Kabanata 56: A future with you

4K 83 0
                                    

Nakapikit na kinakapa ni Bella ang kama, at nang wala siyang maramdamang katabi ay mabilis siyang nagmulat. Napabalikwas siya sa pagkakahiga at mabilis na ipinulupot ang kumot sa katawan niya. "Van.! Van.!" Natataranta niyang tawag habang naglalakad na palabas ng kwarto.











"Right at the kitchen!" Sigaw naman nito kaya kumalma siya kahit papaano. Nagtungo siya sa may kusina at agad namang nabungaran ang nakangising lalake sa kanya. Nakasandal ito sa may sink habang nakasuporta ang mga kamay doon. "Miss mo na ako agad?" Pang aasar nito bago umayos ng tayo at humalukipkip. Napanguso naman siya at nilapitan ito para lang yakapin. Humalakhak naman ang binata bago siya sinuklian ng yakap. Nanatili sila sa ganoong posisyon ng ilang minuto bago humiwalay ng yakap si Van sa kanya pero nakahawak naman ang mga kamay sa kanyang magkabilang braso at nakangiti sa kanya. "Are you hungry?" Nakangiting tumango naman siya bago napakagat labi. "Tss. Tease. Stop biting your lip. Let's eat first. Hindi ka pa kumakain simula  kagabi." Hinalikan siya sa noo bago tumalikod sa kanya para tignan ang niluuluto. Nilapitan naman niya ito at niyakap mula sa likod. 






"Don't you dare leave me again, or else.." Hindi na niya itinuloy ang sasabihin dahil bigla itong humarap sa kanya dahilan upang kumalas siya sa pagkakayakap niya kay Van. Kinabig siya nito at siniil ng mapagparusang halik bago humihingal na bumitiw sa labi niya.






"I promise. I won't leave you again. I promise, love." Nakangiti naman siyang tumango tango at niyakap ito ng buong puso. Sabay silang kumain pagkatapos maluto ang niluluto ni Van. Pagkatapos nilang kumain ay sabay silang naligo at binihisan ang isa't isa. Lalabas sila ngayong araw dahil may i mimeet daw si Van na mahalagang kliyente at isasama siya sa takot daw nitong baka may mangyari pa sa kanyang masama kung hindi sila magkasama. Sa ngayon ay masaya siya at hindi niya na din muna inaalala ang mga bagay na iniwan nilang dalawa ni Van sa Pilipinas. Ni hindi na nga siya nakapagpaalam man lang sa unibersidad kung saan siya nagtratrabaho. Mapait siyang napangiti habang tinitignan ang sariling repleksyon sa salamin. Mahal niya ang trabaho niya at aminado siyang malaki ang naitulong nito sa kanya noong mga panahong wala siyang makapitan.






"Are you ready?" Napatingin siya sa repleksyon ng lalake sa salamin at nagtama agad ang mga mata nila doon. Tipid siyang ngumiti at umoo bago napagpasyahang ilagay ang kwintas na napili niyang isuot ngayon. Lumapit naman si Van at kinuha mula sa kanya ang kwintas. "Let me." Inihawi nito ang buhok niya at ikinabit ang kwintas sa leeg niya. Pagkatapos ito ilagay ay hinawakan siya sa magkabilang balikat bago yumuko at halikan siya sa tuktok ng kanyang ulo. Tumayo na siya pagkatapos at ikinawit ang kamay niya sa leeg nito. Mabilis namang pumulupot ang kamay nito sa kanyang bewang. Napatingin sila sa labi ng isa't isa at maya't maya pa ay magkahugpo na ang mga labi nila. Bumaba ang isang kamay ni Van at pinisil ang pwetan niya bago siya biglang binuhat gamit na ang dalawang mga kamay. Isinandal siya nito sa may pader. Kinagat ni Van ang kanyang pang ibabang labi dahilan upang mapaungol na siya.





Love me Mr. Assassin (Completed)Where stories live. Discover now