TEASING XIII

14.2K 447 472
                                    

SHUN

Isang linggo na pala nang simulan ko ang pag-iwas sakaniya. After ko lumabas sa office nito nagdesisyon akong lumayo na dito. Kapag pinapaiwan niya ako after class hindi na ako nagpapaiwan pa. Ilang ulit iyon na ginawa niya pero hindi ko ito sinusunod. One time nga nagalit ito dahil hindi ako sumulpot sa office niya. Hindi ko alam kung bakit nag-aaksaya siya ng oras sa akin para magkausap lang kami. Siguro ramdam na nito ang pagiging distant ko kaya ganoon. Pero ano naman ngayon sakaniya diba? I am just her toy, or baka miss niya na ang laruan niya. Tsk!

Pauwi na ako at lalagpas na sana sa hallway when I heard a two voice, I think nagbabangayan ang mga ito base sa pananalita nang isa. Napatigil ako nang marinig ko ang familiar na tinig. Lumingon ako kung saan ito nagmula, napatitig ako sa isang taong nasa harap ng office ngayon. This is a department of Nurses ngunit bakit nandito si Miss Montez?

"Ano ba Ryel let me go! Isang taon na tayong hiwalay but you keep bugging me! Tama na nakakasawa na!" inis na sabi nang isa enough para marinig ko sila. Hindi ako nag-atubling magtago dahil hindi naman ako kita sa aking pwesto. Tinignan ko kung sino itong propesor na kausap ni Miss Montez. Parang nakita ko na ito somewhere, agad na natuptop ko ang aking bibig nang magflashback ang itsura nito. Siya iyong kahalikan ni Doc, hindi ako maaaring magkamali. Her name is something like Aya? Iya? No! Its Ynah! I remember the Doctor called her as Ynah. Pero anong connection nila ni Miss Montez? Hindi kaya mag-

"Please come back to me. I am still in love with you at hindi iyon mawawala" naputol ang aking iniisip dahil sa narinig. Nasaktan ako dahil sa nakita ko kung paano bumagsak ang luha nito sa mga mata. Gusto ko siyang hatakin mula doon ngunit hindi ko kaya. Wala akong karapatan para pakialaman sila. Tsaka mag ex ang mga ito? So confirm na into girls siya at alam ko na ngayon kung bakit hindi siya naiilang na halikan ako dahil babae din ang minahal nito at minamahal pa hanggang ngayon.

"The feeling is mutual but we need to let go. Hindi na tayo maaayos dahil dati palang sira na tayo. And I think you already have someone." hindi ko alam kung ako lang pero hindi ko ramdam ang sinabi ni Miss Ynah kay Miss Montez. Dahil ramdam ko na may something ito kay Doc, lalo na nang matunghayan ko kung paano niya ito hawakan ng buong pag-iingat. So therefore, she's a liar, she feel the same? Nahh! She is just using it para hindi makamove on si Ma'am.

"Ikaw lang ang may bago! I never have one because you are the only one for me! Ikaw at ikaw lang!" mas nanikip ang dibdib ko sa aking naririnig. Confirm that I am inlove with my professor kasi nasasaktan ako ng ganito. Akala ko sa pag-iwas ko ay mawawala agad ang nararamdaman kong ito sakaniya, subalit maling-mali ako dahil mas lalo pa yatang lumala. Aalis na sana ako nang banggitin ni Miss Ynah ang dahilan ng pagtigil ko.

"How about Zaira Joaquin? your student right? Iyong dinala mo sa clinic dati." bakit ako nasali? Kaya ganoon ang ipinakita niyang ugali sa akin dahil nagseselos siya ganoon ba? Or baka nabitin lang ito dahil sa presensya ko sa clinic? Pero tinanong sana niya ako dahil wala pa naman akong nararamdaman para kay Miss Montez noon. Edi sana natulungan ko sila na magkaayos. Ngunit nabasag nang tuluyan ang aking puso when I heard what Miss Montez said.

"That kid? I dont have a relationship with her. She's too young and dammit! she is my student. Yes, aminin ko na tinitease ko siya but guess, I am playing around nothing serious about it." iyon na ang oras na bumagsak muli ang luha ko sabay nang pag-alis sa lugar na iyon. Gusto kong magmura sa narinig pero kailangan kong magpigil. Alam ko namang ilugar kahit na ang bigat-bigat na sa damdamin.

Nakauwi na ako nang tuluyan ngunit hindi ko din alam kung papaano, basta ang alam ko ay lutang ako. Nakatingin lang ako sa tv na umaandar ngunit ang isip ko ay lumilipad, iniisip ko ang nangyari kanina. Sa ginawa ni Miss Montez sa akin iniiisip ko tuloy na ginagamit niya ako para mawala ang atensyon niya sa ex niya. Ginagawa niya akong kasangkapan para makamove on siya. Therefore, ginagamit niya akong panakip butas.

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Where stories live. Discover now