TEASING XX

12.3K 381 57
                                    

EFFORTS

The day of Christmas was great. I am so glad because before 12:00 I am with her. For me, that is the best gift I ever had even though hindi kami nagkasama sa mismong oras ng Christmas. Kailangan kasi niyang umuwi and so do I. Kasalukuyang nakaupo ako sa first sit ng bus dahil ngayon ang day ng outing namin. Napost-pone ng 26 dahil rest day namin ang 25. Its already 3 am at ang usapan ay 2:30 am. Filipino time nga naman. Katabi ko ngayon si Mitchy habang si Luke naman ay nasa likod namin.

"Mitchy may nadala kang extra earphones? Naiwan ko sa sala iyong earphones ko kainis!" kinalkal nito ang bag niya kaya nagdiwang ako. Lagi talaga siyang may dala lalo na sa ganitong sitwasyon, minsan kasi ako or si Luke ang nakakaiwan.

"Alam ko kasi na maiiwan mo kasi excited ka." napasimangot naman ako sa sinabi nito. Grabe naman kasi makaexcited, alam ko din naman na siya rin ampk!

"Whatever! Salamat ha?" tango na lang ang sinagot nito kaya nilagay ko na ang earphones sa tenga ko. Habang nag-eenjoy sa music ay nakita ko ang ibang participants na pumasok. One bus lang ang gagamitin namin kasi iyong iba hindi na sumama kasi may mga out of town sila with their family. At iyong mga faculties naman na hindi ko aakalain na pupunta ay may sarili silang mga sasakyan. Nakita kong tumayo si Zamara sa harapan, nasa left na unahan din kasi siya dahil hindi naman kami pwedeng magkatabi kasi baka may magtampong mga kaibigan. Tinanggal ko ang isang earphone para marinig ko ang sasabihin nito.

"Kompleto na ba? Si Miss Megan daw ang makikisakay dito para magbantay sa atin." nakangiting sabi nito sa harapan na ikinatuwa ng lahat. Si Miss Meg kasi iyong tipo ng teacher na alam ang makisabay.
"Manong papunta na po siya. Wait na lang po natin konti." baling niya sa driver na ikinatango at ikinangiti ni manong.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umupo na si Zamara. Binaling nito ang tingin sa pwesto ko, alam ko na gustong-gusto nitong tumabi sa akin.

"Mitchell palit na kasi tayo ng upuan." sabi na ey, kanina pa yan tapos tumigil rin siya. At ngayon nagsisimula nanaman ito.

"Katabi mo naman kaibigan mo jan Natasha, mahiya ka naman sa katabi mo." sagot ni Mitch kay Zamara na ikinapout nito.

"Breezeee, tabi na tayo." ungot nito kaya napatawa ako. Mukha talagang hindi siya President.

"You can't handle her Natasha. Mahihilo ito at tiyak ako doon." sinamaan ko ng tingin si Mitch dahil sa sinabi nito, pati kasi iyon pinagkakalat.

"What? Sumusuka si Breeze?" gulat na napatingin ito sa akin kaya umiling ako. Hindi naman ako sumusuka, as in mahihilo lang ako lalo na at sa bus kami sasakay. Hindi ko din alam kung bakit, kasi sa van or kotse naman okay ako. Ayoko lang kasi sa amoy, oo nakadepende lahat sa amoy ang magiging kalagayan ko.

"Hindi naman pero para na siyang nakainom ng isang case na alak kapag nakarating ito sa pupuntahan niya." sagot ni Mitch kaya naman nakatanggap siya ng palo sa braso.

"Hindi naman kasii! Actually nakadepende kasi sa scent na nilalagay sa mga sinasakyan ko. Sa kotse at van naman okay ako basta sumasabay ang amoy. Its just I really hate the smell of buses." paliwanag ko kay Natasha. Bigla nitong kinalkal ang bag at inabotan ako nito ng mask.

"Ayan para may gamitin ka later, I think bubuksan nila iyong scent ng bus kapag aalis na tayo." aww! Ang sweet talaga ng babaeng ito. Tinanggap ko iyon kahit na may dala ako. Sayang din effort niya naglabas noh!

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Where stories live. Discover now