Kabanata 59: It's over now

5.1K 80 1
                                    


"Anong ginagawa natin dito? Bakit tayo bumalik dito? Van? Ayoko na dito sa Pilipinas. Iiwan mo nanaman ba ako?" Nanginginig na tanong ni Bella kay Van ng makalapag na sila ng eroplano patungo dito sa Pilipinas. Niyakap naman ng binata ang dalaga para maibsan ang panginginig dulot ng takot. Hinalikan niya ang buhok nito. Kumapit ng mahigpit ang dalaga sa t shirt niya habang yakap niya ito.

"Shh. Don't ever think of me leaving you again. 'Cause I will never do that again. You understand?" Naramdaman naman ng binata ang sunod sunod na pagtango nito. Humiwalay na siya ng yakap pero nakahawak pa rin ng mahigpit sa t-shirt niya ang mga kamay ng dalaga. Kinuha niya ang mga kamay ni Bella at iniabot patungong labi nito para halikan. Pagkatapos niyang halikan ay mahigpit niya itong hinawakan sabay tingin sa mga mata ng dalaga na naluluha na. Hinawakan niya ang pisngi ng dalaga gamit na ang isang kamay habang hawak ng isa pa niyang kamay ang mga kamay nito. "Something happened when we we're away. And I want you to know this. Let's go?" Tumango lamang ang dalaga pagkatapos. Alam niyang madami itong gustong itanong sa kanya pero mas pinili na lamang nitong tumahimik. Magkahawak kamay silang lumabas ng airport. Isang trolley na lang ang dinala niya dahil wala naman siyang balak magtagal ng Pilipinas. Kailangan niya lang talagang umuwi kasama si Bella dahil sa balitang natanggap. It was tragic but somehow, he felt at peace because it happened. He may look bad for thinking that way but he knows damn too well that the war is now over because one of them died. But on the other hand, he feels sad because he never expected that it will end this way.He wished to end the killing on both clan and call it a truce but it ended the other way. He sighed heavily as he tried not to cry in front of the woman he loves so dearly. He held her hand tightly as they headed to the limousine which will take them to the chapel where his funeral is.

"Where are we heading to?" Takang tanong ni Bella sa tabi niya ng makasakay na sila sa sasakyan. Tumingin naman siya sa mga mata ng dalaga bago sinagot ito.

"You'll know later. You can take a nap. I'll wake you up once we get there." Umiiwas sa usapang sabi niya. Suminghap naman ang dalaga bago tumango na lamang at sinunod siya. Hinalikan niya muli sa buhok ito ng ilagay ng dalaga ang ulo nito sa balikat niya. "I love you." Bulong niya bago niyakap ng isa niyang kamay ang katawan ng dalaga at inilapit ito sa katawan niya.

***

"Andito na sila." Nagising si Bella ng may marinig na sumigaw. Iminulat niya ang mga mata at bakas ang pagtataka ng makita kung ano ang nangyayari sa paligid niya. Kumunot ang noo niya ng makitang nakaitim halos lahat ng mga taong nasa labas ng lugar na hindi pamilyar sa kanya. Gumalaw ang katabi niya kaya napatingin siya dito at doon ay nagsalubong ang mga mata nilang dalawa. Muli nyang ibinaling sa labas ang mga mata at sumilip bahagya. Lalong kumunot ang noo niya ng may mga taong palapit sa direksyon nila pero dahil medyo malabo pa ang kanyang panginin dala ng pagtulog ay hindi niya iyon makita ng maayos. Kinusot niya ang mata bago nagsalita pero hindi na siya tumingin pa sa labas bagkus ay kay Van.

"Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong niya. Ibinuka ni Van ang bibig pero wala pa mang lumalabas na salita mula dito ay may nagbukas na ng pintuan sa tabi niya. May humila sa kanya kaya nauna siyang lumabas. "What the he... Kuya?" Takang tanong niya. Malamig ang titig nito sa kanya at tila nanunuot sa kaibuturan niya ang lamig ng titig nito. Napatingin siya sa kabila ng marinig niya ang pagbukas ng isang pintuan. Lumabas si Van at malungkot na tumingin sa kanila. Nabaling ang paningin niya sa likuran nito at nakita niya ang malungkot na mukha ng kanyang ina at ni Katnis. May iilang tao ding nasa labas at lalo lamang nalukot ang noo niya ng makitang halos sila ay nakasuot ng itim na damit. Tsaka lamang may bumundol ng kaba ng makitang nasa isang chapel pala sila ng maunawaan kung nasaan sila. Gulat niyang tinignan ang kapatid na si Paul na mahigpit na nakahawak sa magkabilang braso niya. "What.." Nagbara ang lalamunan niya kaya napalunok siya. Ayaw man niyang may malaman na masamang balita pero kailangan niya ng sagot. "What happened kuya?" Naluluha niyang tanong sa kapatid. Lumalam naman bigla ang mga mata ng kapatid sa tanong niya at biglang tila nanghina sa tanong na iyon. Pumikit ito at nang magmulat ay namumula na ang mga mata nito.

Love me Mr. Assassin (Completed)Where stories live. Discover now