Kabanata 3: The party

7.3K 173 2
                                    

"Naku, ang gwapo mo namang bata ka." Masayang puri ni manang Meding sa kanya.

"Ngayon ninyo lang ba alam nay, o ngayon niyo lang narealize?" Pakikipaglokohan niya sa kasambahay. Nginitian naman siya at hinampas sa balikat. Masaya silang nag-uusap ng biglang nagsalita ang kanyang amang matagal na niyang kinamumuhian.

"It's time to go Van. Let's go." Malamig nitong sabi. Umigting naman bigla ang kanyang panga dahil sa pagpipigil sa sariling huwag masuntok ang ama. Nginitian na lamang niya si manang Meding at nagpaalam na. Sumunod siya sa ama na sumakay na sa sasakyan nila. Wala silang imikang dalawa hanggang sa makarating na sila sa Hotel kung saan gaganapin ang party. Mauuna na sana siyang bumaba ng muling magsalita ito para paalalahanin siya.

"Like always Van. Pretend to be good." Matigas nitong sabi sa kanya, Malalim naman ang buntunghininga niya at di na sinagot ang sabi ng kanyang ama. Tuluyan na siyang bumaba at agad na umarteng masaya. May iilang mga media na kumuha sa kanya ng litrato habang naglalakad sa may red carpet, may kumausap din sa kanyang iilang mga kilalang businessmen. Naramdaman niya naman ang kamay ng kanyang ama sa kanyang balikat. Napangisi siya dahil alam niyang nagsisimula na itong magpanggap na mabuting tao. Nagsimula na ang okasyon ng pumasok na sila ng hotel. May iilan siyang kakilala pero mas madami ang hindi.

"Hello there, handsome." Biglang may nagsalita sa likuran niya. Napangisi naman siyang hinarap si Brooke, hinapit niya ito sa baywang sabay binulungan na ikinahagikgik ng babae. Pinalo pa nito ang balikat niya. Nagkakatuwaan silang dalawa ng biglang ementrada ang galit na galit na kasintahan nito.Brooke had been a good friend to him since childhood. Mas nauna niyang naging kaibigan ito kaysa kina Troy, Blue at iba pa.

"Geez!You're really a pain in the ass Brooke. Dude, can I have my girlfriend? Oh, wait, why am I asking your opinion anyway? Come on woman. I'm not yet done with you." Inis na hinila ng binata si Brooke na nakangisi namang nagpatangay sa kasintahan. Napailing na lamang siya sa nasaksihang kalokohan ng dalaga. Alam na niya kasi agad na pinagseselos nito si Dylan Sandoval, isa sa mga dating kilalang car racer ng Pilipinas na ngayon ay nagmamay ari ng isang Car company sa bansa.

"I need to find someone who can make me me happy right now. Hmmmn." Saad niya sa sarili habang tumitingin sa paligid. Doon niya namataan ang isang baabeng tahimik na nakaupo sa may gilid. Tahimik na umiinom ito ng red wine at mukhang may balak magpakalasing. Nilapitan niya ito at walang pakundangang umupo sa harapan ng dalaga, sabay dekwatro. Mukhang nagulat naman ito pero agad ding napalitan ng ngisi ang kaninang galit na reaksyon nito. Hindi niya alam pero sa klase ng pagkakangisi ng dalaga, ay parang may hindi magandang maidudulot ito sa kanya. Pinantaasan niya ito ng kilay bago nagsalita. "I saw you alone, so I went here to accompany you, pretty lady. By the way, I'm Van Andreigh Flabella and you are?" Pagpapakilala niya sabay abot ng kanyang kamay sa dalaga. This time, ang babae naman ang nagtaas ng kilay at nag-angat ng labi, pero nakipagkilala parin sa huli sa kanya.

"Chantal Gomez." Pagpapakilala nito na ikinagulat niya dahil sa kapangalan nito ang dating kasintahan niyang namatay. "Hey, you okay?" Biglang iwinagayway pa ng dalaga ang dalawang kamay nito sa harapan niya dahilan para mabalik siya sa huwisyo.

"Yeah.Yeah, I'm fine. It's just that, I was surprise hearing your name." Biglang nalungkot niyang sabi.

"Oh. Okay?" Tipid lamang nitong sabi sa kanya.

"Let's just not talk about that." Agad niyang sabi. "So, what do you do for a living?" Pagbabago niya ng usapan.

"Oh. I'm actually here with my boyfriend. He's the one supporting me." Hagalpak nitong sabi. Nadismaya naman siya sa nalaman kaya agad na siyang tumayo para maghanap ng ibang lalandiin.

"Oh. Sorry for that, I thought you were single. I should go now." Paalam niya agad. Ngumiti naman ang dalaga sa kanya. Saktong paalis na siya ng makasalubong ang isang lalake. Kunot noo itong nakatingin sa kanya bago tumingin sa nakaupong dalaga.

"Van?" Sabi ng lalake sa kanya. Napangiti naman siya ng makilala agad si Wayne. Isa din sa mga kaibigan niya. "Dude! Kamusta na?" Masayang bati pa nito sa kanya. "Oh, by the way, I'd like you to meet my fiance, Chantal Gomez. Babe, si Van, kaibigan ko." Pagpapakilala nito sa kanya. Ngumisi naman siya at nagsalita.

"I just met her dude. Actually, laladiin ko sana siya kaso nalaman kong may syota na kaya, maghahanap na lamang ako ng iba." Pagbibiro pero totoong sabi niya. Mahina namang binugbog siya ni Wayne sa kanyang sikmura at tatawa tawang inakbayan siya sa balikat.

"Wala ka pa rin pinagbago Banban, same old Van that I know. Matinik pero choosy." Hagalpak nitong sabi sa kanya. Napapangiti naman niyang inalis ang kamay ni Wayne na nasa balikat niya at nagpaalam na sa dalawa.

****

"This party is boring." Nababagot niyang sabi at bumuga ng hangin. Nilaro laro pa niya ang alak na nasa basong hawak niya at walang ganang nakinig sa taong nagsasalita sa stage. "Same pretentious people. Same evil, same corrupts, just....THE SAME.I'm getting sick in here." Napangalumbaba niyang sabi habang patuloy paring pinaglalaruan ang basong may laman ng alak.

"Van, sit straight. You act so unprofessional." Agad na sita ng ama niyang nakaharap sa kanya. Tamad naman niyang sinunod at inayos ang sarili. Hindi na sila ulit nagkausap ng ama dahil tinawag na siya sa stage.

"You act so unprofessional, my ass." Patalikod niyang ulit sa sinabi ng kanyang ama.

"I heard you." Biglang sabi ng isang babae. Napatingin naman siya sa direksyon ng taong nagsalita. Napakurap pa siya ng ilang beses dahil sa ganda ng babaeng nasa likuran niya. Sinundan niya ng tingin ang dalagang papunta sa katabi niyang upuan. Ngumiti ito sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita. "Staring is bad Mr. Flabella, but touching me is not a bad idea. Not a bad bad idea." The girl seductively said at inagaw ang basong hawak niya kanina. Kumindat pa ito bago ininom ang alak. Pagkatapos lagokin ay inilagay nito sa mesa ang wala ng lamang alak na baso. Napatingin naman siya sa baso, pero ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng maramdaman ang paghaplos ng babae sa kanyang magkabilang hita. Halos mapatalon pa siya sa gulat na napatingin sa kanyang hitang hinahalpos na ng dalagang ngayon niya lamang nakilala. "The party is boring, come with me, and I'll assure you, your night will be wonderful." The girl said and winked. Umalis na ito at sopistikadang naglakad papuntang exit. Pinagtitinginan ito ng mga kalalakihan. Napamura naman siyang sumunod sa dalagang di niya alam ang pangalan, basta ang alam lamang niya ay ang huling sinabi nito sa kanya na "Come with me, and I'll assure you, your night will be wonderful". Then he cursed again.

Love me Mr. Assassin (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt