Kabanata 48

1.5K 100 77
                                    

Pagsagip ni Acong

"Tinang san ka pupunta?" malakas na tanong ni Acong nang bigla akong tumakbo palabas ng hukuman. Hindi na ako nagawa pa nitong sundan nang sumakay na ako sa aking dalang kabayo at mabilis itong pinatakbo paalis sa lugar na iyon. Kaya pala hindi ko feel na makisakay sa kanilang kalesa kanina ay upang may masakyan ako kung sakaling naisin kong mapag-isa.

Kung saan-saan ako napadaan tapos sa huli, sa Ilog Misteryo lang din naman pala ang bagsak ko. Nanlulumo akong bumaba sa kabayo at naupo sa may tabi ng ilog.

Matapos ang lahat ng nalaman para gusto ko na lamang mamuhay sa nakaraan kung saan maayos pa ang lahat. Ang sakit-sakit at gustong-gusto kong maghiganti sa paraang ginawa nila sa mahahalagang tao sa aking buhay. Pero ang mas masakit heto akot wala magawa kundi hayaan na lamang ang batas at ipagpa sa Diyos na lamang ang lahat.

Nakakatanga at pakiramdam ko hindi sapat ang buhay nila para mapagbayaran lahat ng inosenteng buhay na dinamay nila sa kanilang kahayupan. Lalo na ang ginawa nila kay Ina..

Hindi ko na napigilang ang mapasigaw sa sobrang frustration! Tangina talaga! Akala ko kung sakaling makamtan na namin ang hustisya at malaman ang katotohanan at masino ang may kinalaman sa lahat ay magiging sapat na upang kahit papaano ay gumaan ang aking dibdib ngunit hindi! Mas lalo lamang umapoy ang galit sa aking dibdib. Nang dahil sa kanilang kasakiman, nasira ang lahat! Kapag naaalala ko kung ilang inosenteng tao ang nawalan ng buhay para lang sa kanilang masamang balak, hindi ko maiwasang kamuhian sila. Masahol pa sila sa demonyo!

Ilang oras muna ako nanatili sa Ilog Misteryo upang kahit papaano mapakalma ang galit sa aking dibdib. Paalis na sana ako nang mabatid ko na may papalapit na anino ng isang babae sa aking gawi.

"Binibining Celestina" malungkot na tawag nito sa akin. Hindi ko naiwasan ang mapangisi ng mapait.

"Anong ginagawa mo dito Margarita?" pormal na tanong ko. Hanggat maaari pinipigilan ko ang aking sarili na masaktan siya. Kahit pa isa siya sa tumestigo sa kasamaan nina Don Thomas at Donya Veronica hindi pa rin maaalis sa aking isipan ang pag-amin niya na nagsimula ang lahat nang ibunyag niya sa mga ito ang aking sikretong relasyon kay Ismael na nung mga oras na iyon ay tapos narin naman. Kung hindi dahil sa kaniya disin sanay buhay pa sina Ismael at Ate Lia, hindi malululong sa sugal si Ama at hindi masisiraan ng bait si Ina!

"N-naparito ako upang humingi sana ng tawad sa iyo. Batid ko na walang magagawa ang aking paghingi ng tawad ngunit sanay dumating ang araw na mapatawad mo rin ako" lumuluhang aniya nito. Sa kabila noon hindi man lamang ako nakaramdam ng awa sa kaniya. Hindi ako impokrita at kumpara sa mga luhang iyan, walang-wala kung gaano kadami ang luhang naibuhos ko simula nung masira ang aming pamilya.

"Sa tingin mo ganun kadali para sa akin na tanggapin iyang paghingi mo ng tawad? Alam mo ba kung gaano kahirap at kung paano ako naghinagpis matapos ang nangyari sa aking pamilya? Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko o ng pamilya namin sa inyo upang ganito ang kahantungan nang dahil sa inyo!" naghihinakit na wika ko habang bumubuhos ang luha sa aking mata. Sobrang bigat ng aking dibdib at hindi man lamang nabawasan ng paghingi niya ng tawad.

Hindi ito sumagot sa halip pilit hinahawakan ang aking kamay na siyang iniiwas ko sa kaniya.

"Naisip nyo man lamang ba ang mga buhay na nawala na kung hindi dahil sa inyo sanay buhay pa rin hanggang ngayon? Ilang taong inosenteng pinagkaitan ninyo na mabuhay pa nang matagal. At ang mas malala kung hindi pa nangyari ang lahat ng ito, hindi pa namin malalaman ang tungkol sa inyong mga ginawa at pinlano" dagdag ko habang dinuduro siya kapwa kaming lumuluhang dalawa.

"Hindi ko maintindihan Margarita kung bakit nagkaganito ka. Ano bang nangyayari sa iyo? Hindi ikaw toh e, hindi ganito ang Margarita na naging kaibigan ko noon. Anong nangyari at sa isang iglap nagbago ka? Ano ba naging kasalanan ko sa iyo at pakiramdam ko sobrang laki ng iyong galit sa akin?" naghihinakit na tanong ko pa.

Camino de Regreso (Way back 1896)Where stories live. Discover now