Kabanata 28: I don't know much

3.7K 82 0
                                    

Bumaba na sila ng eroplano na walang imikan. Napahinto siya saglit sa hagdan ng makita sa baba ang babaeng kausap kanina ni Van. May kausap itong lalake at nakatalikod sa kanila. Naramdaman namam niya ang paghawak ni Van sa kamay niya kaya napatingin siya doon bago niya tinitigan sa mukha. Binawi niya ang kamay niya sa binata at muling ipinagpatuloy ang pagbaba. Mukhang naramdaman naman ng dalaga ang pagbaba nila kaya humarap ito sa kanila. Nagsukatan sila ng tingin hanggang sa makababa na sila sa eroplano.

"Ariella." Mariing sabi ni Van sa dalaga. Napatingin naman si Ariella kay Van at pinantaasan siya ng kilay bago tumingin muli sa kanya at inilahad ang kamay.


"Nice to meet you Bella. I'm Ariella. Kuya Van's cousin." Pormal na pakilala nito sa sarili. Napatingin naman siya sa kamay nito bago muling tinitigan ang dalaga. Tinanggap naman niya ang kamay nito.

"Hi." Simpleng sagot niya at nauna ng naglakad pagkatapos makipagkamayan.

"Bella wait." Habol sa kanya ni Van at iniharap siya. Hindi siya nag angat ng tingin. Nakatingin lamang siya sa dibdib nito pero iniangat ni Van ang mukha niya. Pilit niyang iwinawaksi iyon pero mapilit ang binata kaya tumingin na din siya. "I know you're mad. But please don't be like this." Pagmamakaawa nito sa kanya. Hindi niya na naramdamang may tumulo na palang luha sa mga mata niya.

"How can I not be mad? These whole truth were too much. Give me two days. At least two days to think and whatever my decisions will be. Just please respect that. I'm thankful to you for being here. But on the other hand, I feel sorry for being cold to you. I can't think straight right now. That's all I know. Please, let's go?" Pinunasan na niya ang sariling luha at nagpatuloy sa paglalakad pero napahinto sila ng magsalita si Ariella.


"You can't keep Bella kuya. She's a threat." Mariin na pahabol ni Ariella. Mariin din siyang napapikit bago nagpatuloy sa paglalakad.


"Shut up Ariella!" Galit na sigaw ni Van at sinundan na siya. Pinagbuksan pa siya niti ng pintuan ng sasakyan. Hinayaan naman niya iyon. Buong byahe silang walang imikan. Hindi niya ito kinausap at nirespeto naman siya. Marahil naiiintindihan nito ang pinagdadaanan niya. Ilang oras pa ang lumipas ng huminto na ang sasakyan. Napatingin siya sa labas at naintindihang nakarating na pala sila sa tirahan ng binata.

"We're here." Papansin ni Van sa kanya pero hindi niya pinansin ito. Lumabas na siya at nauna ng naglakad. Narating nila ang unit ni Van pagkatapos. Napatingin siya sa buong lugar bago tuluyang pumasok na at diretsong pumunta sa alam niya ay kwarto ni Van. Mabilis siyang naglakad papunta sa kama at inihiga ang sarili doon. Naramdaman niya na tinititigan siya ng binata pero hindi siya nagmulat hanggang sa maramdaman na lamang niya ang paghila sa kanya ng antok. "Sleep well baby." Narinig pa niyang bulong sa kanya ni Van. Hinalikan siya sa kanyang noo. At doon na siya tuluyang nakatulog.

Nagising siya ng may marinig na kumakanta at nag iistrum ng gitara. Tumayo siya at dahan dahang binuksan ang pintuan ng kwarto. Agad na nahagilap ng mata niya ang likuran ni Van. Nakaupo ang binata sa may couch at nag gigitara. The guy knows how to play guitar. She thought. Dahan dahan siyang lumapit doon para sana hindi siya marinig pero mukhang napalakas ang paghakbang niya kaya nahinto ito at lumingon sa kanya.

"I'm sorry. Did i wake you up?" Napakamot pa ng ulo ito at mukhang nag alalang nakatingin sa kanya. Tipid naman niya itong nginitian at tuluyan ng lumapit at umupo sa kabilang couch.

"Nope. Nagising lang ako dahil nagutom ako." Nahiya pa niyang sagot at nag iwas ng tingin. Narinig naman niya ang mahinang halakhak ng binata kaya napatingin siya doon. Inilapag na ni Van ang gitara sa tabi at tumayo. "Oh. Saan ka pupunta? Takang tanong niya. Gusto pa man niyang marinig itong kumakanta. Maganda pala ang boses nito.

Love me Mr. Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon