Chapter 16: Overnight

Start from the beginning
                                    

"Don't worry," sabad ni Prince. "I'm sure that it's not Sandy he winked at."

"Hoy! Ikaw na foreignoy ka!" tukoy ni Uriah kay Prince. "Pinopormahan mo ba si Sandy?!" Kanina pa kasi siya kating-kati na tanungin iyon dito. Kaso, ngayon lang siya nakakuha ng lakas ng loob. Siguro ay dahil sa epekto ng alak sa kaniya.

"So, what?!" mapang-uyam na tanong ni Prince sa kaniya.

"Pinapaalala ko lang sa 'yong bawal s'yang magkaro'n ng relasyon sa kahit na sinong lalake habang naninilbihan s'ya sa 'kin," paalala niya rito. "Baka nakakalimutan mo. Ikaw ang tumulong sa 'king gumawa ng kontratang pinapirmahan ko sa kan'ya!"

"You're so cruel, man!" kutya ni Prince sa kaniya. "Don't you realize how old is she after your contract ends? Seventeen years! I think it'll be hard for her to build her own family. Yeah! She'll get her house back from you. But, she'll be alone, then. While, you... you're enjoying a normal life! Stop being selfish, man!"

Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Prince sa kaniya. How could he call him selfish after all what he did for Sandy?! Susugurin na sana niya si Prince nang pigilan siya nina President Clyde at Izzy na nakaupo sa magkabilang gilid niya sa pamamagitan ng paghawak sa magakabilaang braso niya.

"Kanina pa 'ko nagtitimpi sa 'yo, foreignoy ka!" nanggagalaiting sigaw niya rito.

"I can see that, mate," kalmanteng wika ni Prince sa kaniya habang hawak ang bote ng beer nito at prenteng nakaupo sa ibabaw ng rattan chair. "By the way, I just want to ask why're you so angry at me whenever I go near Sandy? Are you jealous?"

Natigagal siya sa katanungan nito. Nagseselos nga ba siya? Napaupo siyang muli sa mahabang wooden bench at hindi na sumagot pa. Binigyan naman siya ni Prince ng isang nakakalokong ngiti.

"Tumigil na kayong dalawa, pwede ba?" saway sa kanilang dalawa ni President Clyde. "Nagpunta tayo rito para mag-enjoy. 'Di para magbugbugan, okay?"

"Ito kasing si Kuya Cyrus, eh! Kung sino-sinong kinikindatan!" paninisi ni Deejay kay Cyrus.

"Sinabing napuwing nga lang ako, eh!" pagdadahilan ni Cyrus.

"Sa tingin ko, lasing na tayong lahat," Izzy concluded. "Magpahinga na tayo." Pagkatapos ay nabitiwan nito ang hawak nitong bote ng beer na walang laman at dahan-dahang napahiga sa ibabaw ng mahabang bangko habang nakaunan sa hita niya.

"Pa'no 'ko magpapahinga e andito pa kayo?" sarkastikong tanong ni Uriah

"Pinapaalis mo na ba kami, Kuya Uriah?" parang batang-paslit na tanong ni Deejay sa kaniya. Well, lahat naman sila sa grupo ay kinu-"Kuya" nito. Sabagay, dahil ito na ang pinakabatang miyembro sa grupo nila ngayon at hindi na si Izzy.

"Sira! 'Di, 'no?! Kung gusto n'yo nga'y matulog na lang kayo rito," alok niya sa mga ito. "Kaso, magsisiksikan tayong lahat sa kwarto ko dahil 'di pa naaayos 'yong ibang mga kuwarto rito. Sa tingin ko'y pwede namang matulog si Naomi do'n sa kwarto ni Sandy. Oh, ano?"

"Sige na, President," pagmamakaawa ni Cyrus. "Si Naomi lang ang 'di nakainom sa 'tin. Kawawa naman s'ya kung pagda-drive-in pa natin lalo na't gabing-gabi na."

"Oo nga naman, President," gatong ni Deejay.

"I second the motion," segunda naman ni Prince.

Si Izzy naman ay humihilik na. Mukhang nakatulog na yata

"Sige," pagpayag ni President Clyde. "Pero, magpapaalam muna 'ko kay Kendra. Baka mag-alala kasi sa 'kin 'yon. Saka, dapat ay umuwi na tayo bukas nang maaga kasi may meeting pa 'ko bukas nang tanghali. Okay?"

Nag-thumbs up naman silang lahat. Pagkatapos niyon ay nagpalakpakan, naghiyawan at nagtatalon sila sa sobrang saya.

🏠🏠🏠

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Where stories live. Discover now