Chapter 6: Writer's Block

Start from the beginning
                                    

“I just knew you would,” nakangiting wika ni Sam sa kaniya. Pagkatapos ay niyakap siya nito. “Maraming salamat talaga.”

🏠🏠🏠


ILANG araw na ang nakalipas matapos iwan ni Sandy ang apartment nila ni Sam. Nakatira na si Sam ngayon sa boyfriend nitong si Henry habang siya naman ay bumalik na sa hometown niya at nanirahang muli sa dati nilang tahanan doon na kung tawagin niya ay Writer’s Block.

For the last few days ay wala siyang ibang ginawa kung ‘di ang mag-general cleaning ng buong bahay. Tinanggal niya ang mga agiw sa kisame. Nagtataka lang siya kung bakit parang konti lang ang agiw roon gayong matagal na panahon din niyang iniwan ang bahay na ito. Gayundin ang mga kagamitan. Manipis lang ang alikabok na nakabalot sa mga ito hindi katulad nang inaasahan niyang makapal.  Pero, naisip niyang siguro ay ganoon talaga dahil nakasara naman ang bahay nila kaya hindi ito masyadong napapasukan ng dumi. Tinanggal niya rin ang lahat ng mga puting telang nakatakip sa mga furnitures. Pagkatapos ay binalik ang lahat sa dati nitong ayos nang nabubuhay pa ang mga magulang niya. And now, the whole house was spick-and-span!

Finally! she thought. Natapos din ako sa paglilinis. Pagkatapos ay nahiga na siya sa sofa.

Dinadalaw na siya ng antok nang bigla niyang marinig ang pagtunog ng doorbell. Nagtataka siyang bumangon mula sa pagkakahiga dahil wala naman siyang inaasahang bisita ngayon.

Pagdating niya sa pinto ay sinilip muna niya sa peep hole kung sino ang kumakatok. Nakita niya ang isang pamilyar na matandang lalakeng nakatayo sa porch ng bahay. Nang maalala niya kung sino iyon ay mabilis niyang binuksan ang pinto.

“Mang Bong!” maligayang bati niya rito. Pagkatapos ay niyakap niya ito nang napakahigpit.

Si Mang Bong ay isa sa mga kasambahay nila noong nabubuhay pa ang tatay niya kasama ang asawa nitong si Aling Wanda. May nag-iisang anak na lalake ang mga ito na nagngangalang Nigel.

Nang maghirap ang pamilya nila dahil binenta ng tatay niya ang negosyo nila para gamitin ang pera sa pagpapagamot ng nagkasakit niyang ina ay tanging ang mag-asawang ito lang ang hindi nang-iwan sa kanila. Nang magkaroon naman ang tatay niya ng glioblastoma ilang taon matapos pumanaw ang nanay niya ay ang mag-asawang ito rin ang tumulong sa kaniya sa pag-aalaga sa tatay niya hanggang sa bawian din ito ng buhay at mailibing matapos ang college graduation niya kung saan siya nagtapos bilang cum laude sa isang sikat na university sa kanilang bayan. Simula nang iwan niya ang lugar na ito para magtrabaho sa Maynila ay nawalan na rin siya ng komunikasyon sa mga ito dahil wala namang cellphone ang mag-asawa nang mga panahong iyon. Pero, kahit ganoon ay hindi nawala ang pagmamahal niya sa mag-asawang ito na tinuring na niyang parang pangalawa niyang mga magulang at sa anak ng mga ito na tinuring na rin niyang parang kapatid.

“Kumusta po kayo? Kumusta po si Aling Wanda? Si Nigel po? Pa’no n’yo po nalamang narito ‘ko?” sunud-sunod niyang usisa rito nang kumalas siya mula sa pagkakayakap dito. Hindi niya maitago sa kaniyang abot-tengang ngiti ang labis na kaligayahan dahil sa pagkakakita ritong muli.

“Ayos lang naman kaming lahat, hija,” masayang tugon din nito sa kaniya. “Nagpunta ‘ko rito dahil araw ngayon ng paglilinis ko rito. ‘Di ko inaasahang andito ka pala. Siguradong matutuwa sina Wanda at Nigel ‘pag nalaman nilang bumalik ka na.”

“Nililinis n’yo ang bahay namin,” she said in disbelief. “Kaya pala napansin kong ‘di masyadong marumi ang bahay. ‘Yon pala’y kayo ang nagme-maintain dito para sa 'kin. Maraming salamat po!”

“Walang anuman ‘yon, hija,” wika nito. “Maliit na bagay kumpara sa tulong na naibigay nina Sir Edgar at Ma’am Grace sa 'min no’n. Kung ‘di dahil sa lupang binigay nila sa ‘min ay wala siguro kaming sariling bahay ngayon. Magkano lang naman ang sinisweldo namin para makabili kami ng sariling lupa. Pero, dahil sa kagandahang-loob ng mga magulang mo’y bahay na lang ang kinailangan naming pag-ipunan.”

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Where stories live. Discover now