Kabanata 55: Pervert

3.9K 71 1
                                    

"Wake up, love." Bulong sa kanyang ni Van.


"On behalf of  Cathay P.... and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day".  Narinig niyang salita ng cabin crew. Nag inat siya habang kinakalas naman ni Van ang kanyang seat belt. Tumingin siya sa may bintana. Naramdaman naman niya ang pagtayo ni Van kaya napatingin siya dito. Agad na bumungad sa kanya ang nakalahad nitong kamay sa kanya kaya naman agad niya itong tinanggap. Lumabas sila ng eroplano. Humigpit ang pagkakahawak ni Van sa kamay niya.






"We'll make a new life here. Wala ng mananakit sa'yo. Pangako ko yan." Bulong ni Van sa kanya bago hinalikan ang gilid ng ulo niya. Niyakap niya naman sa bewang nito ang binata habang naglalakad na silang dalawa.






"Good day Sir, ma'am. Welcome to Greece. I'm Zion, your driver." Nakangiting bati ng lalake sa kanila. Napatingin siya kay Van kaya napatingin din ito sa kanya.






"He's good in  English. Don't worry, I won't let him speak in Greek language." Mukhang napansin nito ang nasa isipan niya kaya napangiti na lamang siyang tumango tango. Pinagbuksan siya ni Zion. Umikot naman sa kabila si Van at pumasok sa tabi niyang upuan. Agad na hinawakan ni Van ang kamay niya at pinagsiklop iyon. Nilaro laro pa nito ang magkahawak nilang kamay. Sumandal naman siya sa balikat nito kaya naramdaman niya ang paghalik nito sa ulo niya. "Mahal na mahal kita." Bulong ni Van. Napangiti naman siya at napahawak na lang ang isa niya pang kamay sa braso ng binata. Ilang beses na ba niyang narinig ang salitang iyon mula sa binata simula noong umalis silang dalawa sa Pilipinas? Hindi na yata niya ito mabilang sa dami. "You can sleep again, my love. I know you're tired." Sabi nito sa kanya kaya napatango naman siya at nakangiting pumikit na.






Hindi niya alam kung ilang oras siyang tulog. Nagising na lamang siyang nasa malambot na siyang kama. Napaupo siya at agad na hinanap ng kanyang mga mata si Van. Hindi naman siya nabigo dahil agad niya itong nakita sa may veranda ng kwarto. Nakatalikod ito at nakaupo. Tahimik lamang itong tumitipa ng laptop, ilang sandali pa ay inilabas nito ang phone at may kinausap.






"I'll be there tomorrow Mr. Kaprov. Yeah. Thank you for cooperating. I owe you this." Pagkatapos iyon ay ibinaba na nito ang cellphone at napatingin sa direksyon niya. Agad itong tumayo at nilapitn siya. Umupo ito sa may kama at hinaplos ang pisngi niyaa gamit lamang ang isang kamay nito. "How's your sleep?" Mahinahong tanong ni Van sa kanya.

Love me Mr. Assassin (Completed)Where stories live. Discover now