Kabanata 9

1.7K 99 87
                                    

Unang pag-ibig

Ilang minuto na rin ang nakakalipas nung umalis si Amelia. Sobrang tahimik ng paligid at walang nagtatangkang magsalita ni isa man sa amin ni Lucio. 

Hindi ko alam kung ilang beses na ako nagpipigil ng pagbuntong hininga. Damn why is it so awkward? Sana lang hindi na siya magsalita pa.

Mas lalo lamang naging awkward ang atmosphere ng maramdaman kong lumapit ito sa aking pwesto at umupo isang metro lamang ang layo sa akin. Agad naman akong umisod at sa kasamaang palad hindi na ako maaring lumayo pa dahil anytime kapag nawalan ako ng balance baka dire-diretso akong malaglag sa Lawa. Damn!

"Ayos ka lamang ba Binibini? Mukhang hindi ka komportable?" ani nito kaya naman mabilis akong umayos ng pagkakaupo.

Damn Estiel, napag-isipan mo na ang dapat mong gawin! Act as Irina!

Nag-ipon muna ako ng lakas bago tumikhim. "Ayos lang naman po Heneral"

Muling katahimikan ang namayani pawang nagta-tantiyahan ng sasabihin sa isa't-isa. Pero kahit awkward mas nanaisin ko na yung ganito kesa magtanong siya ng kung anu-ano na hindi ko rin naman magagawang sagutin ng husay. 

Bahagya pa akong natawa sapagkat muli kong naalala, ganitong-ganito din ang sitwasyon namin nung unang beses kaming nagkasama sa burol, nung araw na unang beses akong napahiya sa harapan niya. 

"Posible ba na may dalawang taong magkamukhang-magkamukha na nabuhay sa magka-parehong panahon kahit hindi naman sila magkaanu-ano?" putol nito sa katahimikan. Napatingin ako sa gawi niya kung kaya nasalubong ko ang mga mata niya na pawang nag-aantay na sa aking kasagutan. Sa sobrang pagka-tense ko ay napasagot ako ng hindi nag-iisip.

"Syempre imposible yun. Pano sila magiging magkamukha kung hindi naman magkambal? Posible pa kung magkahawig lamang pero yung magkamukhang-magkamukha? Malabo" 

Naalala ko rin bigla nung napagkamalan ko siyang si Theron na nasa modern world tapos nalaman ko na hindi pala talaga sila iisang tao! Napahiya ako nun kung kaya kahit paaano proud ako sa sagot ko.

"Eksaktong iyan din ang aking iniisip" tugon nito sa baritonong boses. Agad akong kinilabutan lalo na nung mapagtanto ko ang kakaibang tingin na pinukol nito sa akin. 

And thats when realization just hit me! Sheda! Is he referring to me?? Takte! Nilaglalag ko ba ang aking sarili??

Isang ngisi mula sa kaniya ang sumagot sa aking katanungan. Bullsh*t! Kakasabi ko lang sa aking sarili na aasta ako bilang Irina ngunit ngayon aking nababatid na hinuli lamang ako nito sa sarili kong salita! Malamang alam na niya at hindi na ako makakapag-sinungaling pa tungkol sa aking katauhan!! 

Hindi ko na alam kung paano magre-react, basta alam ko lamang ay hinihiling ko na sana'y dumating na si Amelia!

"May dahilan ang lahat ng bagay..." Ani pa nito at mabilis akong nag-iwas ng tingin. Can't he just stop?

Nangangatal ang aking mga kamay at dama ko na madami siyang nais sabihin sa akin. Natatakot ako na baka sa isang iglap mabuwal lahat ng pader na inilatag ko sa pagitan naming dalawa.

"Hanggang kailan ko tatanggapin ang mga katagang iyan?" pagpapatuloy pa nito at kahit na hindi ako nakatingin sa kaniya, ramdam ko sa kaniyang boses ang lungkot, sakit at pighati na nararamdaman.

Halos magdugo na ang aking labi sa sobrang pagpipigil ko ng iyak. Kasalanan ko naman ang lahat di ba? Ako ang nakipaghiwalay sa pamamagitan lamang ng isang sulat at bukod pa doon, hindi ko siya sinipot nung hilingin niya na muli kaming magkita sa huling pagkakataon. Kung pwede ko lang akuin lahat ng sakit mula sa kaniya ay malugod kong tatanggapin.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon