Kabanata 25

1.8K 106 114
                                    

Kaarawan

"Mukha naman wala kayong lagnat magkapatid ngunit bakit tilay namumutla kayong dalawa?" naguguluhang tanong ni Hector habang panay ang pagcheck ng temperature sa aming dalawa ni Tala.

Matapos kasi nang pagtakbo ko ay dito ako napadpad at para na rin hindi maghinala sa aking inasal si Nila kaya naman dito ko mas piniling magtungo.

Tapatan ang kamang pinaghihigaan namin ni Tala at pakiramdam ko iisa lamang din ang dahilan kung bakit kami parehas nandidito. Malakas ang kutob ko na bago pa ako ay nakita na niya sina Heneral Orlando, Donya Esperanza at Margarita.

"Hay naku ewan ko sayo Hector, bakit sila ang tinatanong mo gayong ikaw ang doktor!? Ikaw dapat ang makakapagsabi kung bakit sila nagkakaganyan" ani ni Amelia pagkay naupo sa may paanan ko.

"Irina baka naman napagod lamang kayo sa byahe o di kaya naman ay dahil sa tagal ng inyong bakasyon baka hindi kayo masyadong nasisinigan ng araw. Mahalaga pa naman ito sapagkat bitamina din ito sa ating katawan" bakas ang pag-aalala sa boses nito.

"Mabuti pa'y pagpahingahin na muna natin silang dalawa at mamaya na lamang ulit balikan" ani ni Hector bago sabay na silang lumabas ng pintuan.

"Ate nakita mo rin ba ang pamilya Villafuerte pati si Margarita?" tanong ni Tala.

"Oo Tala at maging akoy hindi alam ang gagawin" nagpa-panik na tugon ko.

Sa totoo lang walang tumatakbo sa isipan ko kundi mga katanungan. Silang magulang ni Lucio malamang nandito sila upang bisitahin siya ngunit paanong nangyari na kasama nila si Margarita gayong batid ko na hindi nila ito nakikilala noon sa Valencia?

Mas lalo akong kinabahan ng mapagtanto na marahil alam na ng mga ito ang nangyari sa pamilya namin dahil malaki ang posibilidad na naikwento na ito sa kanila ni Margarita.

Kung ganoo'y paano walang alam si Lucio at kinailangan ko pang ikwento sa kaniya ang lahat-lahat?

Di ko naiwasan hawiin palikod ang aking buhok. Aish mababaliw ata ako sa kakaisip!!

"Ano nang gagawin natin Ate. Haharap ba tayo sa kanila at makukunwari na lamang na walang nangyari?" bakas ang pag-aalala sa tono nito.

"Iyan din ang aking iniisip. Oras na makita tayo ni Margarita tiyak na kakalat sa buong Valencia ang balita tungkol sa atin at ang kinakatakot ko ay bumalik na naman yung mga nais magpapatay sa atin" diretsahang tugon ko na kinatakot niya.

"Natatakot ako Ate. Ayaw ko na mangyari pa iyong nangyari sa atin" naluluha ng tanong pa nito.

"Hindi ko na hahayaan pang mangyari ang bagay na iyan Tala" tanging saad ko pagkatapos ko siyang lapitan at yakapin.






"Maayos na ba ang iyong pakiramdam Irina?" bungad na tanong ni Nila pagkabukas ng pintuan.

"Oo Nila, pasensya ka na kung bigla na lamang akong nagtatakbo paalis kanina" nahihiyang tugon ko.

"Aking nauunawaan subalit ang aking ipinagtataka lamang ay kung bakit halos parehas kayo ng reaksyon kanina ni Estrella...parang nakakita ng multo? Ay ewan basta! Kalimutan mo na lamang. Marahil siguro nakakain lamang kayo ng pagkaing nakakasama sa inyong tiyan" halong pagtataka at pag-intinding tugon nito. Sumulyap pa ito sa kama ni Tala na kasalukuyan ng mahimbing natutulog.

"Ay oo nga pala nais kong ibahagi sa iyo ang nalaman kanina habang pinagsi-serbehan ang mga bisita ni Heneral Lucio!" excited na saad nito sabay ratig sa akin.

"Aking napag-alamanan na sila pala ay pamilya ng Heneral! Magulang niya yung Ginang at Heneral habang yung Binibini ay malapit daw na kaibigan nito"

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon