Kabanata 15

1.6K 96 22
                                    

Pagkaudlot

Pagkauwi ko sa bahay, kakaibang sigla at kilig ang aking nadarama. Totoo nga talaga yung kasabihang 'Love is sweeter the second time around'. Kyaaaaahhh!

'Ok Celestina maging huwarang dalagang Pilipina at wag maging maharot!'

Paulit-ulit kong pinapaalala sa aking sarili ngunit hindi ko talaga mapigilan ang bugso ng aking damdamin!

Kyaaaaahhhhhh!!

Sa ngayon katulad ng sinabi Lucio, wala naman sigurong masama kung isipin ko muna ang para sa aming dalawa.

Pero alam kong nararapat ko ring ikwento sa kaniya ang lahat-lahat ng nangyari sa akin, sa aming pamilya. At iyon ang pinagpla-planuhan ko. Gusto ko handa na ako sa lahat oras na ikwento ko sa kaniya ang nangyari, walang labis o kulang. Ayaw ko ring kaawaan niya ako o ano kung kaya dapat paghandaan ko ito upang may lakas ng loob na humarap at patunayan na talagang kaya ko na.

Subalit bago ang lahat na iyon kailangan ko munang kausapin si Acong. Kaya naman bigla akong nagseryoso at kinabahan sa pag-uusapan namin mamaya nito, tuloy nawaglit pansamantala ang kilig na aking nadarama kanina lamang. Habang hinihintay ko ito ay hindi ako mapakali. Pakiramdam ko si Ama ang darating! Putres!

Hindi nga nagtagal ay narinig ko na ang pagbukas ng pintuan kaya agad akong umayos ng pagkakaupo. Mula dito pumasok ang hindi maitsurahang si Acong habang masama ang tingin sa akin.

Hindi ko naiwasang mapalunok laway. Pinilit kong kalmahin ang sarili. Takte bakit ba ako kinakabahan dito kay Acong? Si Acong lang toh!

"Kailan mo pa nalaman na nandito si Lucio?" agad-agarang bungad na tanong nito.

"H-halos mag-iisang buwan na rin ang nakakaraan" tugon ko.

"At wala ka man lamang balak sabihin sa akin ang tungkol dito?"

Bahagya pa akong nabigla na halos pasigaw na ang tanong nito.

"H-hindi naman sa ganun Acong. Nagkatao..." naputol bigla ang sasabihin ko nang muli itong magsalita.

"Wala ka talagang balak sabihin sa akin dahil hanggang ngayon maaaring wala parin siyang alam tungkol sa nangyari sa pamilya natin. Tama ba?" diretsahang tanong nito.

Hindi ako makatingin kung kaya tumungo na lamang ako habang pinagkikiskis ang hinlalaking daliri. Bagamat hindi ako sumagot sa kaniyang katanungan ngunit sapat na iyon upang mabatid niya ang kasagutan dito.

"Kung gayoy hindi pa rin niya alam lahat-lahat ng iyong pinagdaanan" dagdag pa nito.

"Anong balak mo Tinang?"

"H-hindi ko alam Acong. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko" nanghihinang pag-amin ko dito.

Sa mga sandaling ito nais kong sabihin sa kaniya lahat ng aking nadarama.

"Acong pinilit ko namang layuan at iwasan siya e pero anong gagawin ko kung siya mismo ay patuloy paring kumakapit?" naluluhang tanong ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ba't ipinabatid ko sa iyo noon na hiniwalayan ko na ito sa pamamagitan ng sulat?" agad naman itong tumango.

"Ngayon pilit niyang sinasabi na hindi siya kailanman pumayag sa aking pakikipag-hiwalay kung kayat hanggang ngayon ay kami pa rin"

Hindi ito makapaniwalang tumingin sa akin. Nung nakitang seryoso ako at walang bahid ng pagbibiro ay isang buntong hininga ang pinakawalan nito. Parang mas stress pa siya sa akin!

"Matagal ko nang kaibigan si Lucio, simula elementarya ay magkasama na kami sa klase hanggang sa tumuntong ng kolehiyo at sabay ding nag-ensayo sa Cavite. Bagama't laging seryoso at hindi palaimik, iisipin mong wala itong pakielam sa mundo. Gayunpaman, oras na bigyan ka niya ng importansya, asahan mong kailanmay hinding-hindi ka na niya pakakawalan pa kahit anong mangyari" saad pa nito kung kaya nalilito ko itong tiningnan.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon