TEASING XLIII

11.5K 308 99
                                    

AMBIVALENT

Naglalakad na ako ngayon papuntang site. Pinark ko kasi iyong car ko sa parking lot ng University. Wala na kasing paglalagyan ng kotse doon kasi medyo lumalawak na iyong building kasi medyo malapit ng matapos. Habang naglalakad ay may mga tumitingin na estudyante sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano ang mga tingin na pinaparating nila. Basta ako ay patuloy lang sa paglalakad at hindi na pinapansin ang mga tinginang iyon. It's already 9 am kaya marami ng estudyante. Bat kasi ako nalate? Well, napuyat ako kagabi kasi si Aidam nangungulit. Samahan daw namin siya sa school niya this Wednesday with Maxine dahil wala ang parents niya that day. Hindi ako tinigilan ng batang iyon hanggang sa hindi ako um-oo. Kelangan ko ring i-approach si Maxine mamaya para sabihin iyon.

"Good morning sexy!" napalingon ako sa taong nagsalita sa likuran ko. Mabilis itong naglakad saka niya pinulupot ang braso sa aking bewang. Naiilang ako sa hawak nito ngunit sinawalang bahala ko na lamang iyon.

"Oh bat late ka rin?" tanong ko kay Amber habang nakatingin sa mukha nito. Ang ganda rin ng babaeng ito e. Ang laki ng ngiti niya habang nakatingin din sa akin. I turn my gaze on our way kasi nakaramdam ako ng lungkot. Paano ko ba e-rereject ang isang malapit sa akin, ang taong tumulong sa akin kahit na sinusungitan niya ako dati. I can't hurt her cause she's too good to be hurt.

"Inaayos ko yung pag-uwi ni Mom dito sa Pilipinas. You know her naman, gusto niya inaasikaso ko siya." nagtatakang napatingin ulit ako rito dahil sa kaniyang sinabi. Wala siyang nakwekwento sa akin tungkol sa pag-uwi ni tita.

"Uuwi si Tita? When?" tanong ko rito. Humiwalay ako sa pagkakahawak niya at umupo sa chair nang makarating kami sa site. Ilang days din na hindi kami nagkita ni Amber at ito ang balitang malalaman ko.

"Next week I guess? We will stay here for good na raw. Bibisitahin na lang namin iyong other firm sa NY. Tita Stef will manage it pansamantala." so rito na sila titira? Pero bakit parang biglaan naman yata?

"Mom said she want you to become my wife soon kaya rito na kami for good. Hindi pa nga kita girlfriend tapos iyon na iniisip ni Mom, medyo nakakapressure. But, babe when are you going to say yes to me?" shocked na napatingin ako sa kaniya. Nasagot agad ang katanungang naglalaro sa aking isipan. Bakit naman suddenly, mag-aask siya ng ganyan? Hindi ako ready sa katanungang iyon.

"I know hindi ka pa ready, I am willing to wait if it's you is my trophy. Diba sasagutin mo naman ako?" hindi nanaman ako nakasagot agad. Bakit naman ganito? Naprepressure ako umagang-umaga pa lang. Nang 'di ako nakasagot ay nakita ko ang paglandas ng lungkot sa kaniyang mga mata.

"Y-yes of course. J-just wait for the right time." napalunok ako pagkatapos kung sabihin iyon. I wanna curse my self for saying that. Bakit ko sinabi iyon? Stupid Bree! Lalo lang siyang aasa sa akin! May Maxine na ako for Pete's sake!

"Yes! I will kahit ilang years pa." sobrang saya nito nang sabihin niya iyon. Nakaramdam ako ng lungkot dahil masasaktan ko siya kapag dumating iyong araw na malalaman niyang okay na kami ni Maxine. Lalo na at official na kami ulit. We talked about it the day she invited me and before she broke up with Yrah. Ang saya lang na kami na ulit pero may part na nalulungkot dahil kay Amber.

"Sige na, I'll just visit the workers." masayang humalik ito sa pisngi ko saka nakangiting kumakaway paalis. I just give her a small smile hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Paano ko sasabihin kay Maxine na hindi ko pa nagagawang sabihin ang sa amin kay Amber?

Napagdesisyunan ko ng sumunod dito para hindi naman nila sabihin na wala akong ginagawa. Tumulong lang ako sa site hanggang sa lunch time na. Hindi ko ramdam ang gutom ko dahil sa halo-halong iniisip. Busy ako dito pero iyong isip ko saan-saan na pumupunta.

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon