TEASING XLII

11.1K 309 153
                                    

KISS AND MAKE UP

"Hon?" agad na nag-angat ako ng tingin mula sa phone. I checked the time and it's already 7 pm. Naiinis ako kasi kanina pa ako naghihintay. She should tell me na male-late siya ng ilang oras para naman hindi ako pumunta dito ng maaga. Day-off ko ngayon at ako'y magpapahinga sana pero pumunta pa rin ako dahil gusto niyang magcoffee kami sa labas. Kaya sa inis ko ay binalik kong muli ang tingin sa phone saka nag-act na busy.

"Hey, sorry na. Dad ask me a favor kasi so I am late." pag-explain niya pero hindi ko pa rin siya pinansin. Bahala siya dyan! Pinaghintay lang naman niya ako ng tatlong oras.

"Hon naman, don't ignore me." lumungkot ang boses nito kaya hindi ko maiwasang tumingin dito. Aparupok self.

"Then you should inform me para naman umuwi muna ako. Alam mo bang wala pa akong maayos na pahinga? Ang dami kong ginawa this morning tapos paghihintayin mo 'ko ng ilang oras ngayong hapon. Psh!" mahina ngunit madiin na turan ko para hindi kami makakuha ng atensyon. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mainis. Napakacareless kasi!

"Okay fine, Yrah and I met after kong pumunta sa company. Sorry for making you wait, don't be mad at me hon." mas lalo ata akong nainis sa narinig. Si Yrah? Ahh, girlfriend duty. Okayed.

Tumayo na ako para umuwi. Nawalan na ako ng gana pa. Sana sinasabi niya sa akin na magpapagirlfriend muna siya sa girlfriend niya diba? Para naman hindi ako naghihintay na parang tanga. Tuloy-tuloy lang akong naglakad hanggang sa makarating ako ng parking lot. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ko when someone hug me behind my back.

"Sorry please? Huwag ka na po magalit sa akin. Whatever you were thinking is not what had happen. Listen to me first and hear me out." pinaharap ako nito kaya nagpatinaod ako. Tama naman siya, 'wag pangunahan ang lahat. I should listen to her.

Maingat na hinatak niya ako papunta sa kotse niya saka ako pinasok doon. Hinawakan nito ang kamay ko saka malumanay na tumingin sa akin. She kissed the back of my hand that makes my heart melt. Natunaw agad ang inis ko sa gestures niya, kainis.

"We met kasi I broke up with her. She have no choice kahit na ipilit pa niya kasi ayoko naman talaga sa kaniya una pa lang. I talk to her dahil hindi lang doon, may nalaman kasi akong ginawa niya sayo dati. Remember when you go to the bar?  When someone drug you? It was Yrah who did that. I will sue her for doing that thing to you so I invite you this afternoon. I wanna ask you personally if you want her to put on jail." mahabang litanya niya. Nakikinig lang ako dahil hindi maprocess ng utak ko ang rebelasyong sinabi niya. Talaga bang nagawa niya iyon? She put a drug on my drink. Alam ba niyang muntikan ng masira ang buhay ko sa ginawa niya? Pero ayoko na ng away, gusto ko na lang na masaya kami ni Maxine at maayos ang pamilya ko.

"Hindi na, ayoko ng gulo. Hayaan na lang natin siya at sana ganoon din siya sa atin. Karma na lang ang bahala sa kaniya." masyado ba akong mabait? Well, ayoko na ng maraming kaguluhan pa. I wanna be happy with my life right now.

She kiss my forehead and then hugs me. Niyakap ko rin siya ng mahigpit pabalik. Masaya na ako sa kung anong meron sa akin ngayon. No one will dare to ruin that kasi ako ang makakalaban nila. Ang mabait kapag nagalit mabangis, just a reminder.

"Sorry for judging you awhile ago and thank you Maxine for making me happy. I am so lucky for having you, once again. Mahal na mahal kita." I sincerely said while giving her a tight hug. I'm such a asshole for being mad at her. I wanna make up things to her para makabawi ako.

"Mahal na mahal din po kita."






Nasa penthouse niya kami ngayon. Hindi siya iyong dating penthouse noon kasi pinagbili na pala niya ito. Naaalala raw niya kasi ako palagi kapag naroon siya sa hotel niya dati kaya ganoon na ang ginawa niya. Medyo kinilig pa ako dahil binenta raw niya ang building mula noong umalis ako sa buhay niya. Tama bang kiligin ako sa lagay na iyon? Ey bat ba! Ako nga kasi ang dahilan, ako lang naman po huehue, hindi na magkakajowa ang umangal pa.

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Where stories live. Discover now