"Mga lalaki kami, kaya alam namin kung ano ang nasa utak ng mga lalaking tumitingin sa inyo!"wika naman ni Baste na sa nobyang si Maxene nakatingin.

"Care to tell us kung ano ang nasa isip ng isang lalaki kapag tumitingin sa isang babae?"

"Sex!"sabay-sabay na sagot ng apat na lalake na agad nilang pinagsisisihan nang makita ang madilim na mukha ng mga babaeng katabi, except for Meghan.

Marahas na napakalas sa pagkakayakap ng asawa si Madison at walang sabi-sabing lumabas ng kwarto.

"Honey!"natatarantang sinundan ni Elmer ang galit na asawa.

Ganundin ang ginawa nina Lourain at Maxene.

"Love!"habol ni Jonas sa nobya.

"Wait! Babe!"pigil naman ni Baste kay Maxene.

Naiwan naman sina Albert at Meghan sa loob ng naturang kwarto.

Inubos ni Meghan ang natitirang alak sa kaniyang baso at muli ulit itong nagsalin.

"That's enough."saway ni Albert sa kaniya.

"One last shot."aniya at inubos ang natitirang alak na inorder nila.

She's starting to feel hot dahil sa nainum. Tumayo siya at ramdam niya ang bigat ng katawan niya kaya medyo nabuway siya. Pero maagap siyang dinaluhan ni Albert.

"Thanks."aniya at umayos ng tayo. "Did you bring your car?"tanong niya sa lalaking kaharap sa namumungay na mata.

"Yes."

"Good!"aniya at nagpatiuna nang maglakad.

******
Nagtatakang sinundan ng tingin ni Albert si Meghan nang hindi man lang ito nagtanong kung bakit sila nasa bahay niya.

Gusto niyang makausap ito kaya nagdesisyon siyang sa bahay niya ito dalhin.

Maayos na ang paglalakad nito kesa kaninang nasa bar sila.

Tuloy-tuloy ang paglalakad nito papasok sa bahay niya. Nakita niyang nagtanggal ito ng suot na sapatos at agad pumanhik sa silid niya. Napapangiting sinundan niya ito doon.

Natigilan siya sa pagsasara ng pinto sa kaniyang kwarto nang walang ano-anong nagtanggal ito ng suot na damit. Agad siyang lumapit dito ng mahinuha niya kung ano ang sunod nitong huhubarin.

"Hold up, sweetheart!"pigil niya sa kamay nito nang akma nitong ibaba ang suot na pantalon.

"What?!"naiinis nitong singhal sa kaniya.

God help me! wika niya sa isip ng maamoy ang magkahalong alak at mabangong hininga nito. Kanina pa kasi siya nagpipigil na halikan ito. Pero sa kaalamang lasing ito ay hindi siya nagpatangay sa tukso. But she's teasing him now. Hindi na niya alam kung kaya pa ba niyang magpigil.

"What are you doing?"kalmado niyang tanong. Napalunok siya ng mapadako ang tingin niya sa dibdib nitong natatakpan ng bra. They were round and firm.

"Don't stare at my boobs!"mariin nitong wika at tinalikuran siya.

Agad nag-init ang mukha niya sa tinuran ng babae.

Dumiretso ito sa closet niya at kumuha ng damit doon. Isang puting long sleeves collared shirt ang napili nitong isuot. She let the upper buttons open kaya kita ang cleavage nito. Itinupi nito ang manggas niyon hanggang sa lagpas ng punong braso nito. At walang sabi-sabing tinanggal na nito ang suot na pantalon. Bahagya lang natatakpan ang ibabang bahagi ng katawan nito dahil hindi naman kahabaan ang damit niya rito.

Natawag na ni Albert lahat ng alam niyang santo dahil sa kawalang malisya ng babae sa harap niya.

Napakunot-noo siya nang maglakad ito papunta sa kaniya at tumigil ito sa harap niya.

The Elusive Bachelor 2: Albert Montelibano ( Love and Secrets) COMPLETEDМесто, где живут истории. Откройте их для себя