Kabanata 53

1.4K 82 31
                                    

Bagong kuta

"Tinang at Yano!" malayo pa lang ay agad na kaming sinalubong ng nag-aalalang si Acong. "Salamat naman at ligtas kayo" aniya pa nito sabay yakap ng mahigpit sa akin.

Ngunit ang aking isipan ay hindi parin nawawala sa nangyari kanina. Batid ko na nabigla din si Lucio nang magkatinginan ang aming mata at matapos nun hindi ko na alam kung paano kami basta na lang nakatakas ni Yano sa kanila nang walang tama ng bala na tinatamasa sa katawan.

"Simon!" malakas na sigaw ni Señor Rafael habang ang ilang mga kalalakihan ay tinulungan si Simon na punong-puno ng galos sa katawan at bahagya na rin itong makalakad. Mabuti na lamang at nakatakas rin ito gayong ang kaniyang mga kasama kaninang binatilyo ay mga wala ng buhay ngayon...dahil sa meztisong guardiang kasama kanina ni Lucio.

"Señor Rafael, wala na sina Omar at Onat" malungkot na pabatid nito na kinalungkot ng lahat. Kitang-kita ko  ang pag-iiba ng emosyon sa mata ni Señor Rafael.

"Yung iba nasaan na, yung mga Ginang?" tanong pa nito.

"Kinalulungkot ko ngunit hindi namin sila nailigtas at nauna silang masawi kina Omar at Onat."humahagulgol ng pahayag nito na kinaiyak na rin ng marami. May  ilan pang matatanda na nahimatay dahil sa pinabatid nito.

Maski ang puso ko ay nagdadalamhati sa masalimuot na nangyari sa mga  inosente naming kasamahan. Kung nagkataon lamang na hindi sila nabuhay sa kapanahunang ito, tiyak na hindi nila mararanasan ang ganitong kasawian.



Hindi na kami natuloy sa paglalakbay matapos nun, sa takot na baka bigla na namang umatake saamin ang hukbo ni Lucio. Kaya naman nandito kami ngayon sa pusod ng kagubatan nagtatago at tanging paggawa lamang ng bitag ang aming kasangga kung sakaling madatnan kami ng mga ito dito.

Ang mga kababaihan ay walang ginawa kundi magdasal para sa kaluluwa ng mga yumao naming kasama gayong batid namin na pinakuha na ang mga labi ng mga ito ng Heneral upang ipatapon sa Ilog ng mga patay o libingan ng mga taong itinuturing na nagkasala sa lipunan. Habang ang mga kalalakihan naman ang siyang nagsilbing security guard ng lahat sa pangunguna ni Señor Rafael.

Hindi ko alam kung hanggang kailan kami tatagal sa lugar na ito gayong wala kaming sapat na kagamitan upang tumuloy dito at isa pa paano kapag umulan, wala kaming masisilungan.

Kung iisipin naman baka tiyak na tatagal ng ilang araw ang paglalakbay namin at hindi imposibleng salakayin na naman kami nina Lucio gayong wala kaming ibang masasakyan upang makarating kaagad sa aming paroroonan, hindi gaya nila na may kalesa at sapat na bilang ng kabayo. Doon palang ay talo na kami idagdag pa na may ideya na sila na nandito kami at bago pa kami makalayo ay mahuhuli na talaga nila kami. Kung sanay may ilang bilang na kalesa lamang kami edi sana kahit papaano makakaraos kami sa problemang ito.

"Binibining Celestina" sandali akong tumayo mula sa pagkakaupo sa ilalim ng puno.

"Bakit po Señor Rafael?" tanong ko dito.

"Aking napagdesisyunan na mas makakabuti kung kayo muna nina Cypriano at Ginoong Marco ang maunang magtungo sa ating magiging bagong kampo" wika nito na kinakunot ng noo ko.

"Señor hindi naman po ata yun. Sabay-sabay tayong umalis kaya dapat sabay-sabay din tayong makakarating doon" aniya ko, ayoko lang maging unfair at isa pa hindi ko yata kakayanin na isipin ang mangyayari sa kanila gayong nasa ligtas kaming kalagayan.

"Wag kang mag-alala sapagkat ito ay napagdesisyunan na ng lahat. Bukod sa aming lahat, kayo lamang magkapatid ang hinahanap ng hukbo at nakikilalang kasapi. Kung sakaling mauuna kayong umalis, ay maaari kaming magpanggap na hindi rebelde gayong wala naman kaming pagkakakilanlan. Sa ngayon kayo ang pinakamahalaga kaya sanay wag na kayong mag-atubiling sundin ang aming napagpasyahan" dahilan pa nito na  nakapag-paisip sa akin.

Camino de Regreso (Way back 1896)Kde žijí příběhy. Začni objevovat