TEASING XXII

11.8K 431 322
                                    

REVITALISED

Naalimpungutan ako sa ingay ng phone ko, I checked the time and it's already 3 pm. Tinignan kong muli ito dahil umingay ulit. Alam ba ng taong tumatawag sa akin na sinisira nito ang tulog ko. Upang hindi na ito mag-ingay pa ay pinatay ko na ng tuluyan. Noong hindi na ako naging active sa mga social medias sinunod naman nila ngayon ang aking phone number. Nangyayari lang naman ang mga pagtawag na iyan dahil walang nakakaalam na kahit sino man kung nasaan ako. After what happen ay nagpakuha ako kay Aiven. Wala na kasi akong choice na ibang lalapitan pa that day. Hindi naman pwede si kuya dahil magugulantang ito kapag nakita niya ang kalagayan ko. At mas lalo sila mommy at daddy dahil tiyak na papaulanan ako ng mga questions. Kaya naman si Aiven na lang, laking pasasalamat ko na lang sa kaniya dahil hindi na ito nagtanong pa. Ang ginawa lang niya ay kinomfort ako hanggang sa maging okay na ang pakiramdam ko. Ilang days na rin mula noong nangyari ang mapait na pangyayari sa buhay ko. After that day ay lumuwas kami nila daddy dito sa Quezon Province na laking pasasalamat ko. Dito kasi kami magcecelebrate dahil uuwi sila lolo at lola bukas galing States. Tsaka may bisita rin kaming darating mamayang gabi. Ate Liza's family, my kuya's girl dahil pag-uusapan na yata nila ang kasal nila sapagkat buntis na si ate. Ang bilis noh? Ngayon ko lang mamemeet tapos papakasal na agad with a blessing pa kaya magiging tita na ako. Naeexcite tuloy ako imeet siya, sila. Nagdesisyon akong tumayo na tsaka lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay nakita ko si kuya na ka-face time yata iyong girlfriend niya.

"Kuya! Si ate Liza yan? patingin naman ako" agad na tumabi ako sa kaniya ngunit mabilis din nitong kinuha ang laptop niya. Naiinis tuloy akong nakatingin ngayon sa kaniya.

"Makikita mo na siya mamayang gabi! Ang atat mo." look nagbago na rin si kuya. Minsan na lang siya sweet tapos lagi na niya akong inaasar. Oras na rin yata para magbago din ako.

"Ang damot!" agad na tumayo ako at pumunta sa kusina. Nakita ko si mommy na nagluluto kaya lumapit ako sa kaniya tsaka yumakap sa likod nito.

"My ano yan? Ang bango naman nyan" mas lalong niyakap ko pa ito. Namiss ko kaya siya ng sobra. Nakita ko itong napangiti dahil sa ka-clingy-han ko.

"Aww naglalambing ang bunso. Anong gusto ng Zaia namin?" agad na sambit nito kaya natuwa ako agad. Binabalak kong lumabas ngayon.

"My lalabas ako mamaya, papasalon ako pwede?" mas hinigpitan ko pa ang pagkakayap kaya natawa ito, kailangan ko ng pera. Naubos na cash ko kasi hindi pa ako nakapagwithdraw.

"Punta ka sa kwarto namin ni daddy. Nasa cabinet yong bag ko. Get 3K, is that enough?" hinalikan ko na ito agad tsaka umalis sa kusina. Pumunta ako sa taas at kumuha ng pera ni mommy. Ang swerte ko talaga kay mommy! Pagkakuha ay dumiretso na ako sa kwarto para makapagpalit ng damit. Ilang minuto ay lumabas na rin ako at pumuntang sala. Buburaotan ko din si Kuya *evil laugh*

"Oh san ka pupunta?" tanong nito nang makita niya ako. Ngumiti ako ng matamis dito para mahingian ko siya.

"Kuya papasalon ako, penge pera." nagdiwang na ako agad ng inabutan ako nito ng 2k. Last target pa.

"Yiee dabest ka talaga kuya! I love you!" agad na umalis ako sa loob ng bahay. Hinanap ko ang last target ko, kasama nito si Kumpadre niya sa tabing bahay. Basta hindi ko na kilala kasi ngayon lang ulit ako pumunta dito.

"Hello po tito! Dy lalabas ako." sabay ng pagbati ko sa kasama ni daddy ay lumapit ako dito at kumapit sa balikat niya. Siya naman hinawakan nito ang likod ko.

"Ilan ang kailangan ng prinsesa ko?" nakangiting tanong nito kaya naman mas lalong lumaki ang ngiti ko. Alam na niya agad ee.

"Kahit ilan lang po Dy tsaka bibilhan ko ng gift iyong girlfriend ni kuya." nakita kong naglabas ito ng 4k. Nagheart ang mata ko sa nakita, ang swerte swerte ko ngayon. By the way if you are wondering, pro ako sa buraotan! Just kidding!

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Where stories live. Discover now