Kabanata 52: Fight for my son

4K 92 0
                                    

Nagising si Bella dahil sa hagulgol kaya naman nagmulat siya ng mga mata at doon ay nabungaran niya ang nakayukong binata. Mahigpit na hawak nito ang isang kamay niya na nasa kama. Naramdaman din niya ang paulit ulit na paghalik nito doon. Iginalaw niya iyon kaya natigil ito bigla sa paghalik at biglang nanigas sa pagkakayuko. Nag angat ito ng mukha at nakaawang ang labi.





"You saved me." Ani niya sa binata. Napapikit naman ito bago nagmulat muli.




"Yeah. I saw you on the road. Wala kang malay. What the hell happened to you?" Nag iwas ito ng tingin sa kanya pagkatapos sabihin iyon. Kumunot naman ang noo niya sa inakto nito.







"How'd you know where i was?" Takang tanong niya dito. Lumunok naman ang binata bago tumingin sa kanya.






"I.." He stopped then sighed. "It was not me who saved you, alright?" Lalo lamang siyang napakunot noo sinabi nito. Napalamukos ito sa mukha bago muling nagsalita. "Your man saved you from his father's men. He told me you almost got raped." Ani nito na ikinagulat niya. Bigla itong tumayo bago tumalikod sa kanya at nangapamewang. "I wanna ripped off his head for not protecting you when he was the only one you needed. Putang ina. Bakit ba kasi siya? Masyadong magulo ang buhay ninyong dalawa Bella. You're a threat in his life, can't you see that?" Humarap ito pagkatapos. Namumungay na ang mata nito at mapula na din ang ilong dahil sa matinding galit at prustrasyon na nararamdaman. Siya naman ngayon ang nag iwas dahil hindi nya matagalan ang titig nito sa kanya.







"I can't." Her voice broke. Pumikit siya at umiling iling. Namalayan na lang niyang umiiyak na pala siya at yakap na siya ni Elijah. "I love him. And I am willing to die for him. Kung tauhan man ng ama niya ang dahilan kung bakit ako muntikang mamatay, ay wala na akong pakialam. Tama ka, his all that I need. And I want to see him. I missed him so much Elijah." Humagulgol na siya. Sa ilang araw niyang hindi nakita si Van ay talagang sinubukan nyang magpakatatag at iniwasang umiyak, pero hindi na niya iyon kayang pigilan dahil kasama ng pangungulila niya ay ang kaalamang kahit kailan ay hinding hindi sila magiging malayang dalawa ni Van mula sa kani kanilang ama.







"Shhh. I'm here. You don't need that guy. He left you already." Bahagyang naitulak niya si Elijah dahil sa sinabi nito. Galit na galit niya itong tinitigan bago malamig na nagsalita.

Love me Mr. Assassin (Completed)Where stories live. Discover now