Kabanata 4: Naked

7.5K 172 0
                                    

Sinundan niya ang babae hanggang sa huminto ito sa hallway at agad siyang sinunggaban ng halik; hinalikan naman niya ito pabalik.

 "It's hard not to laugh a bit seeing us all wearing no masks for this supposed to be masquerade party. But that's not the main reason why we're gathered here tonight." Naririnig niyang sabi ng kanyang mapagpanggap na ama. "For the success of our company! Cheers!" Nakipagcheers naman ang mga uto-utong dumalo. "And by the way, this would never be made possible without the help of my son, Van Andreigh, Son?" Narinig niyang tawag ng ama, dahilan para mapatigil siya sa paghalik sa di kilalang dalaga. Napatingin naman siya sa venue dahil hindi naman ito kalayuan mula sa kanila, bago ibinaling ulit ang paningin sa dalagang nakangisi sa kanya.

"Oh. Your father needs you, too bad." Pang-aasar pa nito sa kanya habang pinapaikot ang daliri sa kanyang mukha. Hinuli naman niya ang kamay ng dalaga at itinaas ito.

"Yeah. And I want you. Wait for me beautiful lady. I'll give you my keycard. I'll expect you in my bed after this." Bulong niya sa tenga nito. Naramdaman naman niya ang malapad na pag ngiti nito dahil sa magkalapit lamang ang mukha nilang dalawa.

"Oh! You don't have to tell me that. I know what to do." Malanding bulong naman nito sa kanya bago hinalikan sa punong tenga niya.

"Van Andreigh!" Matalim at may bantang tawag ulit ng kanyang ama na siya lamang ang nakakaintindi ng laman at banta ng boses na iyon. Napatagilid siya ng tingin bago binitawan at ibinaba ang kamay ng dalaga.

"Go." Mahinang utos nito sa kanya. Napatingin naman siya ulit sa babae at pinantaasan niya ng kilay ngunit ngumiti lamang ito sa kanya.

"Yeah, I'll go, but I want to know your name first." Agad niyang sabi dito. Nakangiting umiling naman ito.

"Nobody wants to know my name, swear." Sabi ng dalaga sabay kindat sa kanya, sabay kinapkapan habang nakatitig pa ito. Tumigil ito sa pagkakapkap at inilabas ang keycard niya. "Got it. I know what room are you, so don't worry big boy. I'll be waiting for you, so faster." She said and left him speechless. Napa iling na lamang siya at bumalik na sa loob. Nakita naman agad siya ng ama at muling sinabi ang kanyang pangalan. Umakyat siya sa stage at nagsimulang nagpanggap na masaya.

"Oh! Here he is, my son. Van." Pagpapakilala ulit sa kanya ng ama. Gusto niyang pang ikutan ito ng mga mata dahil sa halos taon taon na lamang siya nitong ipinapakilala at wala namang magawa ang mga taong uto uto at pasipsip sa kanyang ama. "Don't even try to escape and embarass me." Bulong nito sa kanya at muling ngumiti sa mga taong nakatingin sa kanila.

Love me Mr. Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon