Chapter 6: Writer's Block

Mulai dari awal
                                    

“Naaalala ko na,” sabi niya. “Matagal ko na ring gustong puntahan ‘yon. Kaso, masyado ‘kong naging busy hanggang sa nakalimutan kong may binili nga pala ‘kong gano’n. Mabuti't pinaalala mo. Sige. Pakisabi sa caretaker na paki-ready na ‘yong bahay. Sa susunod na linggo ay mag-i-stay na muna ‘ko ro’n.”

🏠🏠🏠


“SANDY, may sasabihin sana ‘ko sa ‘yo,” wika ni Sam sa kaniya.

“A-ano ‘yon?” kinakabahang tanong niya rito dahil sa kaseryosohan ng tono nito.

“’Di ba alam mo namang pinapadalhan ko ng budget ang pamilya ko sa probinsya bukod sa pinag-aaral ko pa ang kapatid ko?” Sam asked her which sounded more like of a statement.

Tumango naman siya rito bilang sagot.

“’Tapos, na-ospital pa ang tatay ko nang nakaraang buwan at ngayon ay sinasagot ko na rin ang mga follow-up checkups at maintenance drugs n’ya,” pagpapatuloy ni Sam.

Tinanguan na naman niya ito bilang sagot.

“’Tapos, darating pa n’yan ang bills sa kuryente, tubig at renta ng apartment. ‘Tapos, ‘di pa rin tayo nakakapag-grocery hanggang ngayon,” litanya nito sa kaniya. Parang alam na niya kung anong ibig nitong sabihin. “Short na ang budget ko.”

“Magbabayad naman ako,” paninigurado niya rito. “Kaso, alam mo namang gipit ako ngayon. Wala lang talaga ‘kong mapasukang trabaho dahil sa siraulong Uriah Khan na ‘yan!” Hindi niya talaga mapigilang huwag kumulo ang dugo niya sa tuwing naaalala niya ang buwisit na lalakeng iyon.

“Naiintindihan ko naman ang pinaglalaban mo, Sandy,” nakakaunawang sabi nito sa kaniya. “Kaso, ang tagal mo nang walang trabaho dahil masyado kang focus sa pagpapabagsak mo kay Uriah to the point na ‘di mo napapansing sumasama ka na rin sa kan’ya pababa.”

Dati, pakiramdam niya, siya ang mature sa kanilang dalawa ni Sam. Pero, ngayon pakiramdam niya ay parang magulang niya ito kung makasermon sa kaniya.

“Kung ‘di ka matanggap sa mga kompanyang gusto mo, bakit 'di mo subukan sa ibang industry?” tanong nito sa kaniya. “Sigurado 'kong matatanggap ka na ro'n.”

Ang buong akala niya ay hahayaan lang siya ni Sam sa pinaglalaban niya dahil kaibigan naman niya ito. Kaso, hindi naman niya makuhang sumagot dito lalo na at totoo naman ang sinasabi nito. Marami naman talagang trabaho ang pwede niyang pasukan bukod sa journalism. Kaso, gusto niya talaga ang propesyong ito.

“I’m sorry, Sandy,” sinserong paumanhin ni Sam sa kaniya. “I don’t know how to break this to you. Pero, wala na ‘kong maisip na ibang paraan kung pa’no ‘to sasabihin sa ‘yo.”

“Ano ba kasi 'yon?” usisa niya rito nang maramdaman niyang may iba pa itong gustong sabihin sa kaniya. “Diretsahin mo na 'ko.”

Inabot ni Sam ang mga kamay niya bago nagsalita. “Kailangan mo nang maghanap ng ibang matutuluyan next month. Iiwan ko na kasi 'tong apartment na 'to. Wala na rin kasi 'kong ipambabayad pa rito. Kapos na rin ang kinikita ko. 'Tapos, wala ka pang trabaho. Do'n na 'ko titira sa condo unit ni Henry. Tutal naman, matagal na rin n'ya 'kong inaayang tumira ro'n kasama s'ya. ‘Di ko lang s'ya mapagbigyan kasi iniisip kita. Ayaw kitang iwang mag-isa rito. Kaso, iba na ang sitwasyon ngayon. Sana maintindihan mo 'ko.”

“O-oo naman,” utal niyang wika. Para kasing may bumara sa lalamunan niya na kahit anong gawin niyang lunok ay hindi mawala-wala. Binigyan niya ito ng isang pilit na ngiti kahit pakiramdam niya ay parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib niya at hindi siya makahinga ng maayos. “N-naiintindihan kita.”

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang