Kabanata 17

1.6K 90 40
                                    

Paninibugho


Umalis ako sa lugar na iyon nang sobrang bigat ang pakiramdam sa dibdib. Namalayan ko na lamang ang aking sarili na tinatahak ang daan tungong Hotel de Kalilaya ngunit sa likurang bahagi ako dumaan sapagkat ang nais kong puntahan ay ang abandonadong fishpond kung saan ako laging tumatambay kapag nais kong mapag-isa. 

Habang minamasdan ang maduming pond, muli na namang nagplay sa aking isipan ang eksena kanina sa parada. Ang mga ngitiin nina Amelia at Lucio, papuri sa kanila ng lahat at ang pagiging perpekto nila sa isa't-isa.. hayss.

Napaubob na lamang ako sa aking binti habang nakaupo. Ang sama sa pakiramdam, nakakababa ng self confidence. Noon sobrang confident kong tao at kahit na hindi kami mayaman nung nasa modern world ako ay hindi naman ako nakaramdam ng insecurities pero ngayon parang gusto kong ibalik yung dati..yung Celestina na may ipagmamalaki.

"Sabi ko na nga ba't dito lamang kita matatagpuan" anang ng isang boses na kahit hindi ko nakikita ay sapat ng makilala ng aking puso. 

Mabilis kong pinalis ang ilang luha sa aking mukha at bahagyang inayos ang sarili bago tumayo at nilingon siya.

At heto na naman ang panliliit na aking nadarama. Hindi ko maiwasang mahiya lalo pa't ngayon nasa harapan ko na siya suot ang kaniyang unipormeng pang-heneral, nagmu-mukha akong alalay niya. Unti-unti pa itong naglalakad palapit sa akin ngunit pilit din akong umaatras palayo sa kaniya.

Bakas sa mukha nitong kunot noo ang pagtataka habang nakatingin sa akin.

"Ako ba ay iyong iniiwasan Senyorita?" tanong nito sa tonong bakas ang pagkayamot.

Hindi ako umiimik at nagpatuloy na lamang sa pag-atras. Nung tumigil ito sa akmang paglapit sa akin ay saka lamang din ako tumigil. Bale 3 hakbang ang pagitan namin sa isa't-isa.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito. Dama ko ang frustration niya at sa paraan ng pagtingin nito sa akin para bang nasasaktan o nagtatampo.

"Alam mo ba na simula nung araw bago pa man ako umalis sa lugar na ito ikaw na ang nasa isip ko, habang nasa byahe tinatahak ang daan sa aking patutunguhan, ikaw parin ang laman nito. Sa aking misyon, ikaw ang inspirasyon ko upang matapos ito kaagad at nang masilayan kang muli tapos kanina hindi ko maiwasang makaramdam ng kagalakan sa aking puso sapagkat anumang oras makikita na kitang muli at ngayon nandito ka na sa aking harapan, hindi ko mapigilang masaktan sa paraan ng pakikitungo mo sa akin. Para bang balewala lang sa iyo ang aking pagkawala. Kahit pa maikling panahon iyon, ang segundo at minuto sa akin na hindi ka masilayan ni makita ay katumbas na ng taon!" puno ng hinanakit na saad nito.

Bigla akong naguilty ngunit mas lamang sa aking isipan ang alaala nila ni Amelia kanina.

"Paumanhin Ginoo masyado lamang akong.." napapikit ako ng mariin at halos murahin ko ang aking sarili. Damn hindi ko masabi sa kaniya.

"Masyadong ano?" naguguluhang tanong nito. 

"Wala. Kalimutan mo na Ginoo" napaiwas tinging tugon ko pero kahit ganun hindi nakaligtas sa aking mata ang pagtiim ng bagang nito.

Pagkuway umayos ako ng pagkakatayo at medyo ngumiti sa kaniya.

"Heneral ka na talaga" komento ko habang minamasdan ang kabuuan niya. Hindi ko naiwasang mamangha sa ilang medalyang nakakabit sa kaniya. .

Hindi ito sumagot kung kayat pinagpatuloy ko ang aking nais sabihin sa kaniya.

"Hindi magtatagal kikilalanin ka na ring bayani at mas magiging tanyag ang iyong pangalan hindi lang ngayon kundi pati narin sa kasaysayan" bahagya na naman akong naluluha. Damn! Para akong nanay niya na sobrang proud sa kaniyang achievements sa buhay!

Camino de Regreso (Way back 1896)Where stories live. Discover now