Kabanata 51

1.3K 76 26
                                    

[Paalala: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng ilang senaryo na may konsepto tulad ng dahas, labanan at patayan na kasama sa daloy ng istorya. Hindi layunin ng may akda na makaapekto sa mental at emosyonal na pag-iisip ng mambabasa. Patnubay at malawak na pang-unawa ang kailangan.]

***************

Pag-anib sa rebelde

Tulala lamang akong nagdidili-dili sa aking silid, wala na yatang saysay pa ang aking buhay. Naisin ko mang magtungo sa piitan upang kamustahan sana si Acong ngunit heto ako't walang magawa, ni makalakad ng husay ay hindi ko magawa.

Hirap na hirap ang aking kalooban sa mga sandaling ito, pakiramdam ko tinalikuran na ako ng lahat. Muli na naman akong napahikbi, inaalala ko si Acong na baka pinapahirapan na sa piitan lalot umalis dito si Tiyo Ferdinand.

Bumukas ang pintuan ng aking silid, sandali akong natigil sa pagluha upang punasan ang mga luha.

"Celestina bakit hindi ka pa natutulog?" nag-aalalang tanong ni Luis. "Madaling araw na kaya dapat natutulog ka na lalot bukas.." hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito nang tanungin ko.

"Anong mayroon bukas?"

Buntong-hininga na lamang nitong tinugon ang aking katanungan.

"Bukas ihaharap si Marco sa hukuman dahil sa isinampang kaso ni Gobernador Ferdinand"

Tanging impit na pag-iyak na lamang ang nagawa ko habang pilit pinapakalma ni Luis.

"Hindi ko rin alam kung paano sasabihin kay Raquelita ang tungkol dito" malungkot na aniya nito na mas lalong kinaiyak ko. Jusko may bata sa loob ng tiyan nito at hindi ko kakayanin na may mangyaring masama sa magiging Ama niya ng dahil sa akin! Hindi ko hahayaan na akuin ni Acong ang kasalanang hindi naman niya ginawa.

"Luis may pakiusap sana ako sa iyo"

"Ano iyon?" kinakabahang tanong nito.

"Mapagkakatiwalaan naman kita hindi ba?" tanong ko pa. Pakiramdam ko ikakabaliw ko na ang problemang ito.

"Oo naman Celestina. Lahat gagawin ko para sa iyo" diretsahang tugon nito. Muli akong nagpunas ng luha bago ikinwento sa kaniya ang nangyari at maging ang balak ko bukas.

"C-celestina" nag-aatubiling aniya nito.

"Luis inosente si Acong at ako ang may kasalanan kung kayat hindi dapat siya ang nakakulong at naghihirap doon ngayon"

"Ngunit wala ka ring kasalanan! Bukas na bukas kakausapin ko si Cypriano de Luna tungkol dito at batid ko na tutulungan ka niya"

Aaminin ko bigla akong nabuhayan pagkarinig sa ngalan ni Yano.

"Pakiusap Luis" nakikiusap na aniya ko. Tumango naman ito sa akin bago ako niyakap.

"Pangako Celestina tutulungan kita sa problemang ito"


Hindi ako nakatulog buong magdamag basta ang alam ko lamang pilit akong nag-iisip ng dapat gawin upang mailigtas si Acong.

Tatlong pagkatok mula sa aking pintuan ang aking narinig kasabay ng pagpasok ni Tala mula rito.

"Ate" agad itong lumapit sanakin at niyakap ako "Nabalitaan ko Ate si Kuya Acong.." lumuluhang aniya pa nito.

"Wag kang mag-alala Tala, lahat gagawin ko para kay Acong" pagtitiyak ko dito.

Wala si Tiyo Ferdinand pagkababa ko sa salas, nabalitaan ko na lamang na itoy nagbalik sa kanilang mansyon sa San Ildefonso at doon nakaburol si Tiya Flora.

Camino de Regreso (Way back 1896)Where stories live. Discover now