Kabanata 22

1.6K 108 42
                                    

Ilegal

Matapos ang ibinalita ni Celia, walang pagda-dalawang isip na nilisan naming dalawa ni Nila ang Hotel de Kalilaya. Napagdesisyunan namin na maghiwalay nang pupuntahan.

"Irina ikaw ang magtungo sa bahay-pagamutan upang kamustahin ang lagay ni Ginoong Hector habang ako naman ay susubukang kausapin si Tiyo sa Casa Villadiego" hindi na ako nag-atubiling pumayag sa sinabi nito. Tig-isa kami ng kalesang sinakyan hanggang sa nauna na kaming umalis kesa sa kanila.

Sa bahay pagamutan, pawang nagmistulang abandunadong gusali ito sa sobrang katahimikan di gaya noon na napupuno ito ng mga pasyente.

Walang alinlangang pinasok ko ang loob nito at sa bukana palang agad ko nang nakita si Hector kausap si Lucio. Pawang naagaw ko ang kanilang atensyon dahilan kung bakit natigilan sila sa pag-uusap.

"Senyorita" tawag ni Lucio sa akin. Agad akong lumapit sa kanila .

"N-nabalitaan ko ang nangyari Doktor Hector. Akoy naparito upang damayan ka kahit papaano" malungkot kong saad.

"Salamat Binibini. Hindi ko akalaing mag-aalala ka rin para sa akin, kayong dalawa pa naman ni Heneral Lucio ang huli sa mga taong naiisip ko na makakaramay sa ganitong sitwasyon" may halong pait na ngiti nitong tugon.

"Wag mo na munang isipin ang bagay na iyan, sa halip mag-isip tayo ng paraan upang masolusyunan ang problemang ito" sabi ko pa na napupuno ng pag-asa. Sa ganitong sitwasyon kailangan niya ay taong may positibong pananaw sa buhay.

"Paano Binibini kung.." natigilan ito at hindi natuloy ang sasabihin. Napahilamos pa ito sa kanyang mukha marahil dala ng frustration "kung may buhay na nawala dahil daw sa akin?" parang pipiyok na patuloy pa nito.

"DAW" natatawang saad ko. Napatingin silang dalawa sa aking remarks.

"Doktor ka at higit kang may mas nalalaman kesa sa kanilang nagpaparatang sayo. Bakit hindi mo muna tingnan at imbestigahan ang kanilang sinasabi imbes na maniwala ka kaagad at akuin ang isang kasalanang wala namang sapat na basehan?" nagagalit na tanong ko.

Sa totoo lang nais kong magalit ngunit hindi ko alam kung para kanino. Masakit isipin na nawala si Manang Fe gayong ginawa naman namin ang lahat para maisalba siya. Pero hindi rin nararapat na basta na lamang pagbintangan ang isang tao dahil lang sa siya ang doktor nito gayong matapos itong operahan ay bumuti naman ang kalagayan nito. Lubos na nakakapagtaka ang bagay na iyon at may pakiramdam ako na may iba pa sa kwento.

"Tama ang Binibini, Doktor Hector. Kung iyong mamarapatin, ngayon din ay sasamahan kitang makita ang b-bangkay ni Manang Fe upang ito'y iyong masuri" seryosong saad ni Lucio ngunit kababakasan din ng lungkot.

Nagda-dalawang isip man, sa huli ay pumayag na rin ito. Saglit pa itong nagpaalam at may kakausapin lang daw bago kami magtungo sa Casa Villadiego kung kayat inintay pa namin ito ni Lucio sa labasan ng pagamutan.

"Senyorita ayos ka lamang ba? Batid kong sa kabila ng pagiging positibo mo ay may dinadalang kalungkutan diyan sa iyong dibdib. Nais kong malaman mo na nandidito lamang ako palagi sa iyong tabi. Hindi man tayo laging magkasama ngunit asahan mong matatakbuhan mo ako sa oras ng pangangailangan"

"Maraming salamat Lucio" saad ko na pilit nilalabanan ang pagluha.

"Naisin ko mang yakapin ka upang kahit papaano ay maibsan ang sakit na iyong nadarama ngunit natatakot naman ako na baka hindi ka maging komportable sa mga mata ng nasa paligid"

Hindi ko alam kung bakit kahit na seryoso ang kaniyang pagkakasabi ay bigla akong natawa. Bakas ang pagtataka nito sa mukha.

"Wag kang mag-alala Ginoo ang makita ka lamang ay sapat na sa akin upang kumalma ang aking sistema. Ayos lang na makaramdam ng sakit hanggat nasa tabi kita ay kakayanin ko" taos puso kong pag-amin na hindi niya siguro inaasahan kaya naman napakagat labi itong nag-iwas tingin habang hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pamumula ng pisngi nito .

Camino de Regreso (Way back 1896)Where stories live. Discover now