Kabanata 33

1.6K 74 52
                                    

Kalupitan

"Ano Lucio wala ka man lamang bang sasabihin sa ipinapakiusap sa iyo ng iyong Kapitan-Heneral?" tanong pa ni Heneral Orlando.

Sandali kaming nagkatinginan ni Lucio at batid kong madami din itong katanungan sa isip. Mula sa ilalim ng lamesa ay hinawakan ko ang kamay nito at sa pamamagitan ng aking mata ay nakikiusap ako na wag pumayag sa ninanais ng mga ito.

Bumuntong hininga muna ito bago seryosong sumagot sa mga ito.

"Kung iyan ang inyong ninanais ay malugod kong susundin sa lalong madaling panahon"

Dahan-dahan kong lumuwag ang mahigpit kong kapit sa kaniyang mga kamay hanggang sa tuluyan na akong bumitaw sa kaniya. Halos hindi ako makapaniwalang tumingin pa dito ngunit nagpatuloy na lamang ito sa pagkain gayong batid kong nararamdaman niya ang paninitig ko sa kaniya.

Anong nangyari sa iyong prinsipyo Lucio?

Halos hindi ko na maubos ang pagkain sa aking harapan at tanging ninanais ko na lamang ay makauwi na kaagad.

Imbes na maanunsyo ang petsa sana ng kasal namin, etong masamang balita ang bumungad sa amin.

Pagkalabas na pagkalabas ng mansyon, nauna na akong maglakad kay Lucio. Pinilit kong bilisan upang hindi siya makasabay.

"Senyorita" tawag nito pero mas binilisan ko ang aking lakad.

"Senyorita"

"Celestina" naaasar na tawag pa nito sabay hawak sa aking braso,  dahil nga sa mas mahaba ang kaniyang biyas kung kayat naabutan din niya ako kaagad.

"Bitawan mo ako Lucio" asar na tugon ko at pilit siyang pinabibitaw sa akin.

"Hindi! Mag-uusap tayo" pinal na saad nito bago hinigit ako papunta sa isang tagong lugar. Tipong magsigawan man kami ay walang makakarinig.

"Ngayon magsalita ka Senyorita kung ano ang iyong nais itanong at kung ano ang iyong ikinagagalit" aniya pa nito.

Pinilit ko munang pakalmahin ang aking sarili dahil ayokong makapag bitaw ng masasakit na salita.

"Bakit basta ka nalang pumayag sa ninanais ng iyong Ama at ni Heneral Ferdinand? Hindi bat ikaw pa nga ang nagsabi sa akin noon na mas pabor ka sa naging hatol noon kay Don Rodolfo ngunit ngayon, paano ka nalang basta pumayag na ipabitay ito?" naluluhang aniya ko.

"Batid ko naman na nagkasala si Don Rodolfo at nararapat lamang sa kaniya ang maparusahan ngunit isipin mo ang mararamdaman ni Amelia" dagdag ko pa. Hindi ito nakapagsalita.

"Lucio hindi ko hinihiling na palayain mo si Don Rodolfo ngunit hindi ba't masyado naman atang kalupitan kung matapos na niyang mahatulan ng panghabambuhay na pagkakabilanggo, sa isang iglap ipapabitay naman siya" huling saad ko bago walang sabi-sabi ko siyang inawan.

Bibigyan ko muna siya ng oras para makapag-isip at baka sakaling mahimasmasan siya sa kaniyang naging desisyon.

Buong maghapon wala akong gana at halos hindi ko rin alam kung paano haharapin si Nila lalong lalo na si Amelia. Mas nanaisin ko pang harapin ang problema sa hotel kesa ganitong buhay ng mga mahal sa buhay ng aking mga kaibigan ang usapan.

Ayokong maipit sa sitwasyon na kailangan kong mamili between kaibigan at nobyo.

Para akong mababaliw habang tulala lamang dito sa aking silid. Wala akong maisip kung ano ang dapat gawin.

Tatlong pagkatok mula sa labas ng pintuan ang pumukaw ng aking atensyon. Dahan-dahan akong naglakad upang pagbuksan sino mang kumakatok.

"Irina" si Amelia. Lumuluha itong yumakap sa akin.

Camino de Regreso (Way back 1896)Onde histórias criam vida. Descubra agora