Kabanata 2

2.1K 102 30
                                    

Kaibigan

"Oh Ija ayos ka lang ba?" bungad na tanong sa akin ni Manang Fe pagkababa ko ng hagdanan. Halata sa mata nito na parang gustong humingi ng pasensya sa asal ng dating alaga. Tumango na lamang ako dito at nagdiretso na sa banyo upang itapon ang tubig at labhan ang basahang ginamit ko panlampaso ng sahig ni Amelia.

Isang linggo na akong tumatagal dito at so far not so good. Hindi ko akalain ganito pala ang pakiramdam maging tagapagsilbi lalo na kung maarte at mataray ang iyong pinag-sisilbihan. I felt sorry for Tala before kasi natatarayan ko rin sila lalo na kapag ginigising nila ako sa umaga. And now Im paying for the things i've done.

Bumalik na ulit ako sa silid ni Amalia at baka may nais na naman siyang ipag-utos. Naabutan ko itong nagbabasa ng aklat. At base sa pamagat nito ay nababatid ko na agad na ang tema nito..asual pag-ibig. Duh.

Hinayaan ko na lamang siya at naghanap na lamang ng ibang gagawin tutal ayaw kong tumanga sa harapan niya. Sa huli nagligpit na lamang ako ng kaniyang mga librong nakakalat sa sahig. Habang iniipon ang mga iyon, isang libro ang nakaagaw ng aking atensyon 'Un amor helado' (An Ice Cold Love) ang pamagat na libro hango sa salitang kastila.

"Nakakaunawa ka ng Español" biglaang wika ni Amalia sa gitna ng pagbabasa nito. Di ko namalayan na napatitig na pala ako sa libro. Patay malisya ko na lamang itong inilagay sa lagayan niya ng libro at doon pinatas ang iba pa.

"Alam mo bang paborito ko ang librong iyon? Pinangarap ko ring makahanap ng kakaibang klaseng Ginoo. Tipong hindi puro mabubulaklak na salita ang paraan upang bumihag sa puso nating mga Binibini. Yung klase ng Ginoo na kahit malamig pa sa niyebe ang ugali, pero sa isang salita kayang-kayang tunawin sa kilig ang puso mo" saad pa nito na ngayon ay nakatingin na sa labas ng bintana na parang na-iimagine ang lalaking sinasabi. Nanatali akong tahimik hanggang sa lumingon ito sa akin. "Bakit mo ibinalik ang libro? Sige na basahin mo muna tutal wala pa naman akong ipagagawa sa iyo"

Bakas ang gulat sa aking mukha dahil sa sinabi niya. Balak ko pa sana itong tanungin ngunit nagbalik na ito sa pagbabasa. Kaya naman binalikan ko ang libro at sinimulan na itong basahin.

Subalit hindi ko pa man nababasa ang kalahatian nito ay agad ko na rin itong isinauli at nagpaalam na lamang na lalabas muna. Masyadong makatotohanan ang storya!

Sumapit ang araw ng Sabado, kasalukuyang wala kaming pasok ni Tala hanggang bukas kaya naman balak muna naming umuwi sa kubo. Kawawa naman si Acong dahil mag-isa lamang siya dun natutulog tuwing may pasok kami. Subalit pagkarating namin sa bahay, wala naman siya dito. Siguro may trabaho pa rin yun sa koprahan kahit Sabado.

"Sige na Ate pumayag ka na. Gustong-gusto ko talagang makita ang pyesta sa kabilang bayan" pangungulit ni Tala ngunit nagbingi-bingihan lamang ako. Tss fiesta.

"Aking natitiyak na madaming ganap dun lalo pa't ang bayan na iyon ang kabisera ng lalawigang ito" dagdag pa nito hanggang sa lumapit na sa akin at humahawak pa sa aking braso.

"Ate sige na. Noong nakaraang buwan hindi tayo nakadalo sa pyesta ng bayang ito kaya sana kahit sa kabilang bayan na lang ang ating makita" balak ko sanang sabihin na 'Ayaw ko talaga at tinatamad ako' pero nang sandaling makita ko ang lungkot at pangungulila sa kanyang mga mata. Tilay may kung anong nagpalambot sa aking puso.

"Magbihis ka na" simpleng saad ko bago naghanap na ng maayos-ayos na damit na maaari kong suotin.

Malayo palang ay natatanaw na namin ang kumpulan ng tao kaya naman hindi na ako naka-alma pa nang hatakin ako ni Tala papalapit sa mga iyon. Pilit pa kaming nakipagsiksikan upang makita kung ano ang kanilang pinagkakaguluhan.

Camino de Regreso (Way back 1896)Where stories live. Discover now