Kabanata 41

1.4K 72 10
                                    

Problema

Katulad nang napag-usapan maaga nga kaming nagtungo sa Hacienda Gonzales. Sa bukana pa lamang nang gate nakaabang na ang magkapatid sa amin at syempre sa pangunguna ng malakas na boses ni Raquelita.

"Waaahhh nandito na kayo! Masaya ako Celestinang makita kang muli" masayang wika pa nito habang di ko naiwasang mapataas kilay.

Masaya nga ba siya dahil sa akin o dahil nandito si Acong?

"Magandang umaga Celestina at Marco" masayang bati rin sa amin ni Luis.

"Ganun din naman sa inyo Luis at Raquelita" masayang tugon din namin.

Di nagtagal ay sinimulan na kaming ilibot ni Luis sa kanilang malawak na lupain. Grabe sagana sa aanihin ang kanilang mga taniman ng gulay.

"Tuwing anihan, dinediretso na kaagad namin itong ipagbenta. Kapag dito binili sa amin syempre mababa pa ang presyo pero minsan kapag mga taga pamilihan ang kumukuha sa amin ay hindi na kami makatanggi na sa kanila na lang ibenta habang ang matitira ay diretso sa kalakalang galyon" wika niya at talaga bawat sabihin or information na sabihin niya ay itinatatak ko sa aking isipan.

"Basta lagi ninyong tatandaan na dapat alam ninyo kung anong klase ng lupa meron sa inyo dahil minsan may binabagayan ding pananim para dito. Makakatulong iyon upang hindi masayang ang inyong oras at salapi sakaling hindi bagay ang pananim na inyong pipiliin"

Grabe sobrang daming alam ni Luis at halatang pinag-aralan niya nga talaga ang lahat ng ito, walang duda na mani-mani nalang sa kaniya ang pagpapalakad ng ganito kalaking negosyo. Ang bata pa niya pero entrepreneur na siya.

Madami pa siyang itinuro sa amin katulad ng pagpapalaki ng mga hayop tulad ng baboy, baka, kambing, kabayo at kung paano kumikita sa pag-aalaga ng mga ito.

"Mga isang araw maaari kayong sumama sa amin ni Ama, tutungo kaming sa  kalakalang galyon, doon makikita ninyo kung paano tumatakbo ang negosyo" aniya nito subalot ang mata ko ay nagniningning habang nakatanaw sa taniman ng bulaklak.

Ow shit memories!

Naglakad ako papalapit sa mga halaman at sa mismong eksaktong lugar kung saan kami unang nagkaaminan ni Lucio. Waaahhhh dito din yung first kiss naming dalawa!

"Uy Tinang nakikinig ka ba?" pinitik ni Acong ang aking noo at doon lamang ako nagpabalik sa ulirat. Tss panira!

"Ah ano nga ulit iyon?" nahihiyang tanong ko na kinasimangot nito habang natatawa namang inulit ni Luis ang sinasabi.

"Ang sabi ko sa isang araw kakaunin naming kayong magkapatid upang makasama sa kalakalang galleon"

Tumango na lamang ako at pagkay inaya nang umuwi si Acong.

Sa mga sumunod na araw, sobrang naging abala ako, salamat talaga kina Luis at Acong dahil tinutulungan nila ako. Katulad ngayon hindi ako magkamayaw sa pagpili sa mga magiging trabahador namin ulit sa Hacienda.

Balak ko sana ay ihire ulit iyong mga mangaggawa noon pa ni Ama ngunit aking napag-alaman na ang ilan sa mga ito ay kinuha na ng pamilya Izquedor habang ang iba ay nanirahan na sa kabilang bayan. Sa huli, si Acong ang pumili ng mga magsasaka at magiging taga-alaga ng mga hayop.

At sa hapong iyon naman, inasikaso namin ang pagbili ng nga pananim at lahat ng kakailanganing kagamitan upang simulan na ang pagtatanim ng mga gulay at palay.

Gabi na nung nakauwi ako ng bahay, at halos ibagsak ko ang aking katawan sa kama, kaso syempre kailangan ko munang maglinis ng katawan at magpalit ng damit na siyang ginawa ko bago natulog.

Camino de Regreso (Way back 1896)Where stories live. Discover now