TEASING XVII

12.6K 435 385
                                    

IRRISOLUTE

Sa wakas one subject na lang at matatapos na rin ang midterm exam, makakahinga na ako matiwasay. Hinihintay namin ngayon ang last subject na eexamin namin at hindi ko alam kung sino ang proctor na nireplace. It should be Miss Megan kaso busy ito sa ibang subject na hawak niya. Kaya ito kasalukuyang nagrereview kami ni Mitch.

"May eexamin ka pang iba?" tanong ko dito na ikinatango niya. Nagtataka ako dahil same lang naman kami ng subject? Hmmm? Ay hindi pala, hindi nito nakuha ang subject na something about arts, basta iyon.

"Sinong teacher?" napairap ito kaya naman napatawa ako ng mahina, alam ko na kasi kung sino ito. Its Miss Ruzell na pinag-iinitan yata si Mitchy palagi.
"Baka naman type ka niya?" pang-aasar ko na mas nagpasama sa timpla nito.

"Maghunos dili ka Breeze, look Miss Ruzell is a sassy-bitchy-girlish type na hindi mo iisiping papatol siya sa kapwa niya babae. At isa pa, straight ako kung sakaling nakalimutan mo." pero ganoon din naman si Miss Montez diba? Babaeng-babae siya pero babaeng-babae din ang gusto.

"Pero bakit si ano Mitchy, she is girlish-bitchy type na hindi mo aakalain na nagkajowa din pala siya ng isang dilag. Hindi natin alam ang panahon Mitchy, baka sa susunod na araw bigla kang mahulog sa hindi mo inaasahang kahuhulugan mo." nang dahil sa sinambit ko ay namamanghang tumingin si Mitch sa akin, natatawa ako kasi hindi ko din alam kung bakit ganito ang mga lumalabas sa bibig ko.

"Hey lover, she is coming." naramdaman ko nanaman ang excitement nang magbaling ako ng tingin. She is wearing a jeans matching with a long sleeves off shoulder, very simple ng suot niya ngayon ngunit ang lakas pa rin ng dating nito. This is the first time na ganyan ang outfit nito kaya lahat kami ay napatingin sa kaniya. Bakit feeling ko mas gumaganda ito each day na lumilipas.

"You're drooling Bree" wala sa sariling napapunas ako sa gilid ng labi kaso wala naman. Napairap tuloy ako kay Mitch na mahinang tumatawa na ngayon.

"Shut up." sabi ko dito bago tumingin ulit sa harapan. Ang seryoso ni Miss kaya naman mas naaliw akong tignan ito. Potek, I am so in love with her.

"One seat apart, arrange your chairs." sabi nito kaya naman tumayo kami agad at wala ni isa ang gumawa ng ingay. Napapansin ko lang na kapag si Miss Montez ang guro namin super behave naming lahat.

Pagkatapos naming inayos ay umupo na kami, we wait for 30 seconds nang magsalita ulit si Ma'am. Medyo namotivate ako dahil sa pagtingin nito sa pwesto ko. Binigyan ako nito ng isang maliit na ngiti na ikinakabog ng puso ko. I bite my lower lip to suppress my smile. Enebe! Kinikilig akooo ampk! Nagbaling ako ng tingin kay Mitch dahil ramdam ko ang tingin niya sa akin. Tinignan ako nito ng marami-kang-ikuwekwento look na agad kong naintindihan kaya tumango ako dito.

"Miss Flores, lipat ka sa gilid, left chair sa unahan." narinig kong sabi ni Miss Montez kaya tumayo na si Mitch.

"Mr. Vergara, sa tabi ka ni Bre-Miss Joaquin." napatingin ako bigla sa kaniya dahil sa muntikang pagtawag nito sa first name ko. Nagdidiwang nanaman ang puso ko dahil sa maliit na bagay na iyon.

"Miss Joaquin, sa likod na pinakaright." sinunod ko ito at umupo sa pinakalikod daw. Sa likod talaga ang bagsak ko sure na? Gusto ko sana sa malapitan para mas makita ko siya.

Pinalipat pa ni Miss ang iba hanggang sa nasatisfy ito. Halatang istrikto talaga siya pagdating sa school stuffs. She really love her profession. Nakita ko itong nagdidistribute kaya naman hinintay ko ang paglapit nito sa pwesto. Ilang segundo na ang nakakalipas pero wala pa ring Miss Montez na lumalapit sa akin. Hinanap ko siya ngunit nasa harapan na ito. Dismayado naman ako kasi ang aking akala ay lalapit siya sa akin. Ano ba naman yan!

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Where stories live. Discover now