Kabanata 8: Touch me later

6.4K 160 1
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula ng puntahan siya ni Van sa pinagtratrabauhan niyang unibersidad. At ilang araw na din siyang kinukulit ni Cassie patungkol sa binata. Naiirita ma'y pilit niyang sinasagot ng may plastik na ngiti ang babaeng atat na atat na makita ulit si Van.

"Pwede mo ba ako ireto?" Bigla ay nasabi sa kanya ni Cassie dahilan para muntikan na siyang mabilaukan sa iniinom niya. Nasa cafeteria sila ngayon ng school at kasalukuyang nagmemerienda ng biglang ipasok ulit ng dalaga si Van sa usapan. Muntikan pa siyang napairap pero pinigilan niya ang sarili dahil baka magtaka at magduda pa ito sa kanya. Binuksan niya ang nakastyro na pagkain niya at pinagsabihan si Cassie.

"I told you. I haven't seen or contacted him for days Cassie. At isa pa, busy siguro iyon ngayon sa pambababae. I know you're into him. But as a friend, i just want to remind you, he cannot be trusted. Masasaktan ka lang sa kanya. Magkagusto ka hanggang gusto mo, but please, do not fall in love sa lalakeng iyon." Kahit papaano ay concern niyang sabi bago kinain ang binili niyang pagkain.

"Ow. I am so touch. Ang bait mo talaga eh noh?" Nakangiting sabi nito sabay hawak pa sa kanang dibdib. Napatigil naman siya bigla sa pagnguya ng kinakain sabay tingin sa nakangiting si Cassie. Alam niya, may parang mali sa tono ng boses ng dalaga. May alam na ba ito tungkol sa totoong pagkatao niya? Really, she can smell something.

"I care for you Cas." Simpleng sabi na lamang niya at nakangiting nakatingin sa dalaga. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang madaliang pagtaas ng kilay nito. Magsasalita pa sana siya para may magandang maidugtong sa sasabihin pero nauna nang nagsalita ito.

"Thanks for the care. But i don't need plasticity in here. Look." Sabi nito sabay lapit nito sa kanya. Luminga linga pa ito sa paligid bago itinuloy ang sasabihin nito. "I know your true color Bella and I know what you did last time." Matalim na sabi nito sa kanya at mas lalo itong lumapit sa kanya. Kinabahan naman siya sa pambibitin nito sa kanya. May hinala na nga ba talaga ito sa kanya? At alam na kaya ni Cassie na ginamit niya ang identity nito?"You have this secret desire over Van." Bigla ay dugtong nito sabay layo sa kanya at ininom ang juice na binili. Kunot noo naman siyang napatitig sa babaeng seryoso ang mukhang nakatingin sa kanya.

"I have what? Seriously?" Medyo tumaas ang boses niyang tanong. Itinabi naman nito ang juice na iniinom at nagsalita ulit.

"Huwag mo na kasing ikaila sa akin Bella. I am your friend right? And you must at least tell the truth to me. Hindi yung nagsisinungaling ka pa. You know, Van talked to me last time. He told me you like him. And the feeling is mutual, but I am a destruction to the both of you. He added. That's why palagi siya ang topic ko kapag magkasama tayo because I want to know if it is really true. And I think he's really saying the truth." Nakabusangot na nitong sabi sabay humalukipkip at mukhang maiiyak na.

"Wait. Wait. Wait. Stop right there. He said what?" Hindi makapaniwala niyang tanong sa kasama.

"He said you both like each other and that, i should stop liking him. How in hell does he knows that i like him? We only met once! Gosh. Sinabi mo?" Pinandilatan nitong sabi sa kanya.

"I don't know okay? Maybe he heard us talking that day. And I don't like him. As if?! He's not my type Cassie at walang namamagitan sa aming dalawa gaya ng sabi ko sa'yo ng ilang beses." Nawalan na siya ng ganang kumain. Tumayo siya at akmang iiwan na ang dalaga pero nagsalita ulit ito.

"If you really don't like him. Then, Ireto mo ako sa kanya." Desperada nitong sabi at tumayo na rin. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa dalaga.

"What? You'are not that desperate are you?" Pinandilatan niya itong tinanong.

"But I am. Bella. Please. I really want that guy. I've been fantasizing him since when, i don't know." Pagmamakaawa pa nito. Kinalma naman niya ang sarili bago pinakatititigan si Cassie.

"You want him so bad do you?" Naaamuse niyang tanong. Huminga naman ng malalim ang dalaga bago siya sinagot.

"Yes." Sagot nito sa kanya na hindi makatingin ng diretso sa mata. Lihim naman siyang napangiti sa nalaman. Now she can get even to that guy. May biglang umilaw na ideya sa isip niya kasi. And she's the only one who knows what's inside her evil head.

"Okay. I'll talk to him. But don't ever think na may gustk ako sa kanya because I don't. For real. I swear, i promise. Hope to die." Sabi niya sabay taas ng kanang kamay para mag promise pero ang isang kamay ay tumutugma sa kasungalingan at kalokohan. Why would i swear to you? Wala naman akong mapapala sa'yo aside sa pwede kitang gamiting pain sa lalakeng iyon at ng tantanan na niya ako. Pilyang anas niya sa isipan. At gaya nga ng iniisip niya, napaniwala pa rin siya sa huli si Cassie.

Kinagabihan ng araw ding iyon ay napagpasyahan niyang gumimik sa ibang lugar. At gaya ng ginagawa niya, naghanap siya ng bagong nahuhuthutan. She's not innocent. She's wild and bitchy. That is her, after they treated her like a trash. After they made her someone she never even imagined to be. And right after she left the place she dreamed to live, everything about her screamed agony and pretensions. It all started in that place. All her pains started in that place, surrounded by the ones who wished her dead. She just hated the fact that her real family never wanted her. Never even looked for her when she was lost. And know what she hated most? It is the fact that her step father raped her by the time she stepped inside that house while her mother did nothing but watched her being raped.

Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata ng muling inalala ang mapait na nangyari sa buhay niya. She has nothing to do with it but she can't help herself not to remember the bitterness of her past. Nagmulat siya ng mata at pinasadahan ng tingin ang mga taong may kanya kanyang mundo sa loob ng bar na pinuntahan niya. Mapait siyang ngumiti sabay lagok ng alak na iniinom. Aminado siyang medyo may tama na siya sa alak na iniinom at nararamdaman na din niya ang dulot nito sa katawan niya. She's getting hotter and all she wants to do now is to get wild and let music take her. And so she drink another shot at akmang tatayo na sana siya sa stool pero may taong dikit na dikit sa likod niya. Kunot noo siyang titingin sana sa likuran pero nagsalita na ito.

"Don't move. I'll just do this fast." Bulong nito sa tenga niya sabay hawak sa braso niya. "I've been watching and stalking you all day lovely lady. I missed your scent. You smell so good." Dugtong pa nito sabay halik sa punong tenga niya. Napapikit naman siya sa naramdamang init na dumaloy sa katawan niya. This man pretty knows well how to seduce her. By a simple touch, she's near to surrender her body again him.

"Flabella. If you want me naked. Take me somewhere else. Don't make me scream your name here. Where not doing sex here. Oh! Stop seducing me. And please. Oh will you stop kissing me at the back? Take me out. Touch me later." She hoarsely said. And with that, the guy took her somewhere else.

Love me Mr. Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon