Kabanata 51: Kahit na masakit

3.4K 73 0
                                    

"Damn.!" Mabilis ang pagpapatakbo ni Van sa kanyang sasakyan. Pagkatapos tumawag ang kanyang ama patungkol sa kagagahuhang ginawa nito kay Bella ay magkakasunod at malulutong na mura ang natanggap nito mula sa kanya. Papunta na siya sa lugar kung saan ipinunta ng mga tauhan ng ama si Bella. At nang makarating siya ay agad niyang pinaputukan sa ulo ang ibang tauhang nakasalubong niya na hindi siya agad napansin, kaya naman bago pa man mahugot ng mga ito ang baril ay nauna na siyang patayin ang mga ito. Galit na galit at nanlilisik ang kanyang mga matang naglakad siya ng tahimik at sinisiguradong bawat galaw niya ay hindi maglilikha ng ingay. Hindi pa man siya nakakalayo ay agad na niyang narinig ang tawanan ng mga lalake sa loob ng lumang warehouse. 






"Ang ganda ng ibinigay ni boss sa atin mga 'pre. Ang seksi na, ang kinis pa ng balat." Pagkatapos ssabihin ng isa iyon ay sabay sabay na tumawa ang mga ito. Tahimik siyang nagmura at lalong nagdilim ang kanyang paningin. Humigpit ang hawak niya sa kanyang baril habang palapit na palapit siya doon. 





"Papatayin ba talaga natin ito? Sayang naman, mas maganda yatang araw arawin na lang natin?" Muli ay nagtawanan ang mga ito dahil sa suhestiyon ng isa. 






"Mahirap na. Huwag nating suwayin si boss, baka tayo pa patayin nun. Mag enjoy na lang tayo ngayon mga pre. Ako muna una sa kanya." Sumilip siya sa maliit na awang ng pintuan at doon niya nakita ang halos wala ng damit na si Bella. Walang may ito. Naka bra at panty na lang. 





"Tang ina! Mga walang hiya kayo!" Galit na galit niyang sigaw pagkatapos niyang malakas na ibinalibag ang pintuan bago magkakasunod na pinaputukan sa ulo ang limang lalake. Ni hindi man lamang niya hinintay na makapagsalita ang mga ito sa matinding galit na nararamdaman. Nanginginig siyang lumapit sa dalaga habang hawak ang baril. "Shit. Shit. Shit." Magkakasunod niyang mura bago itinapon sa kung saan ang baril. Tinakbo niya ang distansya at lumuhod para makita ng malapitan ang dalagang walang malay. Nakita niya ang ilang pasa sa mukha nito at may dugo din sa gilid ng kanyang noo dahil sa sugat. Napaiyak siya ng makita ang sitwasyon ng dalaga at kahit na nanginginig man ang buong katawan niya, ay nagpakatatag siya at binuhat ang dalaga. Mabilis ang lakad niyang nagtungo sa kanyang sasakyan pero napahinto din ng makita niya ang ama na nakangising nakatayo malapit sa kanyang sasakyan. "Tang ina! Hindi ka pa ba tapos? Ano pa ba ang gusto mo? Ganito ba ang gusto mong mangyari sa akin? Kung oo, tang ina dad, sana pinatay mo na lang ako noon pa man! But please, huwag na si Bella dad. Huwag na huwag mo siyang idadamay. I'll tell you where my mom is. Just don't ever touch her. I don't  care anyone anymore." Nanghihina na siyang nagmamakaawa sa ama. Nagtiim bagang ito sa sinabi niya bago siya sinagot.






"I found her. Kanina lang, pagkaalis mo, papunta dito." Napatingin ito sa dalagang buhat niya bago sa kanya muling itinuon ang paningin. "Let's end this war together, son. I'll give you two options. Patayin mo si Gustavio para maging malaya kayo ni Bella, o iwan mo si Bella at ako ang papatay sa ama niya." Umiling iling siya sa sinabi nito, kahit anong piliin niya doon, alam niyang iisa lang din naman ang gusto ibig sabihin noon, mawawala at mawawala sa kanya si Bella kaya imbes na sagutin ay pinili na lamang niyang muling maglakad papuntang sasakyan niya. Binuksan niya ang backseat at maingat na isinakay si Bella doon bago niya hinarap ang ama.



"Wala kang isang salita kaya wala akong tiwala sa'yo. Sa kalagayan ni Bella ngayon, ang kausapin ka ng matagal ang ayaw kong gawin. Sana maging masaya ka sa pagsira sa buhay ko. Wala kang kwentang ama." Malamig niyang sagot sa ama bagong nagtungo sa driver's seat. Gustong gusto niyang sagasahan ang ama niya ng mabuhay na niya ang makina ng sasakyan, pero mas pinagtuunan niya ng pansin ang dalagang walang malay pagpahanggang ngayon. Kailangan niyang madala sa hospital ito bago pa man may mangyaring masama dito.







"Please help her. Save her please." Iyon lang ang tanging nasambit niya ng makarating siya sa ospital at maihiga sa higaan ang dalaga bago ipinunta sa may emergency room.





"We'll do everything we can." Seryosong saad naman ng doctor na umagapay noong makarating sila sa loob ng hospital. Iniwan na siya sa labas at nagtungo sa loob ng E.R. Napayuko naman siya at naupo sa may upuan di kalayuan sa emergency room.





Pagkalipas ng isang oras ay lumabas na ang doctor kaya agad siyang napatayo at nilapitan ito. 



"She's fine now. You don't have to worry anything. Pero kailangan pa rin namin siyang i CT scan after a day para macheck kung may namuong clot sa kanyang ulo. She still needs to undergo some check ups para maging sigurado. Ililipat na siya maya maya lang sa room niya." Napatango na lamang siya pero isa lang ang tumatak sa isip niya, Bella is still not safe. Umalis na ang doctor at muli naman siyang umupo. Pagkatapos pa ng ilang minuto ay inilapat na din sa wakas sa isang private room si Bella. Agad niyang hinawakan ang kamay nito habang tinitignan ang natutulog na dalaga. 



"You're still beautiful even if you have scars from your face. You're still my girl. Ikaw lang ang babaeng mahal at mamahalin ko. Pinangako ko sa sariling proprotektahan kita, pero tang ina lang at hindi kita agad naprotektahan kanina. Muntik ka ng mawala sa akin, Bella. Hinding hindi ko na hahayaan pang mangyari iyon ulit sa'yo. I'll watch you from behind, my love. I don't want to see you in this kind of situation ever again. Papatay ako para lang maging ligtas ka. I will never let this happen to you again." Pumiyok ang boses niya at napahagulgol siya sa harap ng tulog na dalaga. Tumayo siya at niyuko ang dalaga para halikan sa noo ng paulit ulit. "I'll do anything for you. At kahit na masakit ang gagawin ko, sana lagi mong tandaan na mahal na mahal kita. You're my lifeline my love, pero kung mapapahamak ka din lang ng dahil sa akin, ay mabuti pa ngang iwan na kita, but I promise, I'll be watching you everyday. I'll be close but not close enough to let you see me watching you." Muli ay hinalikan niya ang noo nito habang patuloy pa rin sa pagragasa ng kanyang luha. "I lov you. I love you so much. Tang ina, kahit na masakit na palayain ka, gagawin ko para lang mapabuti ka. Gumaling ka lang, gumising ka lang, please." 


Love me Mr. Assassin (Completed)Where stories live. Discover now