Kabanata 26: Who am I

4K 86 0
                                    

"Hey. Uuwi na tayo Katherine." Mahinahong sabi sa kanya ni Van. Napalingon naman siya sa binata at malungkot na ngumiti. Niyakap naman siya kaya tuloy mukhang maiiyak na siya. Her mother did not choose her. And she's leaving this place to heal and forget. What happened a while ago just made her realized how worthless she was to the one who gave birth to her. Andami nitong sinabi para maipaliwanag "daw" sa kanya na hindi pwedeng magsama sila, pero ayaw maabsorb iyon ng utak niya. Bakit? Dahil kahit gaano man kadami ang paliwanag na marinig niya mula dito, ay iisa din lang naman ang kahahantungan, the fact that she didn't choose her makes her feel so unwanted and trashed. "Don't feel so sorry to yourself Bella, you know well enough you did your part. Hinawakan nito ang kamay niya pagkataposYou're shaking" Puna nito. Gusto niyang tanungin si Van. Bakit hindi nito sinabi sa kanya na kilala pala nito ang mga taong sumira ng buhay niya pero hindi niya pa kayang magdagdag pa ng panibagong iisipin. Masyado ng mabigat ngayon ang nararamdaman kaya mas pinili niyang tumahimik na lang muna. They left the place without talking to each other. 










LUMIPAS sa tatlom'put minuto ang byahe bago nila marating ang private plane ni Van. Iniabot nito ang susi ng sasakyan sa lalakeng sumalubong sa kanila. Nag usap ang dalawa pero nauna na siya. Narinig niyang tinawag na siya ni Van pero di siya huminto. Nagpatuloy lamang siya sa pag akyat sa eroplano. Agad niyang ibinagsak ang katawan sa may upuan. Gusto niyang magpunta sa may kwarto ng eroplano pero ayaw niyang mahiga. Pumikit lamang siya hanggang sa unti uti na siyang inantok. Huli na lamang niyang narinig ang sinabi ng binata sa kanya ng "I will protect you Katherine. No one can lay even just a finger on you. Sleep tight my queen." She felt his lips on her forehead before she doze.











"SERYOSO KA?" Naalimpungatan siya dahil sa matinis na boses na iyon ng isang babae pero hindi siya nagpahalatang gising. Asaan na sila?









"Ang ingay mo! Lower your voice. Jesus! Baka magising mo siya!" Sita ni Van dun sa babae. Gusto niyang ikunot ang noo niya pero naramdaman niyang nakatingin ang dalawa sa kanya kaya pinigilan niya ang sarili. 







"Pero kuya Van. She's a threat! Hindi mo siya pwedeng ibahay! You know tito hates all your girls. Sa tingin mo papayag siyang itira mo siya sa mansyon? And aside from that, she's a Madrigal for christ sake!" Nanggagalaiting hininaan ng babae yung boses nito. 






"Shut up! She's not part of the Madrigal's! Huwag mo din siyang isama sa mga naging babae ko after Shantal! At hindi ko siya sa mansyon ibabahay! I'm not dumb." Inis na sagot din ni Van. 







"Oh. Please cousin! Huwag na tayong maglokohan. We both knew she's a full blooded Madrigal. Alam kong kailan mo lang nalaman. You should have investigated her whereabouts before taking her." Asik naman nung babae kay Van. Gusto na niyang magmulat at magtanong pero hindi na niya itinuloy ang sasabihin ng magsalita ulit si Van. 






Love me Mr. Assassin (Completed)Where stories live. Discover now