Kabanata 13: 3 days

4.5K 92 0
                                    

"I believe that your father is capable of killing. Tingin pa lang niya sa akin noong una sa parking lot. Pero ang patayin ang babae mahal mo? He must have gone crazy!" Hindi makapaniwala niyang sabi kay Van pagkatapos malaman ang iilang detalye sa pagkatao nito. Nasa labas na sila ngayon ng bahay at ipinagpatuloy ang usapan.

"The fact that he also killed my mother made me like this. I became a killer because of my father." Umigting ang panga nito na parang may naalala bigla. Lalo namang nanlaki ang mga mata niya sa idinugtong ng binata. Natigagal naman siya bigla. How can his father be so evil?

"How can you handle things like this? You must've been really strong." Namamangha niyang sabi habang nakatitig sa binatang nakatingin sa dagat. Nilaro laro naman nito ang buhangin at itinapon sa kung saan bago muling tumingin sa dagat, di kalayuan sa kanila.

"I ain't strong. I got used to it. Until I got numbed. I am heartless Bella." Sulyap nito saglit bago muling ituon ang paningin sa dagat.

"Hindi. Because if you really are, wala sana tayo dito. You somehow care. I know. I can feel it." Wala sa sarili niyang sabi. Kunot noo namang tumingin sa kanya si Van bago ito tumawa. Siya naman ang napakunot noo.

"I don't Bella." Sagot nito pero agad na nag iwas ng tingin sa kanya. He's lying. Napataad naman siya ng kilay at piniling tumahimik na lang. "You wanna swim?" Bigla ay tanong nito sa kanya. Natuwa naman siyang tumango tango. "Can't. You don't have clothes baby." Pang asar nito. Kinindatan pa siya bago tumayo at naghubad ng sando sa harapan niya. Pinagdikit naman niya ang mga kilay at tumingin sa malayo. "Kidding. Lika na. Use this." Tatawa tawang bawi nito sabay bigay sa kanya ng black na two piece galing sa may bulsa nito.

"Where did you get this?" Takang tanong niya. Nginisihan naman siya nito pero di na siya sinagot. Tumalikod ito at tumakbo papuntang dagat. Napabusangot na lamang siya at nagpunta sa restroom para magpalit.

"Hot." Puri sa kanya ni Van ng makita siya palapit dito. Inirapan na lamang niya at lumangoy palapit sa binata. Humalakhak naman ito dahil sa ginawa niyang pag irap. "Hindi ka man lang ba magpapasalamat dahil pinuri kita?" Nakangising pambungad nito sa kanya. Nagtaas naman siya ng kilay at sinabuyan ng tubig dagat ang binata.

"Why should I? Matagal ko ng alam yun. And I'm no ordinary girl na magblablush dahil lang sa pinuri ako ng isang lalake. Got it?" Mataray niyang sabi. Ngumiti naman si Van bago inilapit ang mukha nito at hinalikan siya bigla. Awtomatiko namang napapikit at tinugon niya ang halik nito.

"I know." He said in between kisses. "I want to touch every part of you. But I can't." Dugtong nito dahilan para mapamulat siya ng mata. Nakatingin na ang binata sa kanya habang nakadikit ang mga noo nila. "I don't know. But I want you to feel whole again. Your past do not define who you want to become Katherine. It's your choice." He said as if he cares for her. Napalayo naman siya sa binata at napaawang ang bibig.

"Oh no,no. You're not saying these to me now. I don't care about my life anymore Van. That's the truth." Papiyok niyang sagot dahilan para lumapit ulit ang binata sa kanya. Hinawi nito ang takas niyang buhok at hinawakan siya sa pisngi.

"That's the biggest lie I've ever heard. Because truth is, you still hope that someday, your life will change. And I want to give it to you.  A life you really deserve." Bulong nito sa kanya bago siya hinalikan sa noo. "I don't know you so damn much. But my investigations are too enough to help you." Dugtong pa nito.

"You can see through me." Nagtataka niyang tanong. Pakiramdam niya ay nakahanap siya ng taong kakapitan. Ng taong pagkakatiwalaan. Kaya naman bigla niya na lamang itong niyakap ng mahigpit. Niyakap naman siya nito pabalik. "Just for a month. I'll let myself be happy. Just for 1 month. I'll go back to being an innocent girl. Thank you." Nakapikit niyang sabi habang yakap pa rin ang binata. Hinalikan naman siya sa may gilid ng ulo niya.

****

"How can you go outside without being threaten? Wala ka man lang bang bodyguards?" Natanong niya kay Van kinaumagahan habang kumakain silang dalawa ng pang umagahan. Natigil naman ito sa paghahati ng hotdog at napaangat ng tingin sa kanya.

"I have bodyguards Bella. They're just around the corner, looking my every fuckin' move. Nakapalibot lang sila without you noticing them." Sagot naman nito at uminom ng tubig na nasa lamesa.

"So you mean, andito lang sila around the island?" Nanlaki ang kanyang mga mata ng malaman iyon.

"Silly. Nope. Wala sila dito ngayon. This place is safe. Walang pwedeng kalaban na nakakapasok dito dahil sa labas pa lang, patay na sila." Tila balewalang sabi pa nito bago ipinagpatuloy ng paghiwa sa hotdog sa plato. Napanganga na lamang siya bago ininom ang tubig niya. Natawa naman sa kanya si Van pero hindi na muling umimik pa. Tinigtignan naman niya ang binata habang umiinom ng tubig. "I can see you. Spill it out. What?" Sabi nito bigla at nagpunas ng labi gamit ang table napkin. Muntikan na siyang mabilaukan dahil sa narinig. Ibinaba niya ang baso at ngumuso bago nagsalita.







"We've been staying here for 3 days. And, I'm getting a little bit, uh, bored." Paiwas tingin niyang pag amin. Pinantaasan naman siya ng tingin ni Van. "Come on. I want to at least see the outside." Patuloy niya. "Van. Let's go see the outside of this island." Paawang boses pa niyang sabi. Umarko naman ang sulok ng labi ng binata habang tinititigan siya.





At dahil malakas siya sa binata, napapayag niya ito.



"Kayo na po muna ang bahala dito manang. We'll just go somewhere." Kausap ni Van ang matanda. Inayos naman niya ang maluwag na t-shirt na suot. "Let's go?" Di niya namalayang nakalapit na pala ito dahil sa pag aayos niya. Napatingin naman siya sa binata na nakatingin na sa inayos niyang damit. "I think, we need to go shopping. You've been using my shirts for days. And you haven't change your underware and bra for 3 days." Natawa nitong sabi. Nasapak naman niya sa braso ang tumatawang binata. Namula siya sa hiya dahil nasulyapan niya si manang na ngingiti ngiti sa kanila.





"May dryer naman. Bwisit ka kasi! Dinala dala mo ako dito ng wala man lang dalang gamit! And yes! Dapat lang na mag shopping tayo!" Pagmamaktol niyang sabi. She even stomped her foot to show her irritation.






"You also need to buy feminine wash. Nang di," Natigil ito sa pagsasalita at tinignan ang direksyon ng matanda bago tumingin ulit sa kanya at may binulong. "Amoy daing!Hahahahaha!" Halos mangamatis na ang mukha niya at hindi niya alam kung dahil sa hiya o galit sa binata.





"Langya ka! Bakit naamoy mo ba?" Panggigigil niyang tanong dahilan para lalong matawa ito. Hinila na niya ang tatawa tawang binata papunta sa labas at baka marinig pa ng matandang nasa loob ang kalokohan ni Van.






"I didn't touch you since we came here. But I know." Tatawa tawang sagot nitong patuloy sa usapan. Sinapak na niya ng huminto siya. Pero lalo lamang lumakas ang tawa nito hanggang sumakay sila ng yate.
































Love me Mr. Assassin (Completed)Where stories live. Discover now