Kabanata 34: Bonding and Revelation

3.5K 75 1
                                    

"How do you feel?" Tanong sa kanya ni Paul. Napatingin naman siya sa gilid ng kama. Napabangon siya at huminga ng malalim.


"Empty." Simpleng sagot lamang niya sa kapatid. It's been a month since Van left. Palagi siyang nakatingin sa camera hoping na nakikita nga siya ng binata. She's still holding on, hoping and believing that one day, Van will come back and get her.





"You'll be okay. We assure you of that." Sabi ni Paul.




"Get up. Will go shopping." Aya naman ng kapatid niyang babae. Napangiti naman siya at tumango. Lumabas naman ang dalawa kaya nagsimula na siyang umayos.




"Get back to your old self Bella. You don't deserve any of these pain. Van will come back, but don't lose yourself. Don't even try, enjoy your life." Sita niya sa sarili. Huminga naman siya ng malalim ulit at tinignan ang sarili sa malaking salamin ng silid. "Give your family a chance to know you better." Bulong niya sa sarili.







"Let's go?" Tawag na sa kanya ni Katnis pagkatapos ng ilang minuto. Sakto namang natapod na siyang mag ayos ng sarili. Lumabas sila at bumaba ng hagdan.







"Yes. Don't worry. I have everything in control. Huwag mo nga akong turuan!" Iyon ang bumungad sa kanila sa baba. Si Paul, may kausap sa kabilang linya at halatang iritado sa kausap. Nagkatinginan naman sila ni Katnis.







"Her girlfriend." Sagot ni Katnis sa katanungan sa isipan niya. Napataas naman ang kilay niya dahil nasagot siya ng kapatid na para bang nabasa nito ang isip niya. "Oh. Your face talks it all sis." Nakangising dugtong nito. Napangisi naman siya. She realized, Katnis and her are look alike in many things.









"It sounds like it's not a girl he's talking with." Hindi kumbinsido niyang saad. Nagkibit balikat naman si Katnis. Ni hindi na siya kinausap pagkatapos. Tinapos naman na ni Paul ang tawag ng marinig na silang dalawa.









"Let's go ladies." Seryosong tawag ni Paul sa kanila. Sinundan naman nila ang kapatid.








"Can you give me this car?" Masayang sabi niya kay Paul ng makita ang itim na audi na siyang sasakyan nila. Hindi naman nakapasok agad ng binata sa sasakyan ng marinig siyang magsalita. Isinandal nito ang braso sa pintuang nabuksan at tinitigan siya.








"I can surely give you any car you want, but definitely, not this one. Sorry." Masungit na sagot ng kapatid.




"Really? Then can you buy me a new audi?" Nagningning ang mata niya. Napaisip naman saglit ang kapatid.





"Okay. Let's go buy then." Parang wala lang dito ang halaga ng sasakyan kaya literal na nalaglag ang panga niya sa narinig.






"You'll get more of it ate, welcome to our world." Bulong sa kanya ni Katnis bago siya hinila papuntang sasakyan. Isang oras din ang byinahe nila bago sila nakarating sa rooftop ng sa tingin niya ay building ng kanilang kumpanya. May mga bumati sa kanila sa baba kanina. At may mga security guards naman dito sa taas. Nakita niya ang isang helicopter kaya napakunot ang noo niya.









"Where are you going?" Takang tanong niya.






"We're going to buy you a car in a real audi house." Simpleng sagot ni Paul.






Love me Mr. Assassin (Completed)Where stories live. Discover now