TEASING XV

13.7K 470 410
                                    

INEXORABLE

Nakalipas na ang tatlong linggo mula noong last encounter namin ni Miss Montez. Nagsimula na rin kami magreview pero hindi pa ako nito pinapapunta sa tinitirhan niya. According to her, hintayin ko lang ang message nito. Kaya ngayon, gabi nanaman at ito nanaman ako, naghihintay nanaman ng message niya. Nakapagpalit na ako't nakapagdinner dahil magseseven pero wala pa ring message na galing sa kaniya. Napagdesisyunan ko nang lumabas dahil may work ako ngayon. Pagkabukas ng elevator ay nagulat ako dahil nandito pala sa loob ang kanina ko pa hinihintay ang message. Nakayukong pumasok ako tsaka sinara ang elevator. Huminga ako nang malalim, acting like I am not affected by her presence. I focus myself looking at the wall of the elevator para mawala ang tension na ako lang naman ang nakakaramdam. Kasalukuyang pinagmamasdan ko ito ng biglang magring ang phone at napangiti agad nang makita ang pangalan ni Zamaranda (Zamara) na siya mismo ang naglagay. Iyon daw ay Zamara + ganda = Zamaranda, ang jeje pakinggan pero si President iyon e kaya wala akong violent reaction.

"Heyy!" excited na sabi nito na medyo napalakas kaya nailayo ko bigla ang phone sa tainga.

"Ang lakas ng boses ampk! Ano nanamang kailangan mo Zamara?" boring na tanong ko kaya ito nanaman po siya. Magdradrama nanaman ang gg.

"Breezzee! Bakit parang bored na bored ka? I am not that cool enough to hype that boredom of yours? Hindi mo na ako lab? Breeze namann!" ungot nito kaya napatawa ako ng mahina na parang hindi ko kasama ang aking minamahal na wala namang paki sa akin. Bakit ko nga ba pala siya iniisip ampk!

"And now you're laughing at me! You owe me a coffee babe! I'll go to the coffee shop you are telling me! Seeyouuu muahh!" pinatay na nito pagkatapos niya sabihin iyon kaya nagkibit-balikat na lang ako.

Pagkabukas ng elevator ay lalabas na sana ako nang ako'y kaladkarin ng propesor na hindi ko na nga pinansin. Dinala ako nito sa kotse niya sa may parking lot kaya nagtataka na medyo may kaunting inis akong napatingin dito.

"Why are you dragging me again Miss Montez?!" hindi ko sana ipapahalata na naiinis ako sa ginawa nito subalit mismong boses ko na ang nagsabi dito. Ano ba kasing problema niya? Hindi ko na nga pinapansin!

"Pasok." utos nito sa akin sabay nang pagbukas nito sa door ng passenger seat. Hindi ako gumalaw sa utos niya dahil tanginis naman! Ginagawa niya akong sunod-sunuran nito!

"I am not your pet na kapag sinabi mo ay gagawin ko. Look Miss Montez, may trabaho pa ako at kailangan ko ng umalis." I explained boringly tsaka aalis na sana ng,

"Please Breeze? I need you right now." napatigil ako dahil sa boses nito. Alam kong basag pa rin ang puso nito dahil kay Miss Ynah pero paano naman ako? Gusto kong isumbat na I need her too the time she left me, I need her too during my dark days! I really need her in my life but I choose not to say those kasi alam ko ang nararamdaman nito ngayon. Nagdadalawang isip ako kung titingnan ko siya o hindi ngunit wala sa sariling tumingin ako dito. Nakayuko ito na parang wala na siyang pag-asang bumangon pa. Mabilis kong pinahid ang luha ko dahil nasasaktan ako, nasasaktan ako dahil sa pinapakita nito. Dahan-dahang naglakad ako sa pwesto niya. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko iyon ginawa.

"Tara na Miss" hindi ko na ito nilingon at pumasok na sa loob ng kotse. Napabuntong-hininga ako dahil pinapairal ko ang aking karupokan pagdating sa kaniya. Nakita ko itong naglakad papunta sa kabila, binuksan nito ang pintuan para makapasok sa driver seat. Tinignan ko siya nang mataman pagkapasok niya, halatang pagod na pagod ito. Sana hindi na lang siya lumabas at nagpahinga na lang.

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Where stories live. Discover now