Chapter 5:Why does it have to be me?

Magsimula sa umpisa
                                    

“Pero Aly alangan naman paulit-ulit kayong magse-sex pero wala kayo? Ano yun Friends with benefits ang peg?” Sabi pa ni Bang sa akin.

“Oo nga brad, wala bang feelings kahit konti?” Napatigil naman ako sa tanong ni Kim, meron ba? Wala naman eh, wala naman diba?

Tiningnan ko sila, at nakatingin lang din sila sa akin. Naghihintay sa isasagot ko, huminga ako ng malalim bago sumagot.

“Hmmm, wala.” Sabi ko sakanila.

“Walang kwenta ka talaga Baldo, tara na nga.” Sabi ni Kim.

“Paanong wala lang? Hello Alyssa dalawang beses nay un, sigurado akong meron na yang feelings noh.” Sabi naman ni Jovelyn at tatango-tango naman si Mela at Bang.

Napa-isip naman ako, pero confusion is all I got. Oo aaminin ko maganda, sexy at hot naman talaga si Den.

“Sige, let’s put it this way. Siguro attracted lang ako sakanya, dude if you could see her sino ba namang hindi maakit don.” Sabi ko at sinusubukan ko talagang maging kaswal lang baka mamaya kung ano-ano na naman kasing isipin ng mga toh.

“Hay naku Alyssa, bakit ba takot na takot kang matali ha?” Tanong ni Kim saakin.

“You know why Kim.” Pangatwiran ni ko sa mga kaibigan ko.

“Ok,ok! We get it dude, pero subukan mo lang trust me masaya.” Sabi ni Kim at tumingin it okay Mela, at si Mela naman yumuko at namula.

“Kayo talagang dalawa, ang landi niyo.” Asar ni Bang at Jovelyn sa dalawa, tumawa na lang ako. Hahaha.

“Che, inggit lang kayo eh kasi wala si Ara at ate Rachel dito! Lika nga dito Melabs.” Sabi naman ni Kim aysus gusto lang pala lumandi kay Mela dinamay pa si Jovelyn at Bang.

“Paraparaan ka Kimmang ha, tara na nga susunduin ko pa si Rad sa photoshoot niya.” Sabi ni Jovelyn at inilabas na yung susi ng sasakyan niya at kinuha ang mga pack bag niya.

“Ako naman magkikita pa kami ni Ara sa SB.” Sabi naman ni Bang.

“Ako ihahatid ko si Melabs then dericho na ako saTaft, eh ikaw Baldo?” Tanong ni Kim sa akin habang nakakapit pa rin it okay Mela. Sus, ang landi talaga ng kumag na toh.

“Sa dorm na, hatid mo naman ako Jovelyn.” Sabi ko sabay pacute kay Jovelyn.

“Leche ka, jan ka talaga magaling ang magpacute. Tara na nga!”

“Yun oh!”

Sabay-sabay na kaming umalis pero iba-iba ang mga rota namin, dadaanan muna namin si ate Rachel kasi on the way lang ang venue ng photoshoot nila sa Ateneo.

“San ba kasi yang photoshoot ni ate Chel?” tanong k okay Jovelyn na busy sa pagdr-drive.

BurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon