TEASING XVIII

12K 408 200
                                    

FRAGILE

Papasok na ako ng gym when I heard how Miss Ruzell shout. Galit nanaman yata ito sa mga participants. Well hindi na iyon bago pa. Umupo ako sa malapit na bench sa stage para mapanood ko sila ng maayos. Pinagmamasdan ko sila at halata namang hindi na nagkakahiyaan ang dalawa. Bagay na bagay talaga sila, sayang lang kasi parang wala naman silang something for each other. Nakafocus ako doon sa harapan nang makita ko Miss Maxine na umupo sa tabi ni Mrs. Reinne. Naalala ko nanaman ang sinabi nito kahapon. Okay na iyong moment tapos biglang nasira sa sinabi nito. After niya bitawan ang mga katagang iyon ay pinaalis na niya ako. Kahit pala magkasama kami ay pumapasok pa rin sa isip niya si Miss Ynah. Ang sama noh? ako ang nandoon tapos iba iniisip nito. Pero kahit na naiinis ako, ito pa rin ako mahal na mahal pa rin siya. Kaso iyong dinner kagabi hindi na natuloy and I think mas okay na rin iyon. Huminga ako ng malalim sa kaisipang iyon.

"Ang lalim non ah. You're Zaira right? Remember me in the bar?" medyo gulat ako dahil biglang may nagsalita sa gilid ko. Sa kakaisip ay hindi ko na namalayang may umupo pala dito sa tabi ko. Ngunit nagtatakang tuminigin ako sa kaniya because she looks like Ynah. And bar?? I don't think-- ayy oo naalala ko na! Siya iyong nagpatong yata ng ulo sa balikat ko noong nalasing ako.

"Oh yes! I remember you but I don't remember your name. Sorry about that" nakangiting sabi ko dito. Nakalimutan ko talaga e, mas okay na iyong sabihin ko diba? Kaysa mag-act ako na alam ko ang pangalan niya.

"It's Yrah, Ynah's twin sister. Actually dito siya nagwowork at hinahanap ko kung saan ang department ng nurses. Remember her?" medyo nawala iyong mood ko doon ngunit hindi ko pinahalata. Sasamahan ko nalang siguro ito kawawa naman siya baka maligaw pa.

"Tara samahan kita, alam mo office ni Miss Ynah?" tanong ko dito ngunit umiling siya. Seriously? Magkapatid sila right? Pero sa totoo lang hindi ko nakilala si Miss Ynah dati.
"Sige alam ko, ihahatid na lang kita sa office nito." pinilit ko ang ngumiti para hindi naman sabihin nito na napipilitan ako. Ang sa akin lang kasi ay, after ko marinig iyong pag-uusap nila ni Maxine hindi na ako naglakad pa doon.

"Yay! Thank you so much Zaira!" masayang turan nito, magkamukhang-magkamukha nga sila ni Miss Ynah.

"Maliit na bagay. Tara?" tugon ko kaya tumayo na ito. Tinulungan pa niya akong tumayo, ang gentlewoman naman ng babaeng ito. Naglakad na kami palabas ng gym habang naglalakad ay narinig ko ang paghuni ng phone ko. Mabilis na kinuha ko iyon, nakalimutan kong nakaopen pala ang data nito. I look at the notifications bar at laking gulat ko nang makita ko ang nagmessage. Nagmessage si Maxine sa Instagram.

Where are you going again?
Who's that person?

YOUR EX' GIRLFRIEND twin sister.
Happy?

Sa inis ko ay nasungitan ko ito. Ang labo kasi, she is acting like a jealous girlfriend kahit na mahal pa nito ang ex niya. Alam ba niyang ginagawa ko lahat? para lahat ng atensyon nito ay akin na lamang.

Where are you taking her?
Come back here.

Napaikot ako ng mata sa nabasa, sineen ko na lang ito at pinatay ang data connection. Tumingin ako sa taong kasama ko ngayon na nagkwekwento.

"Alam mo Zaira, hinanap kita. I even asked Ynah tapos sabi niya hindi ka raw niya matandaan. At ngayon makikita kita dito and you know her." sambit nito. Siguro naman sa oras na iyon ay hindi pa kami nagkakakilala ni Miss Ynah.

"Actually hindi ko inakala na kayo ang nakasama namin sa bar. Tsaka walang formal na pagpapakilala sa pagitan namin ni Miss Ynah. Nakilala ko lang siya dahil sa isang kaibigan." walang kasinungalingang turan ko.

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Where stories live. Discover now