TEASING VII

16K 509 150
                                    

LOST

Pagkauwi ko sa bahay ay dederetso na sana ako sa kwarto nang tinawag ako ni Daddy. Nasa sala kasi sila at hindi ko sila tinapunan pa ng tingin nang dumaan ako. Wala akong pakialam sakanila dahil hindi naman yata kami isang pamilya. Tumingin ako sakanila ng walang emosyon, oo sakanilang tatlo.

"Anong oras na Elliane?" napabuntong hininga ako dahil alam kong galit ito base sa pangalan na tinawag nito sa akin. May gana pa silang magalit matapos nilang hindi ako sunduin! Sa tingin ko kanina pa sila sa bahay dahil nakapambahay na ang mga ito.

"10 pm" walang ganang sabi ko dito na ikinakunot ng noo nila. Maybe sa way ng pagsagot ko. Bahala na nga sila jan! Tsk! Tumalikod na ako kahit na tinawag pa ako ni Daddy. Masama ang loob ko sakanila baka kung ano pa ang masabi ko kapag nagkataon. Hinayaang ibagsak ko ang aking katawan dahil sa pagod. This time I just really want to relax. Gusto kong mabura lahat ng iniisip ko. Ilang araw pa lang ang pasok ganito na agad kagulo. Parang hindi ko kakayanin ang bigat ng nararamdaman ko. Wala man lang ako makwentuhan kasi wala naman akong pamilyang malalapitan. Pagsundo nga hindi nila magawa makipagkwentuhan pa kaya. Nag-iisip ako ng pwede kong gawin para malibang ang sarili ko kahit sa maikling oras lang. Nilabas ko sa drawer ang sketch pad ko, magcacalligraphy nalang ako. Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat nang mapagtantong pangalan ng propesor namin ang aking pinapaganda. Mabilis na pinunit ko ito dahil sa hindi ko alam na dahilan. Bakit ko ginuguhit ang pangalan niya? Ang pilyang propesor ko na ginugulo ang isip at buhay ko. Dumagdag pa ito sa problema ko. Tinigil ko ang ginagawa at hinayaan nalang doon na nakakalat. Napagdesisyunan kong yayain sila Mitch na magbar. Gusto ko talagang magpakalasing at makalimot kahit konting oras lang. Papapasukin naman na siguro ako cause I'm already 18. I called Mitch and Luke, nagtanong pa sila ngunit sa kalaunan ay pumayag din sila. First time ko magyaya kaya hindi sila pwedeng humindi.

10:30 pm nang bumaba ako, tiyak naman akong tulog na ang mga tao sa bahay. Nang makababa ako ay agad ako lumabas ng bahay. Dahan-dahan pa ang pagbukas at pagsara ko sa gate para hindi sila magising. I saw my best friends na naghihintay na pala sa labas. Napahinga naman ako ng matiwasay dahil hindi ko na kailangan pang maghintay. Alam niyo kasi, si Mitch ang pinakamatagal magpalit at gumalaw. Ewan ko ba sa babaeng ito pinaglihi ata sa pagong.

"Ang tagal huh? Maaga pa tayo uuwi may klase tomorrow " O diba? Makapagpasa ng mga gawain niya sa akin ang galing. Tsaka ano daw? Uwi agad?

"Tignan mo to Luke pinapasa gawain niya sa akin tapos hindi pa nga tayo nakakarating uwian na agad sinasabi. Can you just be happy for me kasi hindi ko na kayo babawalan magbar dahil sasabayan ko na kayo" I said and wink at them playfully.

"Okay! Fine, fine! Come on para mabinyagan kana namin" natatawang sabi ni Mitch na nagpatawa rin sa amin ni Luke. Makasabi ng binyagan akala mo naman malakas sa inuman. Pumasok na kami sa kotse ni Luke. He starts the engine tsaka pinaharurot palayo sa bahay. Luke switch his radio too, look like ayos na siya at iyong nangyari kanina. Ayaw ko nang ungkatin pa, makikibalita nalang ako kay Mitch.

"Here we go Z bar!" hyper na sigaw ni Mitch. Nagkatinginan kami ni Luke at nakisabay na rin sa sinigaw nito. We are happy singing na medyo may sayaw-sayaw pa. Para kaming nakatakas na bilanggo sa ginagawa namin ngayon. Nakalimot ako ng kaunti dahil doon. Pagkarating namin sa bar ay pumasok na kami. Ang daming tao! Some of them are dancing wild on the dance floor. May naghahalikan na rin yata, well bar ito so walang pakialamanan. We choose to sit sa gilid para kitang-kita ang mga sumasayaw sa dance floor. Pagdating ng order ni Luke agad nitong binuksan ang isa. It's tequila and whiskey. Kaya ba namin tong inumin? Knowing na mahina kami except kay Luke sa inuman.

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Where stories live. Discover now