Kabanata 44: The man in her past

3.1K 56 0
                                    

Months have passed. Van never failed to make her love him more. But she seemed to noticed that he's spacing out most of the time.


"We're going out with the gang. " Gang ang tawag niya sa mga kaibigan nila ni Van. "It's a good thing, Sab andd Blue are okay now. Grabe, ang hirap at ang sakit din ng mga napagdaanan nila noh?" Patuloy niyang litanya habang isinusuot ang hikaw. May nangyari kasing hindi maganda kina Sab at Blue sa nakaraang mga buwan.


"They've fought their love for each other, that's why they survived. They really deserve each other, Bella." Seryosong saad ni Van. "Let's go?" Pinagsiklop nito ang kamay nila bago sila lumabas ng condo ni Van.


Nakarating sila sa isang kilalang bar sa Makati na pagkikitaan nilang magkakaaibigan. Agad na napuno ng asaran sa kinuha nilang pribadong pwesto.


"Ganda ng ngiti ninyong dalawa ha? Lakas maka good vibes? Ayos na kayo? Nadala sa tawag ng laman?" Pilyang tanong ni Selena kay Sabrina at Blue kaya nakatikim ito ng sapak. Andami pang pang aasar ang pinagsasabi ni Selena hanggang sa ito na ang inasar ng grupo.




"Whatever guys. You don't know anything about my love life. Andami ko kayang naging boyfriends sa America." Pagtatanggol pa sa sarili ni Selena pero tinawanan lang nila ito. Nainis namang napahalukipkip na lamang ang dalaga sa upuan.

"Tama na yan guys. We're here to have fun. And it's a good thing, we're all here tonight. Cheers!" Masayang singit ni Van sa kanila habang nakayakap ang isang kamay sa bewang niya. Kung titignan niya si Van ay parang wala itong pinagdadaanan. Masaya at magaan ang aura ng binata hindi katulad noong mga nakaraang buwan na palaging parang wala sa sarili.

"Oo nga! At himala ding nandito ka!" Pang aasar ni Wayne kay Van sabay nakipag apiran kay Troy. Nag middle finger si Van sa dalawa na humahagalpak na.

"But seriously dude, bakit palagi kang missing in action kapag may inuman o katuwaan? Ganoon ka na ba ka busy ngayon na nakalimutan mo na kaming mga kaibigan mo? Ouch that hurts dude." Maloko namang singit ni Blue.

"F.U De Vera!" Mura ni Van sa kaibigan dahilan para matawa lahat. Nakipagtawanan din siya pero natigil siya ng hinalikan siya bigla sa harapan nilang lahat. "Babe, you taste like my wine, nakakalasing kapag tumatagal." Namumungay ang mga mata ni Van ng sabihin iyon sa kanya.





"Hoohhh! Lover boy na si Banban! May nalalaman na siyang you taste like wine, nakakalasing kapag tumatagal! Hanep!" Natatawang asar ni Troy.

"Mga gago! Inggit lang kayo. Sabihin ninyo kasi iyan sa mga kasama ninyo ng di kayo nang eepal sa buhay pag-ibig ko." Sabi ni Van na nakikipag apiran na sa mga kaibigan pagkatapos sabihin iyon. Gusto niyang kurutin bigla si Van pero nag iba ito ng topic. Kung saan saan na napadpad ang usapan hanggang sa natanawan nila ang kakambal ni Blue na si Terrenz.




"Dude. Ayos yang si Terrenz ah! Ang ganda ng kalandian." Puri pa ni Van. Napataas ang kilay niya sa narinig.

"Aha. Ayos ka din Dreigh, may balak ka pang agawan ang kapatid ni Blue? Sabihin mo lang." Seryoso pero may banta sa boses niya. Napakamot naman ng ulo si Van at nilambing lambing siya kaya tinudyo tudyo tuloy ito ng mga kaibigan.


"I'd like you to meet my girl, Anne Curtis. Kidding. Angelica Davidson." Iyon lang ang narinig niyang sinabi ni Terrenz dahil abala siya sa pagmamasid kay Van.


"Hello guys. I'm Angelica, Angel for short." Nagbabait baitang pagpapakilala nito sa kanila. She knew it. She did the same game too, before. Lihim siyang napangisi sa nakikita.

Love me Mr. Assassin (Completed)Where stories live. Discover now