Kabanata 23

1.8K 142 130
                                    

Natameme

Kaagad akong sumunod sa kalesang lulan nina Amelia, sa tulong ni Mang Kadyo na siyang nagpapatakbo ng kalesang lulan ko ngayon. Batid kong dadalhin ito sa Kalilaya ngunit kung saan mang parte, iyon ang hindi ko alam. Balak ko sanang dumiretso muna sa Hotel upang ipaalam ang tungkol dito kay Nila.

Alam ko sa kabila ng paraan ng pagkakatitig  ni Lucio kay Amelia kanina ay hindi niya nais ang nangyayari ngunit bilang heneral ay kinakailangan niya itong gawin dahil ito ang kaniyang tungkulin. Nauunawaan ko siya ngunit di maiwasang makaramdam ako ng kaba para kay Amelia.

Nakahinga lamang ako ng maluwag ng sa hotel de Kalilaya ibinaba si Amelia. Agad din akong bumaba sa kalesa upang lapitan sana ito ngunit hinarangan ako ni Celso at umiling pa ito sa akin at pinag bawalan ako sa aking tangkang paglapit dito. Kaya sa huli nanatili na lamang akong hanggang tanaw kay Amelia na ngayon ay ipinapasok na sa loob ng hotel habang ako ay palihim na pumuslit pagkapasok nila.

Naagaw ng mga ito ang pansin ng mga kustomer at maging si Nila ay natatakot pakiharapan ang mga ito. Muli si Lucio ang humarap at nagsalita dito.

"Mawalang galang na Binibining Nila ngunit nais ka sana naming imbetahan sa isang imbestigasyong may kinalaman sa iyong Tiyo Rodolfo" pormal na saad nito.

Kung ganun pati pala si Nila ay kukunan nila ng pahayag.

"H-ha bakit?" nagtataka at natatakot na  tanong naman nito.

"Sumama ka na lamang sa amin sa mababang hukuman upang malaman mo ang lahat-lahat" ani ulit ni Lucio bago nauna na namang umalis ng hotel habang si Nila ay inakay ng dalawang sundalo. 

"Celia ikaw na muna ang bahala dito" pakiusap ni Nila kay Celia na ngayon ay pawang hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"O-opo Señora" tugon nito kahit na hindi pa rin alam ang gagawin. 

Tuluyan ng nakaalis ang mga ito ng hotel kung kayat muli sana akong susunod ngunit mula sa pintuan palang ay hinarangan na naman ako ni Celso! Takte!

"Pinapasabi ni Heneral na mas mainam kung dumito ka na muna" bulong nito sa akin.

"Ngunit nais kong makasiguro na ligtas ang aking mga kaibigan" pagmamaktol ko dito.

"Sinabi niya na siya na ang bahala at wag kang mag-alala hindi niya pababayaan ang mga taong mahalaga sa iyo" tugon pa nito.

"P-pero.." pinutol nito ang sasabihin ko.

"Wala nang pero pero Binibini. Pinaiwan ako dito ni Heneral upang bantayan ka" seryosong saad nito at hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi.

Srly Lucio? Ugh!!

Nanlulumo na lamang akong tinanaw ang papalayong kalesang lulan nila kasama ang dalawa kong kaibigan.


"Binibini maaari bang huminahon ka muna sa isang tabi sapagkat kanina ka pang paikot-ikot at di mapakali, ako ang naliliyo sa iyo" reklamo ni Celso. Sandali naman akong tumigil ngunit sa huli hindi ko naiwasan at muli na namang naglakad pabalik-balik.

Nanatili kaming nandito sa harapan ng Hotel de Kalilaya at simula pa kanina ay hindi man lamang ako umalis dito at balak kong hindi muna papasok sa loob ng hotel hanggat hindi dumarating sina Nila at Amelia sapagkat nag-aalala talaga ako.

Waaahhh! I hate this feeling! Pakiramdam ko sa tuwing may mga taong malapit sa akin ang napapadpad sa mababang hukuman ay laging mayroon hindi magandang mangyayari sa mga ito. Marahil based on my own experiences na rin pero hindi talaga ako mapakali at nate-tense ako.

"Binibini magtiwala ka sa Heneral hindi niya pababayaan ang mga kaibigan mo" patuloy pang saad nito.

"Sabihin mo nga sakin Ginoo paano ako hihinahon kung wala ako sa tabi nila sa mga sandaling ito?" tanong ko pabalik dito.

Camino de Regreso (Way back 1896)Onde histórias criam vida. Descubra agora