtatanong ko na lamang dito.

"Wala" simpleng tugon nito na kinapagtaka ko. Aba masyado ring good catch itong si Luis para sa mga babae at isa pa talagang gentleman at maasahan sa oras ng pagangailangan.

"Bakit naman?" tanong ko pa.

"Yun kasing kaisa-isang binibining hinihintay ko ay may mahal na palang iba" malungkot na tugon nito.

Aww kawawa naman si Luis.

"Hayaan mo madami pa namang isda sa dagat, tiyak na hindi ka mawawalan" nakangiting patalinhagang tugon ko.

"Subalit iyong isdang iyon lamang ang aking ninanais at hinahangad na mahuli upang sanay ingatan kung pagbibigyan ng tadhana" matatag na tugon pa nito.

Hindi na lamang ako nagkomento pa sapagkat hindi ko alam ang right word na sasabihin sa kaniya. Pero siguro isasama ko na lamang siya sa aking prayers para makahanap na siya ng Binibining nararapat para sa kaniya, yung kayang suklian ang pagmamahal na kaya niyang ialay dito hindi man sa kaparehong paraan, ang mahalaga ay handang gawin ang lahat para hindi siya mawala sa piling niya. Parang ako at si Lucio, tipong hahamakin ang lahat masunod lamang ang isinisigaw ng aming puso't-damdamin.

Okay ako na ang inlove!

Pagsapit ng tanghalian, masaya kong tinahak ang daan tungong piitan upang dalhan ng pagkain ang aking pinakamamahal. OO na ako na ang corny!

Sobra-sobrang paghahanda ang aking ginawa bago humarap sa mga guardia na bantay sa labas ng piitan dahil baka gawin din nila sa akin ang nangyari noon sa Kalilaya na tinapatan pa talaga ako ng espada sa leeg ngunit ganun na lamang ang pagtataka sa aking mukha ng basta na lamang akong padaanin at papasukin ng mga guardiang bantay at talagang may isa pang nagmagandang loob at inihatid ako sa opisina ni Lucio.

Camino de Regreso (Way back 1896)Where stories live. Discover now