[14] Eavesdrop

Magsimula sa umpisa
                                    

I bit my lower lip and nodded. Hindi talaga ako makapaniwala na may asawa na si Liam. Parang dati nung mga bata pa kami, naglalaro kami ng bahay-bahayan tapos ako kunwari yung Mommy at siya naman ang husband ko. Si Kaye Anne naman yung kunwaring anak namin. Ang taba pa ni Kaye Anne nun lol XD Want to know Kurt's role in our game? 

"Kurt, naalala mo pa ba nung mga bata pa tayo?" I asked smiling. Seryosong napatingin siya sa akin saka niya binalik ulit ang tingin niya sa pan. Nagsisimula na kasi siyang magluto.

"Oo naman. Naaalala ko lahat. Ano ba yun?" 

"Yung nagbabahay-bahayan kami dati sa playground ng school natin. Tapos si Liam yung asawa ko at si Kaye Anne ang anak namin kunwari." I said while beaming at him.

Napanguso siya habang nag-popour ng pancake mixture sa pan. "Oo, ayaw niyo akong isali kaya sinira ko yung playhouse ninyo. Tinanggal ko yung bubong at yung bintana. Iyak pa nga ng iyak si Liampayatot nun pati na rin ikaw. Si Kaye Anne naman sinabunutan ako." Annoyed niyang sabi.

Wahahaha! I told you. Bully siya. 

"Hahaha! Eh kasi lagi mo naman kaming inaasar kaya 'di ka namin sinasali noon." Depensa ko.

"Eh hindi mo naman din ako pinapansin nun kaya para mapansin mo ako, inaasar nalang kita." Sagot niya. Kinuha ko muna sa loob ng fridge ang maple syrup saka ako nagpour sa--- di ko alam ang tawag pero para siyang mini glass pitcher.

"Ewan ko sayo. Nakakainis ka kasi, ang angas ng dating mo nung bata ka pa. Tapos ang yabang mo pa." Marami-rami na siyang nalutong pancakes kaya pumwesto na ako sa dining table.

"Tss," pinatay niya ang stove at isinerve ang nilutong pancakes sa table. "Yeah, whatever. Eh ikaw? You looked like a princess when you were young that's why I always wanted to approach you. Yun nga lang, sinusungitan mo ako. I just wanted to play with you. Lagi nalang si Liampayatot ang kalaro mo nun."

I smiled mischievously at him. "Wushu, okay tapos na yun. At least ngayon, ayos na tayo diba? Hindi ko nga akalain na yung bully ko nung bata pa ako ay mapapangasawa ko na ngayon. Ang bongga diba?!" 

He chuckled while sitting next to me. "Ganun talaga. Nga pala, ang tagal naman ng mag-asawang yun magising." 

"Naku, baby love. I have MKTG. 14 class at 9AM and I need to take a bath in 15 minutes or else I might going to be late."

"Okay, okay. Tara, katukin na natin." He said while pulling me to stand. Nang nasa hagdan na kami ay nakarinig kami ng tili.

"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Napatigil tuloy kami ni Kurt sa pagpanhik at nagkatinginan. "Kurt, si Mizuka yun diba?" He nodded. "Waaah! Anong nangyari dun? Baka nag-aaway sila ni Liam. Tara na!" Sabay hila ko kay Kurt.

"Wag ka ngang nagmamadali. Away mag-asawa yun, ano ka ba." He said irritatingly then I sighed in defeat. Nang makarating na kami sa tapat ng room ko ay nagkatinginan na naman kami ni Kurt.

"Ikaw na kumatok." Mahinang sabi ko.

He frowned. "Ikaw na, bakit ako?"

"Eh sa nahihiya ako eh." 

Napakamot siya sa batok niya habang pinagkukunutan ako ng noo. "Ikaw na kasi."

"Ayoko nga. Baka mamaya sabihan tayo ng istorbo tayo." I looked at my room's door. Kakatukin ba namin? He motioned me to hush while he was leaning his ear to the door. Para siyang nag-eeavesdrop.  "What are you doing?" I whispered.

"Papakinggan ko lang kung gising na talaga sila." He answered.

I rolled my eyes on him, "Shunga, gising na sila for sure kasi narinig nga natin si Mizuka na tumili diba?"

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon