Kabanata 49: Missing you

2.8K 63 0
                                    

"I miss you. Hanggang kailan ka ba dyan? Balik ka na dito sa condo ko please?" Naluluhang napapangiti siya sa sinabi ni Van mula sa kabilang linya. It's been three days simula noong huling nagkita sila ni Van. Sa tuwing nasa unibersidad naman siya ay binabakuran siya ng mga bantay niya. Muntikan pa ngang hugutin ng binata ang baril nito at paputukan lahat ng mga bantay niya kung hindi lamang niya mabilis na napigilan ito kaya sa huli ay hindi natuloy ang pagdanak ng dugo. "Damn. I swear. I'll find a fucking way to see you. I missed you so much." Nahihirapang dugtong pa nito.

"I'm sorry ha? Namimiss na din kita." Hingi niya ng tawad dito. Pumiyok pa siya dahil sa pag impit niya ng sariling luha. Narinig pa niya ang malulutong na mura ni Van.

"Damn. Are you crying? Gusto mo na bang itakas kita? Kukunin na kita." Narinig niya ang kaluskos mula sa kabilang linya. Marahil ay bumaba ito sa kama. Dinig na dinig din niya ang mabilis na hakbang nito bago tumunog ang pintuan. "Anong ginagawa mo dito?!" Malakas na sabi ni Van pagkatapos. Kumunot ang noo niya ng marinig iyon. Akmang magtatanong na sana siya ng muling magsalita si Van. "I'll call you later Bella. Emergency lang. I love you, okay. Bye." Hindi na siya hinintay na sumagot pa dahil pinatayan na siya ng tawag. Litong lito naman niyang inilayo sa tenga ang phone niya at tinitigan iyon na nakakunot noo.

Samantala.

"I'm asking you. What are you doing here? Aren't you supposed to be at the hospital? Are you really that eager to kill me now and get your revenge huh?" Maktol niya sa sariling ama.

"Where is she? I want to see her.!" Maawtoridad na tanong nito sa kanya at di man lang pinansin ang sinabi niya.

"What are you talking about?" Maang niyang tanong.

"Damn it. I want to see her! Tell me. Where the hell did you hide your real mother?!" Galit na nitong tanonf sa kanya.

"Huh!" Asik niya bago ngumisi sa ama at pinanliitan ito ng mga mata. "Have you forgotten you're the old mafia boss, huh, dad? Walang imposible sa'yo diba? So why don't you find her on your own? Afterall, you already know she's alive." Pang iinis niya dito.



Mariing pumikit ng mga mata ang ama bago nagmulat at nagsalita. "I'll help you have that daughter of Gustavio, just tell me where exactly is your mother Andreigh." Mahinahon na nitong saad. Humagalpak naman siya ng tawa bago sinagot ang kagaguhang suhestiyon nito.


"Don't make a fool out of me dad. I know how your mind works. I don't need you to get Bella. I can do that alone." Matigas at seryoso niyang saad dito. "And before you say something to threat me, I'm saying this to you already. "Touch Bella, and I will kill my own mother. We do have something in common dad. We go weak for a woman. Now we're quits. You try to hurt her? I'll try to hurt your woman too. I don't care if she's my mom. Hindi naman siya ang nakagisnan kong ina." Nakipagtagisan siya ng tingin sa ama bago muling nagsalita at ngumisi ng nakakaloko. "And last thing, it's really hard to find her 'cause she had undergone plastic surgery before I hid her. I don't know what happened and how it happened, but that Gustavio did know you too damn well. He's enjoying pissing you off." Napansin niya ang pagkalito sa mga mata ng ama kaya naman sinabi na niya ang nalalaman. "Si Gustavio ang may kagagawan kung bakit ibang mukha na ang pinakamamahal mong babae dad. Your wife is no longer her. She's different now." Nanlaki ang mga mata ng ama. Hinintay niya itong magsalita at hindi naman siya nabigo.

"Papatayin ko ang hudas na iyon!" Galit na galit nitong saad bago siya tinalikuran na lang bigla at iniwan na siya. Napabuntunghininga na lamang siya bago isinara at pintuan ng condo niya. Napaupo siya sa sofa at hinilot ang kanyang sentido. Ilang minuto pa ang lumipas ng tumunog ang kanyang phone.






"Hello." Mahina niyang sagot.






"Are you okay?" Iyon agad ang bungad sa kanya ni Bella. "Sino yung dumating?" Dugtong nitong tanong ng di siya sumasagot. Napabuntunghininga naman siya bago umayos sa pagkakaupo.





"It's my father." Sagot niya. Ilang segundong katahimikan ang dumaan bago nagsalita si Bella.





"What did he say?" Alam niya at ramdam niya sa tono nito na kinakabahan at natatakot ang dalaga pero hangga't buhay siya ay sisiguraduhin niyang walang mangyayaring masama dito kahit pa ikamatay niya pa.







"May pasok ka ba ngayon?" Imbes na sagutin niya iyon ay iniba na lamang niya ang usapan. Mukhang nakakaintindi naman si Bella dahil hindi na sya kinulit nito.

"If you don't want to talk about that now, it's fine. I understand. But always remember that I'm here to listen. And about that, meron pero di ako pumasok, masama ang pakiramdam ko." Naalarma siya sa narinig at aligagang tumayo.







"What? Did you take any medicine already?" Nag aalala niyang tanong bago naglakad patungo sa may side table para kunin ang susi na kotse.





"Uh. Not yet.Tinatamad akong bumaba eh." Napatampal siya sa sagot ng dalaga.



"Huwag nang tatamad tamad. Bumaba ka na. Pero kung grabe nang sama yan, tumawag ka na ng katulong. Please take care of yourself, love." Nang maisara ang pintuan ay dumeretso na siya sa elevator.







"I'm fine naman eh. It's not that super sama ng pakiramdam. Napagod lang siguro sa pagtuturo. Nag overtime din kasi ako kahapon." Sagot naman ng dalaga. Bumukas ang elevator kaya pumasok na siya. Pinindot niya ang basement sa button.













"Wala ka bang balak magresign sa trabaho mo?" Bigla ay iritado niyang tanong.





"Ano ka ba." Natatawang sagot ng dalaga. "I love my job now. I'm too far from pretensions now. Thanks to you. I missed you already." Lumungkot ito bigla. Saktong bumukas ang elevator hudyat na nasa basement na siya.







"I missed you too. Damn. Kailangan na talaga kitang makita. Mababaliw na ako." Pag amin niya. Humagikgik naman ang nasa kabilang linya. "Tang ina. Miss na talaga kita tatawanan mo pa ako." Napanguso siya bago pinatunog ang sasakyan. Pero imbes na tumigil ay lalo lamang siya nitong tinawanan.










































Love me Mr. Assassin (Completed)Where stories live. Discover now